Chapter 5

109 11 16
                                    

"Hey, beshie! Anong pinag-usapan niyo ni Kairon?" Bungad sa akin ni Rico the gay. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ni Kairo. Pero, sikat kasi ang mga 'yon. Ako lang talaga 'tong walang pakialam kasi na kay Chaz lang ang atensiyon ko.

"Wala naman, beshie. Naghihingi siya ng number ko, siguro wala siyang number. Pero nung hindi ko binigay hiniram niya nalang 'yung cellphone ko," pagbibigay impormasyon ko sa kaniya.

Nagtatalon naman ito sa sinabi ko. Pagdating na pagdating ang hyper niya na kaagad.

"Anong problema, bakit ka tumitili?" Kunot ang noong tanong ko sa kaniya.

"It means, gusto ka ni Kairon! Ayieee dalaga na si Trixie!" Saad nito habang niyuyugyog ang magkabilang balikat ko.

Tumigil lang siya nang sinamaan ko siya ng tingin. Dahan-dahan niyang inalis ang dalawang kamay sa mga balikat ko. Kaloka siya.

Nanatili siyang nakatayo sa harap ko. Sayang, gwapo sana si Rico pero hindi straight. Pero mas gwapo pa rin si Chaz.

"'Wag ka ngang magbiro ng ganyan, Rico. Paano kung si Chaz ang biniro mo sa akin? Edi naniwala agad ako," nakangusong saad ko sa kaniya.

Umikot ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"Alam mo, Trixie? Kahit kaibigan kita gusto kitang sampalin. Tigilan mo na nga 'yang kahibangan mo kay Chaz! Ang sama-sama ng ugali no'n!" Aniya. Inilagay niya pa ang dalawang kamay sa kaniyang magkabilang bewang at inikutan na naman ako ng kaniyang magagandang mga mata.

"You know what? Instead of dragging me down, bakit hindi mo nalang ako suportahan?"

"Handa kitang suportahan sa lahat ng bagay, Trixie. Alam mo 'yan. Pero diyan kay Chaz? Well, noong umpisa gusto kita para sa kaniya. Pero, lately nakikilala ko na ang ugali niya. Lalo na nung pumunta siya sa room natin para ipangalandakan na may admirer siyang kagaya mo. Hindi ka ba naturn-off doon?" Mahabang lintanya nito na ikinanganga ko.

Umiling ako.
"No, mas lalo ko siyang nagustuhan dahil doon. I like him because he is imperfect."

"Naku. Hindi lang ata pagkagusto 'yan, Trixie. Obsess kana kay Chaz."

"I'm not obsess, Rico." This time ako naman ang umikot ang mga mata sa kaniya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan saka naglakad palayo sa kaniya. Baka mamaya magkasakitan na kami dahil magkaiba kami ng opinion.

Hindi ko alam kung like pa ba 'to. But every time na malapit sa akin si Chaz, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Para bang gusto na nito kumawala.

Chaz isn't your typical man but he is my type. He isn't a good man. Ma-attitude kung tawagin. Akala mo laging may kaaway. I like him because he is true to himself. Hindi niya kailangang magpakabuti para lang magustuhan siya ng ibang tao. Pinapakita  niya talaga kung sino at ano ang pagkatao niya.

Sa School na 'to. A lot of plastics are everywhere. Akala mo kung sinong mga santa pero nasa loob ang kulo.

And that's why I like Chaz ever since. Kasi siya 'yon. Ganoon na talaga ang ugali niya noon pa.

Masakit magsalita. Masama ugali. Alam kong may soft side siya takot lang niya ipakita. And I'll be the one who will unveil his soft side. Sisiguraduhin kong matututunan niya rin akong gustuhin.

Kahit bilang kaibigan lang.

I went straight to our classroom kahit maaga pa. May 30 minutes pa para sa unang klase.

Naabutan ko si Rose na nasa unahan. This time hindi ko kasama si Rico, wala akong likod na pagtataguan.

Papunta na sana ako sa likuran nang hinablot ni Rose ang kamay ko. Madadaanan ko kasi ang pwesto niya bago makarating sa dulo.

Huling Sandali Where stories live. Discover now