Prologue

633 33 54
                                    

"Hindi pa nga ako handa maging ama, Trixie. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo 'yon?" Singhal nito sa akin saka ginulo ang kaniyang buhok. Ginagawa niya kapag naiinis siya.

Hindi ko mapigilan ang bugso ng aking damdamin, unti-unti kong naramdaman ang panlalabo ng aking mga mata dahil sa luhang nagbabadyang kumawala.

Buong buhay ko binuwis ko sa kaniya para lang masamahan siya sa journey niya.

"Pero... nandito na 'to, Chaz." Malumanay kong sabi sa kaniya kahit na alam kong anumang oras bubugso ang luha ko.

"Sigurado ka bang sa akin 'yan?" Sarkastikong tanong nito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, awtomatikong lumipad ang palad ko sa mukha niya. Mukha niyang kinababaliwan ng mga babae, kasama na ako.

"Ikaw lang ang naging boyfriend ko, Chaz. Alam mong ikaw lang, why are you asking me that kind of question?" Hindi na nga nagpapigil ang mga luha ko, sunod-sunod itong nagbagsakan mula sa mga mata ko.

Pati puso ko tila pinipiga sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Bakit ganun? Naging mabuti naman ako.

"Malay ko ba kung meron kang iba. Sasabihin mo ba sa akin kung niloloko mo na pala ako?"
Hindi ko na naman napigilan ang aking sarili, lumapat na naman ang kamay ko sa pisngi niya. Wala akong pakialam kung mamaga ang mukha niya. Bagay lang naman sa kaniya.

"Akala ko may pinagkaiba ka sa lahat, Chaz. Pero wala kang pinagkaiba... mas malala ka pa. Ikaw na ang pinaka-walang kwentang lalaking nakilala ko!" Singhal ko sa kaniya habang walang tigil ang paglandas ng aking mga luha.

Pagak itong tumawa, "nakilala mo na ba lahat ng lalaki sa mundo, Trixie? Hindi ka pa mulat sa mundo. You're just 18 years old trying hard to be an Engineer. Wala kang mararating dahil bobo ka, tanga ka." Huminto muna ito sandali saka ako nito tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Look, what you are right now? You're a mess. Hindi ko hinangad kailanman na magkaroon ng anak sa isang katulad mo, Trixie. Mataas ang standard ko hindi sa mga nerd na kagaya mo. I'm an Architect now, ikaw kailan ka gagraduate? O, gagraduate ka pa ba? Kung gagraduate ka, papasa ka ba sa board exam?" Umiling-iling ito habang sinasabi niya ang mga panlalait niya sa akin na ngayon ko lang nalaman.

"Hindi ikaw ang pinapangarap kong babae." Ngumiti siya ng nakakaloko.

Tumalikod na ako sa kaniya. Ayaw ko ng marinig pa ang mga sunod na sasabihin niya dahil baka hindi ko na kayanin pa. Mahina ako. Tama siya. Ang tanga tanga ko.

Ang tanga ko dahil siya ang pinatulan ko.

Napahinto ako sa paglalakad, hinawakan 'ko ang aking tiyan.

"Baby, kakayanin natin 'to ha? 'Huwag kang bibitaw. Kakayanin natin 'to." Kausap ko sa aking tiyan habang humihikbi.

Kakayanin ko kahit mahina ako. Para sa anak namin. Para sa anak ko. Simula ngayon wala na siyang karapatan sa anak ko.

Titiyakin kong magsisisi siyang hindi niya pinanagutan ang batang ito.

Siguro, ito ang huling sandaling magmamahal muli ako.

***
DISCLAIMER!

This story is only fictional. The names, personnel, businesses, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or fictional. Any resemblance to actual people, living or dead, or real events is purely coincidental.

The author is not perfect. Expect grammatical errors, construction of sentences, and wrong spelling.

READ AT YOUR OWN RISK!

DISTRIBUTION OF SOFT COPIES IS NOT ALLOWED!

(I don't want toxic readers. Kung hindi mo gusto ang story ko feel free to leave. Hindi naman kita pinipilit na basahin ito. Stress ako 'wag mo nang dagdagan pa. At kung may negative comment ka, feel free mag-message sa akin at kausapin ako ng maayos. Kung pakikitaan mo ako ng attitude mo, mas ma-attitude ako. Ayoko sa toxic. Clear ba tayo do'n? That's all.)

Huling Sandali Where stories live. Discover now