Chapter 11

101 8 11
                                    

***

Puting kisame ang bumungad sa akin nang magmulat ako ng aking mga mata.

Heto na naman 'yung araw na ayaw kong makakita ng puting kisame hangga't maaari.

Nag-aalalang mukha ni Rico ang nagpabalik sa akin sa realidad.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya.

Nakahiga ako at nakatingala ako sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko, "you fainted. May naalala ka na naman ba?" May pag-aalala sa tono ng pananalita nito.

He knows everything because he is the one I can lean on. He is my only best friend.

Tumango ako, "you know, it's part of my past and I can't forget easily." Naluluhang sambit ko.

He caressed my cheeks, pinunasan ang luhang umalpas mula sa aking mga mata.

"It's okay, Trix. You'll heal soon, it takes time. Healing is a process, don't make it fast. Sasamahan kita hanggang dulo, okay?" He smiled.

Bumukas ang pinto ng clinic, pumasok ang nakangiting si Kairon. May bitbit siyang supot ng plastic.

"Hey, you're awake!" Masiglang pahayag nito saka lumapit sa kabilang side ng kama. "Here, I buy you food. Kumain ka na para magkaroon ka ng lakas," he said without holding back his smile.

Pinilit kong ngumiti sa kaniya, "thank you, Kai."

He let out a heavy sigh, "I won't ask you what really happened, but, if you need someone to lean on, I'm here." Sinserong sambit nito.

Narinig ko namang tumikhim si Rico.

"I'm here, hindi na kailangan." Umikot pa ang mata nito na siyang ikinatawa ko.

"Hindi naman palaging nasa tabi ka niya, Rica." Ngumisi sa kaniya si Kairon, bahagya namang tumili si Rico. "May sariling buhay ka, hindi lahat ng oras nasa tabi ka niya."

"How about you? Wala ka bang sariling buhay? Duh!" Rico exclaimed.

Sumasakit ang ulo ko sa kanila.

"I had. But if Trixie needs me, I won't think twice." He smirked at Rico.

Umirap lang si Rico  na tinawanan lang naman ni Kairon.

"Where's Chaz?" Pareho silang napatingin sa akin. Buka ang bibig.

"Ano ba naman 'yan, Trixie? Manhid ka ba? Siya ang dahilan kung bakit ka nasa clinic pero hinahanap mo pa rin?" Masama ang tingin sa akin ni Rico.

"Si Trixie Kaye ang dahilan, hindi si Chaz." Pamimilit ko pa.

Malakas siyang bumuntong-hininga saka bumuga ng hangin.

"Ewan ko sa'yo, Trixie." Napipikon na sambit nito sa akin.

"Okay ka na ba? A-attend ka pa ba ng class niyo or uuwi ka na lang?" Kairon asked in disbelief.

"Umuwi ka na lang, Trixie. Baka mamaya si Chaz na naman ang hanapin mo. Na-i-stress ang beauty ko sa'yo, girl." For the nth time umikot na naman ang mga mata nito.

"Hatid na kita, Trix." Suhestiyon ni Kai.

"Mabuti pa nga! Nang manahimik sa bahay 'yan, hatid mo na 'yan, Kai." Pagtataboy ni Rico.

Kairon chuckled again.

"Ayaw mo na ako maging kaibigan, Rico?" Pabiro kong sambit.

Hinampas ako nito sa balikat. Medyo masakit lang naman.

Naunang lumabas sa amin si Rico sa clinic kasi itutuloy niya raw ang klase. Takot niya lang bumagsak.

Inalalayan ako ni Kairon hanggang sa makasakay kami ng sasakyan niya.

Tahimik naming binaybay ang daan patungo sa bahay namin.

"This place looks familiar," basag ni Kairon sa katahimikan nang nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Bumusina siya sa gate na siyang binuksan naman ng guard namin. Binuksan ko ang bintana para makita ng guard na kasama ako ng sasakyang ito.

"Baka nakapunta ka na dito sa amin o baka nakasama mo na sila Kuya?"

Tila nagulat naman siya dahil sa sinabi ko, "may mga Kuya ka? That's why, familiar ang Gonzales." Tumatango-tangong sambit nito.

Nagkibit-balikat lamang ako.

Nang huminto ang sasakyan agad siyang bumaba upang pagbuksan ako. Hawak niya ang siko ko habang papalapit kami sa pintuan ng bahay.

Maingay na sala ang bumungad sa amin ni Kai. Nagbabangayang mga Kuya ko ang naabutan namin.

Tumikhim ako upang maagaw ang atensiyon nila. Sabay-sabay na nagsilingon ang mga Kuya ko pati na rin si Ate Melissa sa gawi namin. Nandito pa pala si Ate.

"Montañez?" Anang Kuya Kobi. Mukhang magkakilala sila ni Kai. Sabagay, nakalaro na nila ito sa basketball sa School.

"Nice to see you again, Gonzales!" Nakangising saad ni Kai.

"Hands off, Man!" Anang Kuya Cole, nakatingin sa kamay ni Kai na nakahawak sa siko ko. Agad namang inalis iyon ni Kai nang mapagtanto niya.

"What are you doing here, Montañez?" Kunot ang noo at walang emosyong saad ni Kuya Nate. Lumabas ang biloy nito. Hindi ka matatakot kapag siya 'yung nawalan ng emosyon kasi lumalabas ang dimples niya. Mas lalo siyang gumagwapo.

Sabi pa naman nila, kapag may dimples, abnormal daw.

"Hinatid ko lang si Trixie, Man." Mahinahong sagot ni Kai.

"Hatid lang? Wala ng iba?" Ani Kuya Kobi.

"Ano bang mga nasa isip niyo, boys?" Kunot ang noong sambit ni Ate Melissa sa kanila, ibinaling naman nito ang tingin sa akin, "are you okay, Trix? Hindi pa tapos ang klase mo, right?" Lumapit siya sa akin saka ako sinuri. Nilapat niya ang kaniyang kamay sa aking noo.

"Yeah, nag-cutting ka ba, Trixie?" Anang Kuya Cole. Dire-diretso ang pag-iling ko dahil sa kaniya.

"Man, she fainted earlier. So, I decided to take her home," singit ni Kai. Kung anu-ano na kasi ang konklusyon na nabubuo sa utak ng mga Kuya ko.

"Bakit? Anong dahilan?" Kuya Cole said with curiosity.

"Wala po, Kuya." Umiiling na sambit ko sa kaniya. Kinakabahan.

"Are you sure?" Paninigurado ni Kuya Cole saka lumapit sa akin upang suriin din ako. "Ang payat mo na lalo, pinapakain ka naman namin, ah? Lagot kami kay mommy nito," umiiling-iling na saad nito.

Napatingin ako kay Kai pero nakatingin lang ito kay Kuya Cole na sinusuri ako. Seryoso. Seryosong tingin.

"Bakit ba kasi pang-manang itong suot mo? Mukha kang damit na naglalakad, princess." Sambit muli ni Kuya Cole. Hinampas siya ni Ate Melissa dito.

Pero nanlalaki ang mata ko dahil nandito si Kairon. I don't want him to know my physical appearance. Ayoko pang malaman niya.

Kuya Cole still checking me when Kairon speak again, "Man, anong itsura mo noong bata ka?" I bursted out in laughter when he asked that kind of question. Pati si Kuya Nate, Kuya Kobi, at Kuya Cole pati na rin si Ate Melissa.

Pero si Kai, nanatiling seryoso ang mukha kaya natigil kami sa pagtawa.

Huling Sandali Where stories live. Discover now