Chapter 1

324 22 66
                                    

"Oy! Balita ko may laro na naman sila Chaz mamaya ah?" Saad ng kaibigan ko habang nasa garden kami, kumakain ng lunch. Dito kami kumakain kasi masyadong crowded sa cafeteria.

Inayos ko ang aking salamin saka lumingon sa kaniya.

"Talaga? Saan?" Excited kong tanong sa kaniya.

"Dito lang sa School. Makakalaban nila ang Southeast International School. Ang dami ding papa doon." Aniya habang kinikilig.

"Naku, Rico. Pwede mong landiin ang iba 'wag lang si Chaz." Banta ko sa kaniya.

Hinampas naman nito ang braso ko na siyang ikinangiwi ko.

Masakit 'yon ah.

"Rica nga sabi e. Isa pang Rico mo, si Chaz talaga ang pupuntiryahin ko." Aniya na umikot pa ang mga mata.

And yep. Gay siya.

"O, sige. Hindi na. Basta 'wag si Chaz, ha?" Nakangusong sagot ko sa kaniya.

Malalim naman siyang napabuntong hininga na siyang ipinagtataka ko.

"May problema ba, beshie?"

Umiling ito, "wala naman. Ilang taon ka na ngang may gusto kay Chaz?"

"Anim? Pito? Walo? Hindi ko masyadong matandaan e, bakit mo natanong?" Kunot ang noong saad ko.

Nakakapagtaka naman na bigla nalang niya tinanong. Hindi ko naman kasi binibilang ang taon ng pagkahumaling ko kay Chaz e.

"May progress naman ba?"

Umiling ako, "wala nga e."

"Balita ko nga may nililigawan siya sa tourism management."

Napasimangot ako sa anunsiyo niya.

"Alam ko namang hindi niya ako mapapansin e, masyado siyang mataas para mapansin ang isang kagaya kong pangit."

"Hindi ka pangit. Hindi ka lang talaga nag-aayos. You're so beautiful, Trixie. May pera naman kayo, bakit hindi ka manlang makabili ng suklay? Look, you're hair is so magulo." Nandidiri pa itong hinawakan ang buhok ko.

"Hindi ko kasi feel na mag-ayos." Nakangusong sagot ko sa kaniya.

"Kung gusto mong mapansin ka nang isang Chaz, change your style. You look like manang. Kung pwede lang ibalik ka sa 1950's itatapon kita doon eh, doon ka nababagay." Umikot na naman ang mga mata nito.

"Gusto ko... mapansin niya ako dahil ako ito. Hindi ko kailangan magbago para lang mapansin niya." Nakangiti kong saad sa kaniya na siyang ikinangiwi naman niya.

"Eww, corny. Tara na nga, bago pa tumunog ang bell." Aniya.

Sabay kaming tumayo mula sa pagkakaupo sa bench.

Third-floor pa ang next subject namin.

"Manonood ka ba mamaya ng laro nila Chaz?" Tanong ni Rico habang naglalakad kami paakyat ng hagdan.

Tumango ako,"oo naman, Chaz 'yon eh!" Nakangiti kong sagot sa kaniya.

Ngumiwi na naman siya.

"Hindi ka papagalitan ng mga Kuya mo?"  Tanong muli nito. Alam niya kasing strict ang mga Kuya ko. Kahit sa kaniya ayaw akong pasamahin.

Baka raw kasi nagpapanggap lang na gay si Rico para makasama ako. Muntik ko na silang mamura that time. Masyado nilang hinuhusgahan ang nag-iisa kong kaibigan.

"Hindi 'yon," nakangiti kong sagot muli sa kaniya.

Pagka-apak namin sa classroom, ang kaninang maingay ay biglang tumahimik saka tumingin sa direksiyon namin. Agad akong nagtago sa likod ni Chaz dahil baka kung ano na naman ang ibato nila.

Huling Sandali Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum