Chapter 17

112 6 7
                                    

Warning: Unedit 'tong chapter. A lot of errors are everywhere!

***

"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na stay away from Chaz, Trixie?" Bungad sa akin ni Kaye nang papunta na sana ako sa room namin.

Malayo ang room nila sa tutuusin lang. Tourism management siya at engineering ako. Pero, bakit nandito na siya sa harap ng classroom ko?

Medyo tanghali na ako nagising kaya hindi na rin ako nakatambay sa garden. Pinuyat kasi ako ni Chaz. Walang gustong magpatay ng call namin kagabi. In the end, pinabayaan na lang namin hanggang sa makatulog kaming dalawa. Paggising ko ay nakapatay na ang tawag. It means, mas nauna siyang nagising sa amin.

"Sino ka naman para pagsabihan ako?" I arched my brows at her. Ngayon pa ba ako hindi lalaban kung si Chaz na naman ang pinag-uusapan.

"I'm his girlfriend," tumaas din ang mga kilay nito.

Ngumisi ako sa kaniya, "Chaz said he is already stop courting you. Kairon also said na ikaw mismo ang gustong magpahinto sa panliligaw niya sa'yo. So, anong gusto mong mangyari ngayon?"

She smirks at me too, "at naniwala ka naman sa sinabi niya sa'yo? We've been together for almost years now, ngayon lang may asungot sa aming dalawa. Hindi ka ba nakokonsensiya na may sinisira kang relasyon?"

Umiling ako, "hindi ako maniniwala sa sinasabi mo, unless si Chaz mismo ang magsabi."

Tinalikuran ko siya pero agad niyang nahila ang buhok ko na nagpasigaw sa akin.

Nalaglag din ang salamin ko dahil malakas ang pagkakahila niya sa buhok ko. Halos matalisod ako. Natapakan ko din ito nang mapaatras ako kaya nabasag.

Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kaniya.

Hindi ko siya nagawang sigawan dahil sa ginawa niya. Nakatulala lang siya sa akin. Nanlalaki ang mga mata.

"You're Trixie?"

Kumunot lalo ang noo ko dahil alam niya namang ako naman talaga si Trixie.

"Y-you a-are that Trixie from the past. Nasa paligid ka lang pala, sabi ko na eh, ikaw 'yon eh!" Nauutal at maluha-luhang sambit nito sa akin.

"What the hell are you saying? What past?" I asked her, confused.

"Kaye! What the hell?!" Isang sigaw ang nagpalingon sa aming dalawa.

Tumakbo ito papalit sa amin. Nanlaki din ang mga mata nito nang makita ako.

May dumi ba ako sa mukha? Duh!

"Potpot?" Kairon exclaimed in disbelief. What the hell is potpot?

"Nah? What the hell is potpot?"

"Trixie? Ikaw nga si potpot!" Masiglang pahayag nito saka mabilis itong lumapit sa akin at niyakap ako. "Sabi ko na e, the first time I saw you, the first time I saw your smile, you are potpot." He whispered to my ears while hugging me.

"Ano bang pinagsasabi mo, Kairon?" I remained stiff in my place. Nanatili akong bato habang nasa mga bisig niya ako.

"You are our childhood friend, Trix. Don't you remember?" aniya saka bumitaw sa pagkakayakap niya sa akin pero nanatili ang dalawa niyang kamay sa magkabilang balikat ko.

He looked into my eyes straight, "your eyes are always beautiful." He smiled at me.

Nilingon niya si Kaye, "Kaye go to your department, don't ever go near to Trixie again."

Mabilis na sumunod sa kaniya si Kaye. Nahipnotismo ba 'yon?

"Hindi ko pa nakikita si Chaz ngayong umaga," I said in disbelief. Napabuntong-hininga naman ito saka nawala ang kaninang ngiti.

"Simula noon hanggang ngayon, ako ang nasa harap mo pero si Chaz ang hinahanap mo," may sakit na bumalatay sa kaniyang mga mata. Malungkot itong ngumiti sa akin, "kahit sa pangalawang beses nating pagkikita, siya pa rin ang hinahanap mo kahit na ako ang nandito. Wala ba talaga akong puwang diyan sa puso mo, Trix?"

Napatapik ako sa aking noo dahil hindi ko alam ang pinagsasabi niya. Bahagya ding kumirot ang ulo ko dahil siguro sa pag-iisip ko.

"Kai, sumasakit ang ulo ko sa'yo, ano ba kasing pinagsasabi mo?" Inis kong sambit sa kaniya.

"I'm sorry, I thought you are pretending."

"Pretending? Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Nagkibit-balikat siya, "you are disguising, hindi ko maiwasan isipin na baka nagpapanggap ka at ayaw mo na talaga kaming makita. O, baka ako lang kasi you are always asking about Chaz. I'm here, Trix. I'm here." Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pinagsasabi niya sa akin.

"Don't force her to remember about her past, Kairon." A voice interrupted us. Nasa likod ko nagmula.

"I didn't force her, I just want to say what I want ed to tell her eversince, Rico."

"Hintayin mong maka-alala, she has trauma at kayo ang may kasalanan nang lahat ng iyon!" Rico hissed.

"I'm not! Trixie knows that, hindi ako kasali! I'm on her side that time, ikaw ang walang ginawa!" Kairon hissed at Rico.

lalong sumakit ang ulo ko dahil sa pinagsasabi nila. Napahawak ako sa aking ulo nang mag-umpisa ito magpakita ng iilang senaryo. Dahan-dahan akong napaluhod.

I almost hit my floor on the floor dahil sa sobrang sakit nito. Hindi ko mapigilan ang paghiyaw.

They are starting to argue with my past that I didn't even know. May nangyari bang hindi maganda?

"Trixie!" Nag-aalalang lumapit sa akin si Rico. I know na nasaktan ko siya sa sinabi ko sa kaniya kahapon pero siya pa din ang kinakapitan ko ngayon.

Lumapit din sa akin si Kairon, asking if I am okay.

Okay lang ba ako?

Sobrang sakit ng ulo ko ngayon.

Naramdaman kong may bumuhat sa akin. Mabilis ang pangyayari. Nakakita na naman ako ng puting kisame bago pumikit ang aking mga mata.

Huling Sandali Where stories live. Discover now