📌 TEN

923 86 0
                                    

Alyssa POV

"Sinasabi ko na nga ba't dito nagmumula ang mabangong amoy na yun."

Napalingon naman ako sa nagsalita..

'Fragron!!' narinig ko sa isip nya..

Mukhang hindi maganda ang nararamdaman ko dito ahh!!

"Anong kailangan mo sa akin, Fragron?!!" tanong ng kasama ko..

'Nagsasalita ka pala.. Bakit hindi mo sinabi!?' may halong inis na tanong ko sa kanya.

'Bakit ng tanong ka ba?' sagot nya naman..

'Sabi ko nga.'

"Hahaha.. Wala naman akong kailangan sayo Walgron.. Ang gusto ko lang yung kasama mo.. Mukhang masarap sya.. Matutuwa sina Ama pag-ibinigay ko yan sa kanya.." nakangisi nyang sabi..

'Walgron pala pangalan mo..' sabi ko sa isip nya.

Tumingin lang sya saglit at ibinalik ang tingin sa kausap nya..

Di na ako magtataka kung bakit Fragron ang pangalan nya.. Magkaparehas sila ng katawan ni Walgron ang pinagkaiba lang ay mukhang palaka yung Fragron kesa kay Walgron na mukhang lobo..

"Yan ang hindi ko hahayaang mangyari.. Ako ang naunang nakakita sa kanya Fragron.. Maghanap ka ng sayo.." mababakasan mo ang tapang sa boses ni Walgron..

Nagulat ako ng kuhain ako ni Walgron at inilagay sa bandang likuran nya.. At naghanda para umatake..

"Hindi ka pa ba nadadala, Walgron.. Ilang bugbug pa ba ang gusto mo?" mapagmataas namang sabi ni Fragron.

Inilabas ni Fragron ang kanyang mahahabang kuko sa kamay..

[A/N : wolverine style yung kuko.😁]

'Sa kanya ba nagmula ang mga sugat mo Walgron?'

Hindi sya sumagot sa tanong ko pero, mukhang kay Fragron nga.

'Magtago ka muna bata.' utos nya sakin.

Tumango naman ako at mabilis na nagpumunta sa malapit na puno..

"Bat ba ako magtatago?! Kaya ko naman sarili ko ah?" bulong ko.

Hayaan mo na nga.. Mukhang may alitan silang dalawa.. At ayaw kong mangialam.

Pinanuod ko nalang silang dalawa..

"Hindi kita tatakbuhan." - Walgron.

"Hahahaha.." malakas na tumawa si Fragron at ang sakit nun sa tenga. "Ganito nalang, Walgron.. Hindi kita sasaktan.. KUNG, ibibigay mo sa akin ang bata.."

"Dadaan ka muna sakin bago mo sya makuha." - Walgron.

"Wag ka nang magmatigas, Walgron.. Alam nating dalawa na wala kang laban sakin.. Di naman kita sasaktan kung ibibigay mo sya ng maayos.." - Fragron.

"Kahit anong sabihin mo, akin sya. Ako ang unang nakakita, kaya akin sya." sigaw ni Walgron.

"Ganun ha!!"

Narrator POV

Agad umatake si Fragon gamit ang mahahabang kuko nya.. Lumipad si Walgron para makaiwas sa atake..

Pero di agad na pansin ni Walgron ang mabilis na kilos ni Fragron patungo sa likod nya. At pagharap ni Walgron ay sinipa sya ng malakas sa mukha dahilan ng pagkahagis nya ng malakas sa lupa..

Mabilis na lumipad si Fragron patungo sa pinagbagsakan ni Walgron..

Inipon nya ang laway nya at idinura sa pwesto ni Walgron..

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon