Chapter 16

91 7 3
                                    

"Your 18th birthday is on next week na, right?" Paniniguradong saad ni Chaz. We are here in the garden again. Lunch namin ngayon ni Rico at nagkataon din na vacant nila Chaz. He went to our room at dahil doon umikot na naman ang mga mata ni Rico kay Chaz. Ewan ko ba bigla na lamang nagalit si Rico kay Chaz, eh wala namang ginagawa sa kaniya 'yung tao.

Sa cafeteria kumain si Rico dahil ayaw niya nga raw makita si Chaz na kasama ako.

Nakangiti akong tumango sa kaniya, "yep!"

"What gift do you want to receive?"

"Your heart!" I giggled. He laughs sexily which caught my attention again. He was hot by doing that.

I am so dead! Hulog na hulog na ata ako.

"If I give my heart to you, will you accept it?" His lips are half-smile and his eyes are sparkling while asking me that kind of question.  Magkaharap na naman kaming nakaupo at may namamagitang mesa. Kainis naman kasi 'tong mesa.

"Of course, ang choosy ko naman kung tatanggihan ko pa. Ikaw na 'yon eh,"

"Oh right! I'll give it to you on the day of your birthday," he smirks.

"Hindi literal na puso ah? Baka mamatay ako nang wala sa oras," he chuckled again on what I said. That gave me goosebumps.

Ilang araw na rin kaming magkasama pero hindi pa rin ako nasasanay sa presensiya niya kahit na noon ko pa pinangarap na makasama siya.

"I want that day to be your best day and memorable," he said at me. He stood up from his seat before went to my side. Umupo siya sa tabi ko saka pinagsiklop ang aming mga kamay. Ang lambot ng kamay niya. Bagay na bagay ang mga kamay namin. Para bang hinulma talaga ang mga kamay namin para sa isa't isa.

"I want my 18th birthday to be memorable too. Kahit na wala ng party basta kasama kita, ayos lang." I smiled at him.

Tumango naman siya sa sinabi ko.

"Chaz, ano na ba tayo ngayon?" Lakas loob kong tanong sa kaniya. He gave signals at me.
Ilang araw ko na ring iniisip kung ano ba talaga kami. We are doing holding hands, madalas din siyang naka-akbay sa akin.

Hindi ko alam pero napakabilis ng pangyayari. Natatakot ako na baka isang araw mabilis lang din siya mawawala. Kasi mabilis lang din nakuha. I don't want that to happen.  I don't want to lose him, lalo na ngayong hulog na hulog na ako sa kaniya.

He smiled at me, binitawan niya ang kamay ko before cupped my face on his big hands, "I want to be your boyfriend, Trix. Pinangako ko sa'yo noon na I'll be your boyfriend when you are already eighteen. Malapit na 'yon, Trix. Hindi mo man maalala, pero gusto kong tuparin 'yung pangako ko sa'yo. Promise are not meant to be broken, especially to us. Can I be your boyfriend when you turn 18?"

Awtomatikong tumango ang ulo ko. Noon, pinagmamasdan ko lang siya sa malayo. Pero ngayon hawak niya na ako at pwede pa maging boyfriend kapag 18 na ako. Ayaw man ng mga Kuya ko pero ipaglalaban ko siya, ilalaban ko siya.

***
After what happened in the garden, hinatid muli ako ni Chaz sa room namin. Malawak ang aking ngiti nang pumasok ako sa room. Awtomatikong tumama ang tingin ko kay Rico na inikutan na naman ako ng kaniyang mga mata.

"Mukhang masayang-masaya ka ah? Kumusta naman ang grades, Trixie?" Sarkastikong bungad nito sa akin nang makaupo ako sa upuan na katabi niya.

Nagkibit-balikat naman ako, "grades doesn't represent my well-being, Rica."

Pagak itong tumawa, "huh? For your information, Trixie. You need to pass this semester. For all I know, hindi ka pa pinapayagang makipag-date kung kani-kanino, Trixie. Ilang beses ko na ring sinabi sa'yo, stay away from Chaz!" He gritted his teeth. Ginulo niya rin ang kaniyang buhok.

"For all I know, Rico. You are not my mother, you don't have the right to scold me!" I almost shouted at him. Napatingin na rin sa amin ang iba pang tao dito sa classroom.

He glared at me, "yes, I'm not your mother but I am your only friend! I am just concern, Trixie. You need to focus on your study. Kung hindi lang malakas ang kapit ng family mo dito sa school, hindi ka makakarating ng second year, Trixie. Dahil alam mo sa sarili mo na your brain is weak."

"Makapagtapos ako o hindi alam kong may pupuntahan ako. My parents are there, they are willing to help me." I retorted at him.

He rolled his eyes at me, "and, paano kung malaman nila na ang nag-iisang prinsesa ng pamilya ay nakikipag-date sa taong ayaw nila?"

"Wala kang pagsasabihan sa kanila," pagbabanta ko sa kaniya.

Ngumisi ito sa akin, "try me, Trixie. Try me!"

After that argument, hindi na ulit ako pinansin pa ni Rico. Hanggang sa mag-uwian hindi niya ako kinausap.

Inikutan niya ulit ako ng kaniyang mata nang papalabas na kami sa room, nasa likod niya ako. Nakita niya kasi si Chaz na nasa labas na ng classroom namin, naghihintay.

Lumapit pa si Rose sa kaniya, pero pinagtabuyan ito ni Chaz. Lihim akong napangiti sa tagpong iyon.

Nilibot ko ang aking tingin nang mapansin kong nasa dulo ng corridor si Kairon. Hindi kalayuan sa amin. Kitang-kita ko ang bahid ng sakit sa kaniyang mukha. May problema kaya siya?

Hindi bale na, kakausapin ko nalang siya if ever na magkaroon ako ng oras. Magkaibigan naman kami kaya I will talk to him. Baka kailangan niya ng mapapagsabihan.

Kamuntikan na akong mapapitlag ng pumatong ang kamay ni Chaz sa balikat ko. Tumingala ako sa kaniya saka kumunot ang noo pero ngumiti lang siya sa akin.

Nakarating kami sa parking lot na naka-akbay pa rin siya sa akin. Maraming nakatingin sa amin pero we don't mind them. Sino ba sila? Ano bang pakialam nila?

Dumating din naman ang driver ng pamilya namin kaya hindi rin matagal ang pagsasama namin sa parking lot.

Huling Sandali Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon