📌 FOURTEEN

841 75 0
                                    

FLASHBACK
'nung panahon na dalaga pa sina Vana at Ilina'

Vana POV

"Kaya mo yan, Vana!!!" malakas na sigaw ni Ilina na ngayon ay nasa ere..

Sinusubukan kong lumipad pero bumabagsak din ako.. Nakakailang ulit na ako subalit hindi ko pa rin magawa.. Puro dumi at alikabok na nga ang damit kong suot..

At nakikita ko din na pinagtatawanan na ako ng ilan sa mga katulong dito sa palasyo..

Hindi ko lang sila pinapansin dahil yun ang sabi ni Ilina.. Ako ang panganay pero mas magaling pa si Ilina sakin, mas matured at matalino, kaya lagi syang pinupuri ni Ama at ng ilang mga Magi..

"Prinsesa Ilina!!! Prinsesa Vana!!!"

Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun..

"Prinsipe Albert!!" sigaw din ni Ilina mula sa taas at dahan dahan syang bumaba..

"Kamusta na kayo?" sabi ni Prinsipe Albert ng makalapit sya sakin.. Lumapit din sa amin si Ilina at yumuko bilang panggalang dito..

Yumuko din ako nang tignan ako ni Prinsipe Albert.. Sa totoo nyan matagal ko nang napupusuan ang prinsipe..

Ang kaso nahihiya akong magsabi sa kanya ni lumapit nga ay nahihiya din ako lalo na pag ako lang mag isa ang lalapit sa kanya..

"Kamusta ang pag-iensayo nyo?" tanong nito.

"Mabuti naman Prinsipe Albert, sa totoo nga nyan si Vana ay nahihirapan pa rin.." napatingin naman ako kay Ilina nung sinabi nya yun.

'Ano ba ang sinasabi mo Ilina? Wag mo naman akong ipahiya.'

Binigyan ko sya ng makahulugang tingin.

"Maaari mo ba syang turuan mahal na prinsipe?" dagdag pa ni Ilina..

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya, ngumiti naman sya at lumapit sa akin.

"Pagkakataon mo na para makasama ang mahal mo." bulong nya. Bigla naman namilog ang mata ko sa sinabi.

Kaya agad ko syang tinignan at ang babaita ngiting ngiti lang..

"Sige ba.. Walang problema sakin." - Prinsipe Albert..

Namula naman ang aking pisngi sa pagsang-ayon nya. Di ko akalain na ganun kabilis ang pagsang-ayon nya.

Binata na si Prinsipe Albert at mga dalaga naman kami ni Ilina..

Nito lang kami ng kakilala nung pinatawag ni Ama ang Hari ng Grefart..

Isa sa mga tunay na kaibigan ni Ama ang Hari ng Grefart.. Sila ang mga namumuno pag may gerang nangyayari sa pagitan ng ibang kaharian.

"Aalis na po ako Prinsipe Albert. Marami pa po kasi akong aasikasuhin." magalang na sabi ni Ilina at yumuko.

"T-te-ka, Ilina!!" di nya ako pinansin at mabilis na umalis. Tinignan ko lang sya hanggang sa pumasok na sya sa palasyo..

Sa garden kasi kame ng iinsayo ni Ilina.

"Simulan na natin?" tanong ni prinsipe Albert.

---

Hindi ko maipinta ang sayang nararamdaman ko ngayon.. Maghapon akong tinuruan ni Prinsipe Albert sa paggamit ng hangin.

Pumunta na sya sa kwarto nya para magpahinga.. Napagod daw kasi sya sa pagturo sakin pero masaya asya na nakasama at naturuan ako.

Alam kong mahirap akong turuan pero nagtyaga pa rin sya para sakin. Wala nang mapaglagyan ang saya ko..

'Hihihihi'

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon