Chapter 9

100 6 18
                                    

Thank you for reading my story KSSalamida.

This chapter is dedicated to you.

***

Hindi ko malaman kung paanong lakad ang gagawin ko dahil dalawang famous sa campus ang nasa tabi ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Chaz pero kasama ko siya ngayong naglalakad papunta sa room ko.

Napapayuko na lamang ako kapag may mga matang nakatingin sa akin.

May mga bulungan pa na, bakit ko raw kasama ang isang Kai at isang Chaz gayong ang pangit ko naman daw. Ang sakit, huh?

Si Kai, nakangiti niyang binabati ang mga estudyanteng bumabati sa kaniya.

Samantalang si Chaz,

"Get off my way," walang emosyong saad nito sa isang babaeng nagbibigay sa kaniya ng gift.

Ako itong naawa sa babae dahil parang iiyak na. Tumingin ako kay Chaz, inikutan lang naman niya ako ng mga mata niya pero nginitian ko na lamang siya. Gwapo pa rin naman siya kahit umiikot ang mga mata niya na gaya nang kay Rico.

Speaking of Rico, hindi ko siya natawagan kagabi.

Nang makarating kami sa tapat ng room ko, nagsitilian ang mga block mates ko na nasa loob ng classroom.

Bago ako pumasok, humarap muna ako sa kanilang dalawa.

"Salamat, Kai." Ngumiti ako sa kaniya na siyang ngiti naman niya pabalik.

Binaling ko naman ang paningin kay Chaz, na diretsong nakatingin sa akin. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya, "salamat, Chaz."

"tsk," ang tanging sagot niya sa akin. Tumaas pa ang sulok ng labi nito.

"Hintayin mo ako dito mamaya, Trix. Sabay tayo ulit hanggang parking lot," nakangiting pahayag muli ni Kai. Ginulo pa nito ang buhok ko na dati ng magulo.

Tumango ako bilang sagot. Ang hirap naman kasi tumanggi sa kaniya. Para kasing siya 'yung tipo ng tao na kapag tinanggihan mo, eh magtatampo agad.

Tumikhim na naman si Chaz.

"Bakit kailangan mo pa siyang isabay? May sariling paa 'yan," masungit na saad nito kay Kai.

Tinawanan lang naman siya ni Kai.

"I want to be with her, 'Pal. Kung gusto mo pwede ka rin namang sumabay," pangungutya nito kay Chaz.

Napatingin ako kay Chaz, napansin ko ang pamumula ng kaniyang tainga. Ilalapit ko sana ang likod ng palad ko sa leeg niya pero para bang tila napaso siya dahil bigla siyang lumayo sa akin. Ichi-check ko sana kung may lagnat siya dahil namumula siya.

Si Kuya Cole kasi kapag may sakit, namumula.

Sanay na ako sa ganoong aksiyon niya kaya dinaan ko na lamang sa ngiti.

"Nagulat lang siya, Trix." Ngumiti muli sa akin si Kai, "hindi kasi siya sanay na may humahawak sa kaniyang ibang babae."

"Okay lang," tanging sagot ko na lamang sa kaniya.

"Sige na, Trix. Pasok ka na, aalis na kami." Pagtataboy nito sa akin, tinulak pa ako nito papasok sa loob ng room.

Tiningnan ko pa ng huling beses si Chaz pero umiwas ito ng tingin sa akin.

Nakangiti akong naglalakad papunta sa aking pwesto nang may pumatid sa akin.

Dahilan upang magtawanan ang lahat dahil sumubsob ako sa sahig. Nauna ang mga tuhod ko sa sementong sahig bago sumunod ang mga siko ko dahil itinukod ko ito upang hindi masubsob ang mukha ko.

Nakita ko agad ang pamumula ng aking tuhod at ng aking siko. Hindi ko inaalala ang sakit na dulot ng pagkasubsob ko, ang inaalala ko ay kapag nakita ito ng mga Kuya ko. Paano na? Ano na namang collection ko ang kukuhanin nila.

Nakita ko ang isang makinis na itim na boots sa sahig. Tiningala ko ito, pagod akong bumuntong-hininga dahil si Rose na naman ito. Sumalubong na naman sa akin ang labi niyang mapula.

Kahit iniinda ko ang sakit ng aking tuhod, pilit akong tumayo upang salubungin ang sama ng tingin sa akin ni Rose. Ano ba kasing problema nito sa akin?

"Ang lakas din naman ng loob mo, ano?" She crossed her arms, tumaas ang kilay nito.

"Ano na naman ang ginawa ko sa'yo, Rose?" Kunot ang noong sagot ko sa kaniya.

"Ang landi mo!" Tinulak ako nito. Muntik na akong matumba buti na lang may lamesa sa likod ko. "Hindi ka ba tumitingin sa salamin? Hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Hindi ka sobrang ganda para lapitan ng isang Kairon at ng isang Chaz!" Sigaw nito sa mukha ko, may konting laway pa niya ang tumalsik sa mukha ko. Pinunasan ko iyon.

Unti-unti nang nag-iinit ang sulok ng aking mga mata. Pinipiga ang puso ko sa isiping hindi ako pwedeng lapitan ng mga famous sa campus dahil heto lang ako. Hindi maganda.

"What the hell are you doing again, Rose?" His voice filled the classroom. Kararating niya lang. Fresh na fresh bagong ligo.

Si Rico, masama ang tingin nito kay Rose. Agad akong lumapit sa kaniya saka nagtago sa kaniyang likuran.

"Nothing, I'm just reminding your oh-so-called geek friend. She's not worth it to be a friend, you know? Bakit mo ba kaibigan 'yan? Eh, ang gwapo mo samantalang 'yang kasama mo, eh napapag-iwanan na ng panahon!" Mahabang lintanya nito. Pilit kong pinipigilang umalpas ang mga luha ko. Pati ang pagkakaibigan namin ni Rico ay kailangang questionin?

"For your information, Rose Matigalgal, wala kang karapatang diktahan ako kung sinong gusto at kung kanino ako dapat makipagkaibigan. I rather be friend with this nerd in my back than 'pokpok' like you," mahabang sagot naman ni Rico. Bakit ba parati na lang kaming tatlo ang nasa ganitong eksena?

"Don't call me again in my surname!" She exclaimed and turn her back on us. Talo na naman siya kay Rico.

Hinila na ako ni Rico patungong likuran kung saan kami nakaupo.

"Bakit hindi mo ako tinawagan kagabi, huh?" Nakapameywang na singhal nito sa harap ako. Hindi pa siya umuupo ka kinakailangan kong tumingala para kausapin siya. "Tinatawagan kita pero your phone is busy. Sinong katawagan mo, huh?" Daig pa nito si Mommy kung mag-sermon.

"Tumawag sa akin si Kairon, late na kasi kaya hindi na rin ako nakatawag sa'yo. Alam mo namang papagalitan ako nila Kuya kapag nagpuyat ako," paliwanag ko sa kaniya. Ang kaninang salubong na kilay niya ay bigla na lamang nauwi sa pagngisi.

"Okay lang, si Kairon naman pala ang ipinalit mo sa akin. You know, boto ako diyan kay Kairon eh." Nakangising pahayag nito.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "boto? Bakit? Tumatakbo siyang opisyal?"

Napangiwi ako nang pinitik niya ako sa noo.
"Napaka slow mo naman,"

Sasagot pa sana ako nang isang babae ang pumasok sa room namin.

She's wearing heels around three inches high. Para siyang model, fashionista, she has this long blonde wavy hair, her nose is pointed, ang kaniyang labi ay natural na mapula. Ang ganda niya, maputi. Parang isang anghel na bumaba sa langit. Ang ganda rin ng katawan niya, slim.

"Is there any Trixie Gonzales here?" Maarteng saad nito saka nilibot niya ang kaniyang tingin sa buong classroom.

***
Sorry na guys, wala akong maisip na apelyido ni Rose eh, HAHAHA.

Huling Sandali Where stories live. Discover now