Chapter 12

94 5 9
                                    

"D*mn, Man! Are you serious?" Tumatawang saad ni Kuya Cole. I don't know what is exactly happening to us or to Kairon.

"You look familiar. Nagkita na ba tayo dati?" Seryoso pa ring sambit ni Kai kay Kuya Cole. Kuya Cole stop himself from laughing.

"Of course. Our parents are business partners, maybe we see each other in one of the business meetings." Kuya Cole seriously said.

"But... hindi pa ako nakaka-attend ng business meeting," Kunot na kunot ang noo ni Kai. Napakamot nalang siya sa kaniyang noo saka napabuntong-hininga, "Don't mind my question, Man. Baka nga sa business meeting lang," aniya na tumango-tango pa.

"Trix, you can rest na. I'll be back at School, may klase pa ako." Pamamaalam nito sa akin. Tinap ang likod ko saka nilibot ang paningin sa mga Kuya ko pati na rin kay Ate Melissa.

"I'll go ahead, Man." Saad nito na kay Kuya Cole nakatingin.

Tumango naman si Kuya Cole, "thank you for taking home our princess, Montañez."

"Thank you for letting me in. Trix, I'll go ahead. Pagaling ka," saad muli nito saka tumalikod sa amin.

Tumango lang si Kuya Kobi at Kuya Nate sa kaniya. Tinapik naman siya ni Kuya Cole sa balikat.

"So... what really happened, Trixie?" Nakapameywang na tanong ni Kuya Cole sa akin.

"Can I take a rest na po, Kuya?" Sumang-ayon na lamang sila sa gusto kong mangyari.

Medyo nahihilo pa kasi ako. Inaantok.

Mag-aalas dos palang pala ng hapon nang i-check ko ang aking phone kaya naman umidlip muna ako sandali.

***
Naalimpungatan ako sa mga katok na nagmumula sa labas ng aking kwarto. Tiningnan ko ang labas, madilim na pala.

"Ma'am Trixie, kumain na raw po kayo." Ani Ate Layla mula sa labas.

"Susunod na po," humihikab na sagot ko.

Naghilamos muna ako sandali saka lumabas ng aking kwarto. Wala na akong naabutan sa sala pati na rin sa dining area. Kaya mag-isa na lamang akong nag-dinner.

Bumalik din naman ako sa kwarto nang matapos akong kumain. Saktong pagbalik ko ay tumutunog ang cellphone ko na nasa bed side table.

Sinagot ko ito dahil it's either Kairon or Rico. Sila lang naman ang may alam ng number ko.

"Hello?"

Walang ingay akong narinig mula sa kabilang linya, hindi rin ito nagsasalita.

"Kai? Rico?" Walang paniniguradong sambit ko. Hindi kasi ako familiar sa number nilang dalawa.

"I'm sorry,"

Nanlaki ang mga mata ko. Para bang gusto ko magtatalon sa tuwa. Dahil sa wakas tumawag siya sa akin. Hindi na mahalaga kung kanino niya nakuha ang number ko.

I know his voice. I know that he is the one who is calling me right now. Oh my God! He's calling me.

"Chaz?" Tanging nasabi ko nang bumalik ako sa katinuan. Marinig ko lang ang boses niya ay nakakalaglag panty talaga.

"I'm sorry, Trixie. Sorry dahil nasigawan kita, hindi ko sinasadya." Seryosong sambit nito mula sa kabilang linya.

Lihim akong napangiti. Saglit pang inilayo ang cellphone sa aking tainga para lang tumili saglit. Nakakahiya kasi baka marinig niya.

"O-okay l-lang, Chaz." Nauutal na sagot ko sa kaniya. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Kung saan-saan na napupunta ang imahinasyon ko.

"Okay lang kahit magalit ka sa akin ngayon, Trix. Deserve ko naman. I am such a dumb*ss," aniya.

"No, you're not a dumb*ss." Pang-aalo ko sa kaniya.

"Can we talk tomorrow personally?"
Nailayo ko na naman ang cellphone ko sa aking tainga.

"Of course!" Walang pagdadalawang isip na sagot ko sa kaniya. I won't ask if where did he gets my number. Mas natutuwa nga ako kasi nakuha niya ang number ko. If it is Kairon, magpapasalamat ako sa kaniya. Imposible naman kasi kay Rico. Eh galit na siya kay Chaz.

"Thank you, Trixie. See you tomorrow, have a good night."

Nagtatalon ako sa kama, pagulong-gulong, inuuntog ang ulo sa unan, niyayakap ang unan. Lahat na ng pwedeng gawin sa kama ay nagawa ko na ata.

Kagat ko ang aking labi nang matulala na lamang ako sa aking kisame. Sinusupil ang tili dahil baka marinig ako nila Kuya.

***
Halos wala akong tulog dahil sa iniisip ko kagabi. Kung bakit gusto ako ni Chaz makita personally.

Nakita ni Ate Melissa na nangingitim ang ibaba ng mga mata ko kaya pinaakyat niya ako sa guest room para lagyan ng concealer ang ibaba ng mata ko. Hindi na ako mukhang zombie.

Nang makarating ako sa parking lot, nakita ko na naman si Kai na kausap ang guard. Nakangiti akong lumapit sa kaniya.

"Oh, hi. Ang aga mo na naman, Trix. Nakapagpahinga ka naman ba?" Bati ni Kai sa akin. Nakangiti akong tumango sa kaniya saka nagpasalamat.

Nagsimula kaming maglakad patungo sa garden. Naging tambayan na ata namin ito kasama si Kai.

"Salamat nga pala sa pagbigay ng number ko kay Chaz, Kai." Sabi ko sa kaniya nang makaupo kami sa bench dito sa garden.

Kumunot ang noo nito, "I didn't give your number, Trix."

Oww. Hindi siya? Eh sino? Kanino ni Chaz nakuha ang number ko? Bahala na. Ang mahalaga nakuha niya.

"Chaz called me yesterday, Kai." Nakangiti kong pahayag dito.

"Oh, anong sinabi sa'yo?" Kunot pa din ang noo nito. Walang kangiti-ngiti. Hindi iyong Kairon na makikita mong laging nakangiti.

"He wants to talk with me personally,"

"Don't talk to him," seryosong sambit nito.  Well, I dunno why.

"Why? It's my chance,"

"You'll get hurt if you keep chasing Chaz, Trix. Masasaktan ka lang. Did you know?" Saad nito habang nakatingin sa akin ng diretso, "noong natalo kami ng SIS sa laro ng basketball that time, after the game you were hugging him, right?" 

tumango ako, "he was thinking Kaye that time, Kaye wants to stop him for being her suitor. Akala kasi ni Chaz, si Kaye ay 'yung kababata namin. We didn't know her surname kaya nahirapan kaming hanapin siya. Nangako kami sa kaniya na babalik kami, pero natagalan kami eh. Hindi ko nakita kay Kaye 'yung personality ng kababata namin, that's why I'm distancing myself to her. I don't know what happened yesterday. Kung bakit ka niya sinugod, but, she wants to stop Chaz from courting her." Mahabang lintanya nito na nagpanganga sa akin. Maybe Kaye not in her right mind. 

Huling Sandali Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon