Chapter 3

106 14 2
                                    

Kaye?

I don't know who's Kaye is.

Sa lahat ng nalaman ko tungkol kay Chaz wala akong nalalaman tungkol sa mga relationships niya dahil sobrang private at walang gustong magsabi kahit ang mga kapatid niya hindi rin alam.

Nakatulog na ata siya dahil sa pag-iyak, lumuwag na rin ang pagkakayakap niya sa bewang ko.

Tatanggalin ko na sana ang pagkakayakap niya sa akin nang may sunod-sunod na pumasok dito sa room.

Ang mali ko lang hindi ko nga pala naisara ang pintuan.

'Yung apat na ka-teammate niya. Nanlalaki ang mga mata nilang nakatingin sa akin.

"Opss! Sorry, Miss." Saad ng isang lalaki. Matangkad siya pero siya ang pinakamaliit sa kanilang lima kung susukatin. He has these innocent eyes among all of them.

"Okay lang. Nakita ko kasi si Chaz dito e." Imporma ko sa kanila.

Sabay-sabay naman silang ngumisi na hindi ko alam kung para saan.

"You're Trixie Gonzales, right?" Anang lalaking nakatitigan ko kanina. Nakangiti siyang nakatingin sa akin ngayon na para bang amuse na amuse.

Alam nila malamang dahil kasama nila si Chaz. Malamang din na nabasa nila ang love letter na sinulat ko para kay Chaz.

Lumapit siya sa'kin, inilahad ang kaniyang kamay upang makipag-shake hands.

"I'm Kai. Short for Kairon Montañez. Nice to meet you, Trixie." Nakangiting pagpapakilala nito. Now I know his name. Hindi ko na kailangang idescribe ang physical appearance niya para lang malaman na siya 'yon.

Hindi ko matanggap ang kamay niya dahil ang hirap ng pwesto ko. Magigising si Chaz kung sakaling bumitiw ako kay Chaz. Magagalaw siya.

Nang mapansin niya iyon, ngumisi siya saka ibinaba ang nakalahad niyang kamay.

Sunod-sunod namang lumapit sa amin ang tatlo pang kasama niya.

"Hi, Trixie. I'm Justin Resnera. You can call me, Jah for short." Anang isang lalaking may inosenteng mata, baby face din and mukha nito at ang pinakamaliit sa kanilang lima.

"Hello, Trixie. I'm Vester Conception." Anang lalaking may seryosong mga mata. Matangkad din siya gaya ng iba, matatangkad naman silang lahat kaso nga lang hindi pantay-pantay. May maiiwan at maiiwan lang talaga. His deep eyes were mesmerizing. Pero, Chaz pa din. I love Chaz cold eyes.

"Skye Mendez," anang huling lalaki. He has greyish eyes, nakaka-akit pero para sa ibang babae pero Chaz pa rin kasi ako.

"I'm Trixie." Pakilala ko kahit na alam kong kilala na nila ako.

"Alam namin matagal na. Karamihan sa mga sulat mo ay kami ang nagbabasa." Saad ni Kai. Feeling ko siya ang pinakamadaldal sa grupo na sinundan ni Justin.

"A-ah e-eh..." nahihiya akong napayuko. Natuon ko nalang ang atensiyon ko sa matipunong likod ni Chaz.

"Huwag ka mahiya sa amin. Ganyan talaga ang pagmamahal, minsan kailangan mong maging corny. Don't 'ya worry, Trixie. Meron din isa dito na baliw na sa pag-ibig." Mahabang lintanya ni Kai.

"Hindi pa naman ako baliw sa pag-ibig," nakangusong saad ko.

"Pero, papunta na doon." Panggagatong pa ni Jah.

Naramdaman ko namang gumalaw sa pagkakayakap sa akin si Chaz na siyang kinakaba ko.

"Why so noisy?" Iritable nitong sabi habang nag-iinat at dahan-dahang sumasandal sa upuan. Nasa harap niya pa rin ako. Nakapikit pa rin siya.

"Pal, nakatulog ka sa ganoong pwesto?" Manghang tanong ni Kai.

"Ano bang pwesto ko?" Napadilat ang mata ni Chaz. Nagkatinginan kami, kumunot ang noo nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napatagal ang tingin niya sa bandang tiyan ko na basa. Basa dahil sa mga luha niya.

Souvenir din 'to. Hindi ko 'to palalabhan kapag nagkataon.

"You're hugging Trixie while she's standing in front of you. Kung anong pwesto niya ngayon ganyan ang pwesto niya mula kanina." Saad muli ni Kai.

Napanganga naman siya sa sinabi ng kaibigan.

"W-what?" Hindi pa rin makapaniwalang saad niya.

"And... your eyes are swollen? What is happening to you, Pal? We lose the game for the first time. Do you have any problem?" Si Kai na naman. Lagi nalang siyang nagsasalita. Wala atang bibig ang iba o may bayad bawat bigkas ng kanilang mga sasabihin.

"Nothing. Let's go home," tumayo ito. Dinaanan lang ako at nabunggo pa ang balikat ko. Medyo malakas na muntik ko nang ikatibag mula sa pagkakatayo.

"You can say thank you to Trixie, Pal." Seryosong saad ni Kai kay Chaz.

"Why would I?"

"'Coz she helps you."

"Wala naman akong sinabi na tulungan niya ako," huling saad nito saka dire-diretsong lumabas ng classroom.

"Sorry on behalf of him, Trixie. Baka may problema lang," hinging paumanhin ni Jah.

"Okay lang. Samahan niyo siya. He needs someone behind him." Binigyan ko sila ng isang malungkot na ngiti. Tumango naman silang apat sa sinabi ko.

Nauna akong lumabas sa kanila. Hindi ko namalayan na may lumandas palang luha mula sa aking mga mata. Pinalis ko ito ng likod ng aking kamay pero dire-diretso pa ring bumubuhos.

Dumiretso muna ako sa restroom bago pumunta sa locker room para kumuha ng mga librong kailangan kong pag-aralan.

Marami pang estudyante dahil maaga pa naman. Pwede naman nang umuwi dahil tapos na ang game at talo ang School namin.

Bumalik ang pag-iisip ko kay Chaz nang makasakay ako sa sasakyan na sumundo sa akin. Driver ng pamilya namin. Ayaw kasi ako payagan ni Daddy mag-drive dahil bata pa raw ako at nag-iisa akong babae. Ako raw kasi ang prinsesa nila.

Nang makarating ako sa bahay. Maingay ang sala. Nandito na pala sila Kuya Kobi at Kuya Nate. Nauna pala sila sa akin.

Unang nakapansin sa'kin si Kuya Cole na nakatayo sa gilid ng sofa.

"Hi, Princess!" Nakangiting bati nito saka lumapit sa akin at hinagkan ang aking noo.

Nakabukas ang TV at nanunuod na naman sila ng NBA.
Nanatili namang nakaupo si Kuya Nate at Kuya Kobi sa sofa. Siguro masyado na silang pagod dahil sa game. Ako na ang lumapit sa kanila saka hinagkan sila pareho sa pisngi.

Hindi nila ako pinansin.

"Where's Mom and Dad, Kuya Cole?" Kuha ko sa atensiyon ni Kuya Cole na naupo na rin sa sofa. Wala pa ring imik si Kuya Kobi at Kuya Nate. Kahit na may tinatanong ako.

Kuya Cole is the eldest among us, siya ang panganay. Pangalawa naman si Kuya Kobi at pangatlo si Kuya Nate, ako naman ang nag-iisang babae at bunso.

"Hindi sila makaka-uwi ngayon, princess." Anang Kuya Cole, bahagya siyang ngumiti.

Tumango ako bilang tugon saka tinalikuran sila para umakyat na sa kwarto para makapagpalit ng damit.

"Trixie," seryosong boses ni Kuya Kobi, paakyat na sana ako sa hagdan. Awtomatikong umikot ang ulo ko para tumingin sa kaniya.

"Bakit po, Kuya?"

"Mag-uusap tayo mamaya," imporma nito saka ibinalik ang paningin sa tv.

Parang tambol naman ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nito.

***
Note: Interact with me on my fb account, link on my bio.

Huling Sandali Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon