Chapter 4

108 15 21
                                    

Nang matapos akong makapagbihis mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.

Ano kayang pag-uusapan namin ni Kuya Kobi? Bihira lang kasi siyang sumeryoso at ganitong sitwasyon pa. Though, lagi pala siyang seryoso pero hindi 'yung ganito na kaming dalawa lang.

Pabalik-balik ang lakad ko sa kwarto habang nasa bewang ko ang aking dalawang kamay. Paulit-ulit na humihinga ng malalim.

Muntik na akong mapatalon nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tiyak na si Kuya Kobi na 'to.

Agad naman akong lumapit sa pinto saka binuksan ito. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Kuya Kobi.

Nahihiya akong ngumiti sa kaniya. "Pasok ka po, Kuya."

Pumasok naman siya. Sinara ko naman ang pinto pero di ko ni-lock.

Umupo naman si Kuya Kobi sa kama kong panda ang cover. Kumandong naman sa hita niya si Kuro, ang alaga kong pusa.

Kuro kasi kulay black siya. My Persian cat. Regalo sa akin ni Kuya Nate noong 17th birthday ko. Kaya mahal na mahal ko si Kuro. Kuya Nate knows that I love cats so much pero ayaw akong payagan ni Daddy, nakakahika raw.

Nanatili akong nakatayo sa pintuan habang nakatingin kay Kuya Kobi na pinapat ang ulo ni Kuro.

Naramdaman niya siguro na nakatingin lang ako sa kaniya kaya nag-angat ito ng tingin sa akin. Kumunot ang noo nito, tinap niya ang kama.
"Come here," saad nito habang tinatapik ang kama sa bandang tabi niya.

Agad naman akong umupo doon.

"Anong pag-uusapan natin, Kuya?" Tanong ko nang maka-upo ako sa tabi niya. Kinuha ko naman si Kuro na nasa hita niya at nilipat ko sa hita ko.

"I saw you,"

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam ang tinutukoy niya. Saw me?

"Saan po, Kuya?"

He let out a heavy sigh. Napipikon ba siya sa akin?

"With that guy. You were hugging that guy earlier. Tell me, do you have a boyfriend?" Seryosong saad nito habang nakatingin sa akin.

Umiwas naman ako tingin sa kaniya dahil nahihiya ako sa nagawa ko. Ang tanga ko naman kasi hindi ko sinarado ang pinto e.

"Wala po, Kuya." Sunod-sunod kong iling.

"Don't lie to us, Trixie. Pinayagan ka naming magkagusto kay Chaz. Pero, hindi ibig sabihin no'n na pumapayag kaming magka-boyfriend ka. You're just 17, Trixie. Love can wait. Focus on studying. Yes, we're rich but that doesn't mean you won't focus on your studies. We're rich because our parents work hard for us." Sunod-sunod na saad ni Kuya Kobi.

"Wala naman po talaga akong boyfriend, Kuya. 'Yung nakita mo po kanina, I'm just comforting Chaz because I think he had a problem." Malamyang sagot ko.

Kahit anong magiging hadlang para mapansin ako ni Chaz hindi ako titigil dahil nandito na ako sa puntong ito eh. Ito ang gusto ko. Pwede namang pagsabayin. Nasa tao naman iyo.

"I'm just reminding you as your Kuya. I don't want you to be hurt. Bata ka pa. Love can wait but the door of education is not always open for you. It won't wait for you."

Napayuko ako dahil sa sinabi ni Kuya Kobi. Dahil kahit anong sabihin pa ng iba. I want Chaz. I won't stop until I get him. Until he finally notices me. I won't.

"Opo, Kuya."

Gustuhin ko mang sumagot pero ayoko nang humaba pa ang usapan.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama ko kaya napatingala ako sa kaniya. Bahagya siyang ngumiti saka pinat ang ulo ko bago ako tinalikuran at lumabas ng aking kwarto without saying na lalabas na siya. Lagi naman siyang ganoon. Lalo na si Kuya Cole. Kinukuha niya pa ang duplicate na nakatago sa isang halaman na nakadisplay sa labas ng kwarto ko para makapasok. Pwede namang kumatok.

Huling Sandali Where stories live. Discover now