Chapter 10

98 10 14
                                    

This chapter is dedicated to you, thank you for the support. I love you. 

***

Nagtaas ako ng kamay dahil ako lang naman ang Trixie Gonzales dito sa room. Nakalingon na rin sa akin ang iba pang nandito sa room. Ewan ko pero parang may hindi magandang mangyayari.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Si Rico na kanina pa nakatayo sa harap ko ay lumipat sa gilid ko nang makatayo ako.

Para siyang rumarampa habang papalapit sa akin. Nakataas din ang kaniyang kilay habang tutok ang tingin sa akin.

Nang nasa harap ko na siya, tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Tumaas ang sulok ng labi nito nang hindi siguro maganda ang nakita niya.

"You're Trixie Gonzales?" Paniniguradong sambit nito, nakataas ang sulok ng labi.

Tumango ako, ngumisi naman ito nang nakakaloko. So, anong problema niya?

"I'm Trixie Kaye Mendoza," nakangising sambit nito saka inilahad ang kaniyang kamay upang makipag-shake hand.

Kunot ang noong tinanggap ko ito. Bahagya niya ring pinisil ang kamay ko kaya nagtataka ako kung bakit. May lihim ba siyang galit sa akin?

"Masama ang kutob ko sa babaeng 'yan, Trix." Bulong ni Rico sa tabi ko.

Hindi ko siya sinagot. Nakatingin pa rin ako sa babaeng nasa harap ko. Magkapareho kami ng pangalan pero hindi ko alam kung bakit siya nagpakilala sa akin.

"May kailangan ka po ba sa akin?" Magalang kong tanong sa kaniya.

Mas lalong lumawak ang pagkakangisi ng kaniyang natural na mapulang labi.

"I'm just here to remind you, baby girl." Pasimple nitong kinurot ang pisngi ko, tinabig naman ito ni Rico. Medyo masakit.

"Remind of what, Miss?" Singit ni Rico. Siguro napipikon na rin siya sa presensiya ng babaeng ito. Para pa namang anghel ang mukha nito.

"Don't 'ya worry, baby boy. Hindi naman ako nananakit ng hayop. Pet lover ako, especially her," sambit nito habang diretsong nakatingin kay Rico.

"What did you just said? You called my friend an animal?" Pagak na tumawa si Rico. Siniko ko siya para iparating na okay lang ako. Okay lang naman dahil alam ko sa sarili ko na hindi totoo ang sinasabi niya.

"What? Nagagalit ka? Truth hurts nga kasi," nakangising saad nito. Sasagot sana ulit si Rico pero agad ko siyang siniko. "Anyway, itutuloy ko na ang sasabihin ko. Trixie Gonzales, baby girl, stay away from my suitor." Nawala ang ngisi sa kaniyang labi napalitan ito ng masamang tingin sa akin.

"Who's suitor?" Kunot ang noong tanong ko sa kaniya. Hindi ko naman kasi siya kilala, baka nagkakamali lang siya.

"My Chaz. Don't ever go near him, I'm his only girl. Hindi pwedeng may ibang lalaking lalapit sa kaniya. Isang lapit mo pa sa kaniya, I will ruin your life. I will make your life miserable," nakangisi pero makikita ang galit sa mga mata. May diin ang bawat salita.

Kaniya-kaniya ang bulungan sa paligid.

"Siya 'yung nililigawan ni Chaz sa tourism management."

"Oh my God! Tama siya nga 'yon, bagay sila ni Chaz. Ang ganda niya,"

"Yup. Walang-wala kay Trixie."

Iilan sa mga naririnig ko. Hindi ko nalang pinansin dahil hindi naman iyon totoo.

"Girl, suitor pa lang binabakuran mo na? Hindi mo siya deserve kung ganoon," singit muli ni Rico.

"And who deserves him? Her?" Turo nito sa akin. Masama pa rin ang tingin.

"No one's deserve him dahil masama ang ugali ng lalaking 'yon!" Medyo napalakas na ang boses ni Rico.

Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na nangyari.

She slaps my friend, she slaps Rico on the face. Namula agad ang pisngi ni Rico.

Gaganti sana si Rico pero agad kong nahila ang damit niya.

"How dare you say that to Chaz?! Ikaw ang masama ang ugali! Wala kang karapatang pagsabihan ng ganiyan si Chaz dahil hindi mo naman siya nakakasama!" Sigaw nito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako sanay sa argumento. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa dulo ng shirt ni Rico.

"Hey, relax, Trix." Bulong sa akin ni Rico. Ewan ko pero unti-unti na ring nanginginig ang mga tuhod ko. Anumang oras matitibag ako mula sa aking pagkakatayo.

"Sinasabi ko sa'yo, Trixie. Huwag na huwag ka nang lalapit pa kay Chaz, hindi mo kilala ang ugali ko. I can be your nightmare!" Sigaw muli nito. Nanlalabo na rin ang paningin ko.

"Trixie!" Isang sigaw ang nagpabalik sa akin sa realidad. Para na naman itong isang haring naglalakad sa gitna ng room na kinaroroonan namin. Salubong ang mga kilay nito.

Chaz is mad.

Sa likod ni Chaz ay naglalakad ang seryosong  si Kairon. Hindi ko alam pero ngayon ko lang siyang nakitang seryoso.

"What the hell is happening here?" Kunot ang noong bungad nito. Tiningnan niya na may pag-aalala si Trixie Kaye, habang masama ang tingin sa amin ni Rico.

"Pagsabihan mo 'yang nililigawan mo, Chaz." Seryosong sambit ni Rico kay Chaz. Hindi na ako nakaimik. Para bang may pumipigil sa akin na hindi magsalita.

"Hindi ako, Chaz. Nakikipagkaibigan lang naman ako kay Trixie, pero hindi ko alam na ganiyan pala ang ugali niya. Sinigawan niya ako, Chaz." Mangiyak-ngiyak na sambit nito kay Chaz.

Sunod-sunod akong umiling. Hindi totoo 'yan.

"Hindi totoo 'yang sinasabi mo, hindi totoo 'yan." Nanginginig habang umiiling kong sabi sa kaniya.

Tumuon muli ang pansin ni Chaz sa akin. Walang emosyon. Malamig. Tila tumindig ang mga balahibo ko sa katawan.

"Don't you dare shout at my girl, Trixie? Sinabihan na kita, stop liking me, stop. Huwag na huwag mong idadamay si Kaye sa pagkagusto mo sa akin," malamig na saad nito.

Tumingin muli ako kay Trixie Kaye, nakangisi ito sa akin. Para bang nagdiriwang na siya, na siya ang nanalo sa labanang ito. Na hindi ko naman iniisip na laban pala ito.

Umiling ako,"no, siya ang sumigaw hindi ako." Mahinahon kong saad. Nanginginig pa rin ang mga tuhod at mga kamay ko. Nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadyang kumawala.

Lumapit din si Kairon sa tabi ni Trixie Kaye. Nakatingin din siya sa akin pero may awa kang makikita sa kaniyang mga mata.

"Huwag ka nang mag-dahilan, Trixie. I know, you're into me." Walang emosyong sambit muli nito. Sasagot pa sana si Rico pero pinigilan ko muli.

Pero hahawak pa lang ako sa braso niya, bigla na lamang akong naduwal mula sa pagkakatayo.

Ang alam ko lang, lumapit si Kairon sa akin. Iyon ang huling naalala ko bago ako kainin ng dilim.

Huling Sandali Where stories live. Discover now