📌 SEVEN

1.2K 90 0
                                    

Narrator POV

Sa kalagitnaan ng paglalakad nina Alyssa at Allan ay may matandang lalaki silang nadaanan.

Nagkakarga ito ng talahib sa kanyang karawahe.

Nakita ni Allan na mukhang nahihirapan sa pagbuhat ng talahib ang matanda kaya nilapitan nya ito.

"Tulungan ko na po kayo ginoo." magalang na sabi ni Allan sa matanda.

Tumingin ang matanda kina Allan at tumango na may ngiti.

Binaba ni Allan ang kapatid sa may karwahe at tinulungan ang matanda sa pagbubuhat ng talahib pasakay sa karwahe.

Alyssa POV

Nakatingin ako ngayon kay Allan na tumutulong kay Mang Riko.

Yeah, I know his name. Nagpakilala kasi sya kanina at ganun din ang ginawa ni Allan.

"Ayan tapos na." sabi ni Allan at nagpunas ng pawis sa noo gamit ang damit nyang suot.

"Maraming salamat sa pagtulong, Allan. Kung hindi kayo dumating panigurado mamaya pa ako matatapos dito." nakangiting sabi ni Mang Riko. "Oo nga pala. Di ba sa bayan ang punta nyo?"

Tumingin naman si Allan sakin. Tumango ako sa kanya. Kaya humarap agad sya sa matanda.

"Opo Mang Riko." - Allan.

"Kung gayon, sumabay na kayo sa akin. Dahil ang pagdadalhan ko ng talahib ay malapit lang sa bayan."

"Sige po Mang Riko. Maraming salamat po."

Kaya sumakay na sina Allan at Mang Riko sa karwahe.

Binuhat ako ni Allan at ikinandong sa hita nya. Sinimulan na rin patakbuhin ni Mang Riko ang kanyang kabayo.

"Bakit nga pala ulit kayo naglalakbay?" pagbabasag ni Mang Riko sa katahimikan.

Kinirot ko si Allan ng mahina para wag sabihin ang totoong dahilan.

"Ahm.. Ano po.. Hinahanap po namin ang totoo po naming magulang?!"

Napatampal naman ako ng noo sa sinagot ni Allan.

'Tsk, ano bang klaseng sagot yun.'

Kinurot ko ulit sya nang makita ko ang itsura ni Mang Riko.

"Ah.. Ano po kasi.. Nawala na po yung dating nag aruga sa amin. At ang sabi po nila makikita lang po namin ang totoo naming magulang sa magical kingdom." paliwanag naman ni Allan.

Mukhang nakumbinsi naman ni Allan si Mang Riko kaya napatango ito.

"Malayo pala ang lalakbayin nyong dalawa."

"Ilang araw po kaya ang aming lalakbayin para makarating agad sa Magical kingdom?" tanong ni Allan.

"Hindi ako sigurado dahil hindi pa ako nakakarating doon dahil mapanganib daw ang daan patungo dun." sabi ni Mang Riko na nakatingin sa daan. "Pero sa pagkakaalam ko may mga tao sa bayan na pwede nyong arkelahin para ihatid kayo sa lugar ng magulang mo."

"Talaga po?!"

Tumango naman ang matanda at ngumiti.

"O sya, hanggang dito nalang. Ayun ang bayan. Sundaan nyo lang hagdaan paibaba." sabi ni Mang Riko.

"Maraming salamat po Mang Riko." sabi ni Allan at bumaba na kame.

"Salamat din sainyo. Mag iingat kayo. Ingatan mo kapatid mo." nakangiting sabi ni Mang Riko at pinatakbo na ang kanyang kabayo.

Tumango si Allan at kinawayan namin sya.

"Ano na gagawin natin ngayon Alyssa?" tanong ni Allan.

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon