Chapter 2

138 15 23
                                    

Naglakad din ako para sundan sila pero may humablot sa kamay ko.

Paglingon ko ay  nakangising mukha ni Rico ang bumungad sa akin.

"Ano?" Tanong ko rito.

"Susunod ka?" Ngumuso ito na itinituro si Chaz at ang apat na nasa labas pa ng classroom.

Tumango ako bilang sagot. Wala naman kasi akong choice. Mukhang nagalit pa ata sa akin.

Binitawan nito ang kamay ko,"okay, ingat." Nakangising saad nito at pinagtulakan akong makalabas ng classroom.

Sabay-sabay namang napalingon sa akin ang limang lalaki kasama si Chaz. Mga varsity player ng basketball ang nasa harap ko ngayon.

Nilingon ni Chaz ang mga kasamahan niya.

"'Pal, you can leave. I'll talk to her first." Saad nito sa mga kasama niya.
Tumango naman ang apat. May binulong pa ang isa kay Chaz kaya nasuntok niya ito.

Nang mawala ang mga kasama niya, lumingon siya sa akin. "Follow me," saad niya.

Mukha akong maamong tupang sumunod sa kaniya. Nakarating kami sa garden kung saan galing lang kami ni Rico kanina.

Nakayuko akong naglalakad habang nakasunod sa kaniya.

Hindi ko namalayan na huminto na pala siya sa paglalakad kaya naman hindi ko inaasahan na mauntog sa likod niya. His scent filled my nose. Tiyak na tatatak na naman sa isip ko ang mabangong amoy niya.

Agad naman akong lumayo sa kaniya. Nag-init na naman ang pisngi ko. Kung titingin siguro ako sa salamin ngayon tiyak na kakulay ko na ang kamatis.

"What are you doing?" Napatingala ako sa tanong nito. Ang sarap talaga sa tenga ng boses niya.

"H-ha?"

Napipikon naman siyang bumuntong-hininga.

"Gaano mo ako kakilala?" Kunot noong tanong nito sa akin.

Abot-tenga akong ngumiti sa kaniya. "Mula ulo hanggang paa. Paborito mo ang kulay itim, you love playing basketball, you love chicken so much, obsess ka sa cake kasi noong bata ka hindi ka nagkakaroon ng cake tuwing birthday mo, namatay---------"

"Enough!" Pagputol nito sa sasabihin ko pa. "How did you know all of these?" Masama ang tingin nitong tanong sa akin.
Nawala ang pagkakangiti ko nang dahil sa tingin niya.
"A-ah, e-eh, k-kasi-----

"Answer me!" Sigaw nito. Napatalon pa ako dahil sa gulat.

"K-kasi...

"Kasi?"

"Matagalnaakongmaygustosayo!"
Dire-diretsong saad ko. Lalong sumama ang tingin nito sa akin.

"What? Can you say it clearly?"

"Basta nalaman ko nalang,"

"And, are you expecting me to believe that bullsh*t?"

Umiling ako. Nag-uumpisa na akong matakot sa kaniya. Kahit matagal na akong may gusto sa kaniya. Hindi ko pa masyadong kilala ang ugali niya dahil mahirap talaga mapredict ang ugali ng isang Chaz Sevre Alberts.

"Do you know how I am feeling right now, Trixie Gonzales?" May diing saad nito habang nakayuko ako.

"I am scared. I didn't know that I had a stalker-like you. Nakakatakot dahil baka obsess ka na sa akin at hindi ko na mapipigilan pa 'yan. You know what, Trixie Gonzales? If you like me, please, stop it, I can't like you back and I don't want to. Please stop knowing things about me and my private life. Ikaw lang ata ang geek na may alam halos buong buhay ko, kulang na lang maging parte ka na rin ng buhay ko. Please, stop it." Dire-diretsong saad nito saka ako tinalikuran.

Huling Sandali Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz