Chapter 6

111 7 4
                                    

Sabi nila, the way to a man's heart is through his stomach. So, I decided to bake a cake for Chaz. I want to impress him. Kahit na pinalayas niya ako kahapon doon sa court.

Hindi ko rin nakuha ang water ko at panyo. 'Yung panyo pa naman na 'yon may naka-ukit na pangalan ko sa gilid. Hindi ko lang alam kung kanino galing o regalo ba sa akin ng isa sa mga Kuya ko.

Nasa kusina ako ng aming bahay, preparing some ingredients for baking.

"Ma'am, kailangan niyo po ba ng tulong?" Isa sa mga katulong dito sa bahay. Si Layla. Mabait at maaruga.

Umiling ako sa kaniya, "hindi na, Ate Layla. Kaya ko na 'to."

"Sigurado po kayo?"

Tumango ako, "oo naman po, Ate."

Ngumiti lang siya sa akin saka umalis sa kusina. Dumating din si Miya para mag-alok ng tulong pero tinanggihan ko rin.

Alas  kwatro pa lang ng umaga para maka-abot pa before nine am. Alas diyes pa ng umaga ang una kong klase pero kailangan ko makarating ng alas nwebe para makarating sa 5th floor at ibigay itong cake kay Chaz.

Sila Kuya ay gising pa ng ganitong oras, naririnig ko ang ingay mula sa mga kwarto nila. Minsan alas alas singko na sila ng umaga natutulog then gigising ng alas nwebe. Kung ako 'yon bangag na ako sa klase. Grabeng puyatan.

Si Kuya Cole naka-graduate na sa kursong business. Naka-focus na lamang siya sa pagtulong kay Mom and Dad sa business naming Fashion and retail.

Speaking of Mom and Dad hindi pa sila nakakauwi. Sabi ni Kuya Cole out of country sila ngayong month. Expanded na rin kasi ang business sa iba't ibang lugar.

Si Kuya Nate naman ay graduating na sa kursong Accountancy. Well, he's a genius naman talaga. Lalo na sa analyzation.

Si Kuya Kobi naman third year college pa lang sa propesyong doctor. Mahaba-habang pag-aaral ang gusto niya. Lampa raw kasi ako kaya pinangako niyang magiging doctor siya. Sinisi pa sa'kin.

Pareho si Kuya Kobi and Kuya Nate na nasa Southeast International School pero mas prefer ko talaga ang Northeast International School dahil nandoon si Chaz. Buti na lang talaga pinayagan ako ni Daddy.

8 am nasa sasakyan na ako. Ngiting-ngiti si Manong Alucard nang makasakay ako. Don't get me wrong, huh? Si Manong Alucard kasi he always starts his day with a smile para positive hanggang maghapon.

"Magandang umaga, binibini." Nakangiting bati nito sa akin bago inistart ang sasakyan.

"Good morning too, Manong." Bati ko pabalik na may ngiti sa mga labi.

Matagal nang nagtatrabaho sa amin ang mga katulong namin ngayon kaya parang pamilya na rin namin sila.

Nang makarating kami sa parking lot ng School agad akong pinagbuksan ng pintuan ni Manong Alucard.

Maingat kong binitbit ang cake na binake ko saka nilakbay ang daan patungong fifth floor. Suot ang backpack na Nike na may maraming books at notebooks sa loob binaybay ko ang floor patungong Architecture department.

Nakangiti akong naglalakad habang papunta sa room kung nasaan si Chaz.

Nang sumilip ako sa room agad bumungad sa akin ang napakagulong classroom nila. Kaniya-kaniya ng business, daldalan doon, daldalan dito. May kaniya-kaniyang grupo.

Napansin ko ang grupo nila Chaz bandang dulo. Unang nakapansin sa akin si Justin habang nakadungaw ako sa kanila mula sa pintuan. Ngumisi ito ng nakakaloko saka binalik ang tingin sa kagrupo.

"Nandito manliligaw mo, 'Pal!" Medyo may kalakasan nitong saad kay Chaz kaya nadinig ng iba.

Napalingon sa akin ang lahat. Ang iba ay tumatawa, ang iba naman ay masama ang tingin sa akin lalo na ang kakaunting babae sa kanila.

Huling Sandali Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon