Chapter 8

91 8 23
                                    

"Good morning, Ate!" Masiglang bati ko nang maabutan ko si Ate Melissa sa dining hall.

Lumapit ako sa kaniya saka hinagkan ang kaniyang pisngi. Si Kuya Cole na nasa tabi ni Ate Melissa ay masama na naman ang tingin sa akin.

"Mag-breakfast kana, Trixie. Baka ma-late ka pa," utos sa akin ni Kuya Cole.

Basta nandito si Ate Melissa, asahan mo ng masungit siya sa akin. Paano ba naman kasi kaunti na lang ang nagugugol nilang oras na magkasama kasi parati kong kinukulit si Ate Melissa.

Nakanguso akong sumunod sa kaniya. Umupo ako sa upuan katabi ni Ate Melissa saka kumuha ng plato.

Kuya Cole put a glass of milk in front of me.
"Salamat, Kuya." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

He smiled back bago nagsimulang pagtuunan ng pansin ang pagkain niya. Sinusubuan niya rin si Ate Melissa.

Si Kuya Nate at Kuya Kobi, tiyak na tulog pa hanggang ngayon.

***
Nang makarating ako sa parking lot sa School. Natanaw ko ang isang bulto ng tao sa gate ng School. Nakikipagkwentuhan ito sa guard.

Nang papalapit na ako sa kaniya, nakangiti itong kumaway sa akin.

"Hi, Trixie. Good morning," hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Good morning, ang aga mo naman, Kai?" Kunot ang noong tanong ko sa kaniya. Ang aga niya naman kasi talaga.

Mamaya pa ang klase ko. Isang oras pa ako magmumuni-muni.

"May practice kami,"

Napangiti ako sa sinabi nito.

"Pwede manood?"

Tumango naman agad ito na siyang ikinangiti ko lalo.

Tiyak na nandoon din si Chaz.

"Oo naman. Tara sabay na tayo,"

Sabay nga kaming naglakad papunta sa court. Kinukuha niya ang bag ko dahil parang mabigat daw pero hindi ko binigay dahil kaya ko naman.

Malapit pa lang kami ng court ay naririnig ko na ang talbog ng bola at ingay ng mga basketball players. Nakangiti akong sumabay kay Kairon.

Kahit malalaki ang mga yabag ni Kairon ay nasasabayan ko naman. Siguro dahil excited akong makita si Chaz. Kahapon lang ay tinanggap niya ang ginawa kong cake para sa kaniya. Sana na-appreciate niya.

Nang makapasok kami sa court, ang kaninang ingay ay biglang tumahimik nang makita kaming pumasok.

"Nice one, 'Pal!" Nakangiting sigaw ni Justin saka lumapit sa amin ni Kairon. Nakipag-fist to fist muna ito kay Kai bago nakipag-apir sa akin.

Close na ba kami non?

Lumapit din ang ibang miyembro sa gawi namin ni Kai. Gaya ng nauna, nakipag-fist to fist sila kay Kairon.

Si Vester, nakipag-apir din sa akin na nakangiti ko namang tinanggap. Si Skye naman ay tinanguan lang ako.

Si Chaz...

"Why did you bring her here, 'Pal?" Masungit na tanong nito kay Kairon.

Umakbay sa akin si Kairon, nanlalaki ang mga mata kong tumingala sa kaniya, since mataas siya. Kininditan niya lang naman ako. Ano bang trip nito?

"She wants to watch us. Ayaw mo no'n, may audience na agad tayo kahit practice lang?" Nakangising saad nito kay Chaz.

Chaz is so handsome in his basketball uniform while the ball is in his hand. He was so hot.

Ngumiti ako kay Chaz pero umikot ang mga mata nito sa akin. Parang nahawaan na siya ni Rico ng virus ng pag-ikot ng mga mata.

"Make sure you won't make any stupid action here," nakataas ang kilay na saad nito sa akin na siyang tinanguan ko agad. Binalik niya naman agad tingin niya kay Kairon, "and you, let's start." Aniya saka kami tinalikuran.

Tinanggal naman agad ni Kai ang kamay niya sa balikat ko nang makalayo sa amin si Chaz saka ako iginiya sa mga bleachers upang umupo.

"Diyan ka lang, ha?" Bilin nito sa akin saka tumakbo papalapit sa ka-team niya.

Nag-umpisa sila sa kanilang practice. Hindi ko alam pero parang palaging nagbabanggaan si Kai at Chaz. Napapakunot ang noo ko kapag biglang natutumba si Kai. Pati mga kagrupo nila ay hindi alam kung anong meron. Napapasigaw naman ako kapag si Chaz naman ang natutumba.

Nang maka-tatlong puntos si Kai, sumigaw ako, "go, Kai!"

Lumingon siya sa akin saka kumindat. Ang galing din pala ni Kai maglaro ng basketball.

Masama ang tingin sa akin ni Chaz nang matapos silang makapaglaro. Ang dahilan ay hindi ko alam.

Lumapit sila sa pwesto ko, dahil nandito ang bottled water at pamunas nila.

Gusto ko sana punasan ang pawis ni Chaz pero paglapit pa lang ay masama na agad ang tingin sa akin.

"Kasasabi ko lang kanina, don't make any stupid action, tsk." Umikot ang mga mata nito saka kinuha ang bottled water na nasa tabi ko.

Halos hindi ako makahinga nang maamoy ko siya. Grabe! Kahit pawisan ay ang bango niya pa rin.

Pinagmasdan ko ang paglagok niya sa bote, ang sexy ng paggalaw ng kaniyang adams apple, ang pag-agos ng ilang tubig sa kaniyang leeg ay talagang nakakapaglaway.

Bumalik lang ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Kai na siyang nasa harap ko na pala. Nakangisi ito habang nagpupunas ng pawis niya sa mukha gamit ang panyo.

"How was our practice, Trix?"

"Ang galing mo palang maglaro, Kai!" Nakangiting pagpuri ko sa kaniya. Kinuha ko din ang isang boteng tubig sa tabi ko dahil parang hindi pa siya umiinom. Inabot ko ito sa kaniya, nakangiti niya namang tinanggap.

"You enjoy watching?" Muling tanong nito.

Sunod-sunod ang pagtango ko.

Narinig ko pang tumikhim si Chaz na nasa tabi ni Kai pero nakatalikod sa akin.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa bleachers saka lumapit sa kanila.

Hindi ko inaasahan na haharap si Chaz. Natitigan ko na naman ang gwapong mukha niya. His facial features were perfect.

"H-hi, Chaz. Nice game," nahihiya kong bati sa kaniya. Tila nag-iinit ang pisngi ko. Hindi ko mapigilang kiligin dahil ang lapit niya sa akin.

"Thanks," nakangiwi nitong sagot.

Okay na rin, at least kinausap niya ako.

"Hatid na kita sa class mo, Trix." Kairon exclaimed. Tumango na lang ako para may kasama ako sa maglakad. Boring din kaya maglakad papuntang room.

Nilingon niya si Chaz na nagta-type sa kaniyang cellphone. Kailan ko kaya makukuha number niya?

"Samahan mo ako, 'Pal." Pang-iistorbo ni Kai dito. Nanlaki na naman ang mata ko dahil dito. Oh my god! Ihahatid ako ni Chaz!

"Where?" Kunot ang noong tanong nito kay Kairon.

"Ihahatid si Trixie,"

***

Anyway, 'yung grade level po nila is noong wala pa pong k to 12. Kaya bata pa sila.

Huling Sandali Where stories live. Discover now