📌TWENTY-SEVEN

747 81 0
                                    

Alyssa POV

Pagkapasok ko sa spacebag ko, nakita ko ang kambal na gumagawa ng portal.. Ang hindi nila alam, hindi gagana ang lagusan nila sa taguan ko..

"Bakit hindi gumagana ang portal natin dito?" inis na sabi ni Die.

Nagulat sila nang makita nila ako na pumasok..

"Tadadada?"

Taka naman silang tumingin sakin dahil nasa ere ako..

"Ikaw ba ang may gawa nito Prinsesa Alyssa?" tanong ni Rie.

"Dada?" itinagilid ko pa ang ulo ko.

"Paano mo maiintindihan ang sinasabi nyan e bata lang yan." inis na sabi ni Die.

"Naiintindihan ko sya no! Kasi minsan ko na rin syang na alagaan bago napunta sa pasaway na prinsipeng yun." - Rie

"Baka sya ang may gawa nito satin. Tapusin nalang natin sya para makaalis na tayo dito." - Die

Paupo akong bumaba sa lupa. At nagkunwari na magpapakarga sa kanila..

"Ayy, ang ganda ganda talaga ng prinsesa.." sabi ni Rie at binuhat ako.. "Parang hindi ko sya kayang saktan Die."

"Anong hindi??" asar na tumingin si Die sa kambal nya. "Gusto mo bang mapatay ng Reyna?? Akin na yang sanggol na yan para matapos na tayo at makaalis na sa lugar na to."

"Paano naman tayo makakaalis sa lugar na to. E hindi nga natin alam kung paano tayo nakapasok dito.. Naalala ko lang may itim na butas tayong nabagsakan.." masungit na sabi ni Rie.

"Tanungin mo yang bata. Baka alam nya." sabay turo sakin. "Di ba naiintindihan mo sya." sabay irap.

"Prinsesa Alyssa, alam mo ba kung paano makaalis dito?" tanong ni Rie.

"Dadada." sabi ko at tumango tango.

"O di ba, alam nya daw." - Rie at tumingin sa kapatid. Inirapan lang sya ng kambal.

"Paano?" tanong ni Die habang masamang tumingin sa akin..

"Ang mamatay kayo.." sabi ko at ngumiti ng malademonyo..

Nagulat ang dalawa sa ginawa ko at mabilis na tumaas sa ere..

Narrator POV

Nagulat ang dalawa sa ginawa ni Alyssa.. At naging alerto sa magiging kilos nito.

"Sinasabi ko na nga ba.. Sya ang may kagagawan nito." inis na sabi ni Die..

"Hahaha.." malakas na tawa ni Alyssa na ikinis nila. "Makakalabas naman kayo.. KUNG.. sasabihin nyo kung nasaan ang magulang ko."

"Hahahaha.." mararamdaman mo sa tawa ni Die ang asar nya kay Alyssa. "Hindi kami tanga para sabihin sayo kung nasaan sila. Akala mo ba matatalo mo kame? Bata ka lang."

Napangisi si Alyssa.

"Oo nga ano? Bata lang ako?" kunwaring napaisip at humawak pa sa baba nya.. "Pero matanong ko lang? Nahuli nyo ba ang pumatay kay Hilda? O nakita nyo na ba ang katawan ni Heneral at Kwatro?"

Tumingin si Alyssa sa kambal at ngumisi ng nakakaloko..

"Wag mong sabihin na ikaw ang may gawa sa kanila nun." galit na sabi ni Rie..

"Ako ba? Iisipin ko muna?" inilagay nya ang kanyang makabilang daliri sa sintido nya at pumikit ng madiin. "Hmmmm.. Sandali lang....... Malapit na......" sabay dilat ng mata.. "Ha!! Ako nga."

Biglang nagngitngit ang ngipin ni Die..

"Ang ibig sabihin lang nun ay hindi ka basta bastang sanggol." galit na sabi ni Rie. "DEATH HARP!!"

Inilabas ni Rie ang kanyang sandata at agad na pinatunog ito patungo kay Alyssa.

"Wind Storm!!" - Alyssa.

Nagsalapukan ang hangin ni Alyssa at ang tunog ng sandata ni Rie.. Sumabog ang mga yun sa gitna nila at naglikha ng usok..

Lumipad naman si Die patungo kay Alyssa at sinipa nya ito ng malakas sa likod.

Bumulusok si Alyssa at nakontrol nya din ang sarili nya kaya hindi ito tumama sa lupa..

"Aray naman!!" sabi ni Alyssa at hawak hawak nya ang balakang nya.

"Masakit ba?" sabi ni Die habang nasa ere.

"Hindi naman, gaano." sabi nito at ngumiti.. "Yun lang ba ang kaya nyo?"

"Di pa ako tapos!!" sigaw ni Rie at pinatunog ulit ang kanyang instrumento patungo sa pwesto ni Alyssa.

Mabilis na umiwas si Alyssa, nakita nya kung paano lumubog ang tunog na yun sa lupa.

Hindi pa nakakaget over si Alyssa ay bigla namang sumugod ang kambal nito..

Iniwasan ni Alyssa ang bawat suntok, sipa na ginagawa ni Die.. Nang makakita ng tyempo si Alyssa. Malakas nyang inaper-cut si Die dahilan ng pagtaas nito at bumulusok sa lupa.

Nagulat naman si Rie sa nangyari sa kapatid kaya masama nitong tinignan si Alyssa..

"TONE SLASH!!!!" sigaw ni Rie..

[A/N : Ang Tone Slash po ay nota na parang dagger ng mga assassin.. Hihihi naisip ko lang 😅😅]

Sunod sunod na pinatunog ni Rie ang kanyang Harp patungo sa dereksyon ni Alyssa.. Puro iwas naman ang ginagawa nya para hindi sya matamaan ng matatalim na nota

Maya maya pa ay nakaramdam si Rie ng kakaibang pagod dahilan ng pagkaluhod ng kaliwang tuhod nya..

"Bumabagal ka na yata, Rie." nakangiting sabi nito.. "Pagod kana ba? Ako naman ang titira ha!!"

Pagkasabi ni Alyssa nun ay mabilis syang sumugod papunta kay Rie at malakas nya itong sinipa sa mukha gamit ang dalawa nyang paa..

Bumaon naman ang ulo ni Rie sa lupa dahilan ng pagkakahimatay nito..

Napansin agad ni Alyssa ang tatto sa kanang leeg ni Rie.. Numero tres. Napangiti naman si Alyssa.

Titignan nya na sana ang pwesto ni Die ng may bumalot na itim na nota sa katawan nya. At dahan dahan sya nitong pinipisat..

Tumingin sya sa pwesto ni Die at nakita nyang tumutugtog ito ng isang Flauta..

"Papatayin kita sa ginawa mo sa kapatid ko.." galit nitong sabi at ipinagpatuloy ang pagtugtug. "Magkita nalang kayo ng mahal mong kapatid sa spirit land. Dahil paniguradong patay na sya sa oras na to."

Nahirapan namang gumalaw at huminga si Alyssa. Ngumiti naman ng malademonyo si Die sa nasasaksihan nyang paghihirap ni Alyssa..

Pero bigla syang napahinto ng may maramdaman syang kakaiba.. Nanginginig ang kanyang tuhod sa hindi malamang dahilan at biglang napaluhod.

Nabitawan nya ang Flute dahilan ng pagkakawala ni Alyssa sa mahika nya..

"Ang tagal tumalab sayo ng Wind dry ah!!" sabi ni Alyssa. Tumayo sa sa pagkakadapa nya at pinagpagan ng konti ang damit nya.

"P-paano mo nagawa ang mahikang yun?" tanong ni Die kahit na nahihirap na sya.

"Anak ako ng Hari't Reyna kaya alam mo na siguro kung saan ako ng mana." mayabang nyang sabi.

Inangat ni Alyssa ang kanyang sarili sa hangin..

"Huling kahilingan bago kayo mawala?" ngumisi ng malademonyo si Alyssa..

"H-hindi mo kami basta basta mapapagsak.." narinig ni Alyssa ang nahihirapang boses ni Rie.

"Eekk.. Mamamatay na nga lang kayo, yan pa sasabihin mo.." sabi ni Alyssa at natawa pa.

"I-ikaw.. I-sa kang halimaw!!" galit na sabi ni Die..

"Isa talaga akong halimaw." sabay ngiti. "Ayy!! Oo nga pala.. Pakikamusta nalang ako sa tunay na Alyssa sa spirit land.. WIND PETALS!!!"

Magsasalita pa sana ang dalawa kaso dumaretsyo na sa katawan nila ang matatalim na hangin..

Dahan dahan naman bumagsak si Alyssa sa lupa at napahiga sya..

"Prinsesa Alyssa, makakamit na natin ang hustisya na para sayo." sabi nya at ipinikit na ang mata..

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon