Chapter 7

100 6 9
                                    

"Crush lang naman, Rico."

"Crush lang for now, but as time passed by, you'll fall in love with him. Kasi you always keep seeing him, palagi mo siyang hinahanap, bukambibig mo."

"Pero, Rico. Nasa sa akin naman na 'yon kung masasaktan ako. Nasa iyo ba ang puso ko?"

"Seryoso tayong nag-uusap dito, Trixie."

"Seryoso din naman ako," nakanguso kong sagot sa kaniya. Tinaasan na naman niya ako ng kilay niya.

"Paano kung may girlfriend siya, Trixie?"

"Rico, gusto ko lang mapansin niya kahit kaibigan lang. Masama na ba ako no'n?"

"Siguraduhin mong kaibigan lang. Kapag lumapit ka sa'kin at sinabi mong mahal mo na siya, makakatanggap ka talaga ng malutong na batok mula sa akin." Banta nito.

Binaling niya na ang paningin sa unahan kaya hindi na lang din ako sumagot.

Ganoon ba talaga kapag may gusto kang tao? Maraming hadlang? Maraming sagabal para mapansin ka ng taong gusto mo.

Ano bang ginagawa nila kapag may tao silang gusto?

Nang matapos ang araw ng klase dumiretso kami sa library ni Rico. Hindi ko inaasahan na  nandoon din si Kairon at makakasama namin, 'yung kaibigan ni Chaz. Nakisalo kami sa table niya dahil wala ng space. Marami kasi ang estudyante ngayon dito.

"Hi, Trixie. Ang sarap ng cake na ginawa mo," bungad nito sa akin nang maka-upo kami ni Rico sa harap niya. Nasa pagitan namin ang table.

"Mabuti ka pa na kaka-kilala pa lang, nakatikim na ng cake niya. Samantalang ako na friend niya, hindi manlang niya ako pinag-bake. Life is so unfair." Maarteng saad ni Rico, Kairon chuckled.

"Salamat, Kairon. I appreciate that," nakangiting saad ko kay Kairon na siyang nakangiti din sa akin. Nilingon ko naman si Rico sa tabi ko, "as for you, Rico. I'll bake cake for you too, 'wag ka na magtampo." Nag-puppy eyes ako na ikinangiwi niya at parang nandidiring inilayo ang mukha ko.

Kairon chuckled again,
"Ang cute niyo tignan,"

Sabay kaming napangiwi ni Rico sa isa't isa.
"Nga pala, Kai. This is Rico, my bestfriend." Pagpapakilala ko, "and Rico, this is Kairon, my new friend." Kamuntikan na akong sumigaw sa sakit dahil kinurot ako ni Rico sa tagiliran. Ang dahilan ay hindi ko alam.

Tumango-tango naman si Kairon, "nice to meet you, Rico." Nilahad nito ang kamay niya kay Rico. Malugod naman itong tinanggap ni Rico na may kasamang landi, napansin ko pa ang bahagyang pagpisil niya sa kamay ni Kairon. "Nice to meet you too, Kai." Malanding saad nito. Naiilang na tinanggal ni Kai ang kamay niya mula kay Rico, para kasing ayaw na itong bitawan ni Rico.

"By the way, Trixie. Did you receive my text yesterday?" Napabaling muli ang tingin ko sa kaniya.

"Text? Bakit ka naman magtetext sa'kin? Saka 'di ako nagbabasa ng text, call lang kasi kami ni Rico."
This time siniko naman ako ni Rico sa tagiliran, nilingon ko siya at nakangisi ito sa akin.

Tumango-tango naman si Kairon, "okay, I'll call you nalang later."

Kahit nagtataka ay tinanguan ko na lamang.
Ilang oras din ang ginugol namin sa library bago nagkayayaang umuwi.

Si Kairon ay kasabay namin hanggang sa parking lot. Kahit na niyaya siya ni Justin kanina na uuwi na raw sila ay hindi siya sumama. Sabi niya lang dito na ihahatid niya kami hanggang sa parking lot lang.

"Thank you for today, Trixie, Rico." Saad ni Kairon. Matamis namang ngumiti si Rico sa kaniya saka pabirong hinampas si Kairon sa balikat.

"Eto naman, Rica nalang."

Huling Sandali Where stories live. Discover now