Chapter 13

136 8 13
                                    

After our chitchat, hinatid ako ni Kairon sa room. Ang sama na naman ng tingin sa akin ni Rose pero hindi ko nalang pinansin.

As usual wala pa si Rico. Mas mabagal pa sa akin kumilos 'yon eh.

Naisipan ko na lang na tawagan 'yung number kagabi. Si Chaz. I want to talk to him na.

I don't care what others say about him, about his attitude.

"Hello," his deep voice filled my ears. Parang ang aga pa para maihi ako.

"H-hi, Chaz."

"Ah, Trixie? Go to rooftop, I'm here." Saka nito pinatay ang tawag.

Agad naman akong tumayo at lakad takbong tinungo ang daan papuntang rooftop. Halos matalisod pa ako sa hagdan basta makarating lang sa rooftop agad.

Sinalubong ako ng matipunong likod niya, his back is so sexy that you can drool over him by just his back. Likod palang nakakapaglaway na.

Hinihingal akong lumapit sa tabi niya. Nakatanaw kami sa kabuuan ng eskwelahan. Kitang-kita namin ang lahat ng estudyanteng nasa ibaba. Kaniya-kaniyang grupo, may mag-jowa na magka-holding hands habang naglalakad. Sana ganoon din ako bago mag-end ang semester namin this year.

As time goes by, parang hindi lang kaibigan ang gusto ko kay Chaz. He's my ideal man, kaya hindi nila ako masisisi kung gusto ko siyang makasama o siya ang pinapangarap ko.

"Bakit ka tumakbo papunta dito? Hindi naman kita pinagmamadali," he seriously said without looking at me.  Nasa baba pa rin ang tingin niya.

Maaliwalas ang mukha niya ngayon. Hindi 'yung nakakunot ang noo, nakasalubong ang mga kilay, tumataas ang sulok ng labi. Just serious. Seryoso lang pero masasabi mong peaceful ang mukha niya ngayon. Hindi ka matatakot.

"Sabi mo, you want to talk with me personally, right? Ano 'yon?" Hindi ako nautal kasi feeling ko hindi siya nakakatakot ngayon. Siguro wala siyang problema ngayon.

Humarap siya sa akin. Muntik pa akong mapaatras dahil nagulat ako sa pagharap niya.

May sinusupil na ngiti ang kaniyang labi. Hindi halata pero napansin ko. He's happy now. Ano kayang nagpapasaya sa kaniya ngayon?

Hindi ko alam pero hindi ko talaga maintindihan ang ugali ni Chaz eversince. Pero, I'm rooting for him. Kasi alam kong bawat ugaling pinapakita niya ay may dahilan. Lahat naman ng pinapakita ng isang tao ay depende sa kung anong sitwasyon. Hindi niya lang siguro masabi o maipakita sa iba ang problema niya kasi he wants privacy. At hanga ako sa kaniya kasi kinakaya niya ang lahat.

"Yes." Huminga siya ng malalim saka may kinuha sa bulsa ng kaniyang pantalon.

That's my scarf. Noong pinuntahan ko siya sa court that time. Tinabig niya 'yung bottled water saka panyo na ibibigay ko sana sa kaniya pero hindi ko alam na kinuha niya pala.

"This is yours, right?" I smiled before nodding my head. Binuklat nito ang scarf saka pinasadahan ng kaniyang hinlalaking daliri iyong kabilang gilid ng scarf, sa part kung saan may naka-engrave na pangalan ko. "Saan mo ito nakuha?" He asked again.

Umiling ako, "nakita ko lang 'yan sa kwarto ko, I don't know kung saan galing. Iniisip ko baka bigay ng isa sa mga Kuya ko."

Kumunot ang noo niya, "may mga Kuya ka?"

I nodded again.

"What are their names?" Kunot na kunot ang noo nito. Ang kaninang peaceful na nakita ko sa mukha niya ay tila bulang nawala.

"Si Kuya Nate at Kuya Kobi, nakalaro mo na sila last time sa basketball. Si Kuya Cole naman, tumutulong na kila mom and dad." Pagkukwento ko pa. Kunot na din ang noo ko dahil hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isipan niya.

Ilang beses siyang tumango, pansin ko pa ang paghigpit ng hawak niya sa panyo ko. "Can I go with you later? After your class?"

Napakamot ako sa batok ko. Alam nila Kuya na may gusto ako rito kay Chaz. Pero nakakahiya kasi kung dadalhin ko siya sa bahay.

"Please,"

In the end, pumayag na lang ako dahil nagmamakaawa ang mga mata niya. Sa akin kasi wala namang problema, ang problema lang ay 'yung sa mga Kuya ko. Ayaw nga nilang kasama ko si Rico, si Chaz pa kaya?

Hinatid ako ni Chaz sa room namin. Pagpasok ko ulit sa room ay nandoon na si Rico, salubong ang mga kilay nitong nakatingin sa akin. Naiilang akong umupo sa upuan ko.

"Bakit ka niya hinatid, Trixie?" Seryosong sambit nito.

Nahihiya akong ngumiti sa kaniya, "nag-usap lang kami, Rica."

Umikot ang mga mata nito. Hayst, hindi siya nagsasawang paikutin ang mga mata niya.

"Sinabi ko na sa'yo, itigil mo na 'yang kahibangan mo kay Chaz. Hindi ka ba nadala na sinugod ka na ng nililigawan ni Chaz dito?" Panenermon nito sa akin. Wala nga si mommy sa bahay pero may Rico naman para sermonan ako. "And that is to remind you your past, Trix. I don't want you to get hurt again." He exclaimed.

Ayaw ko rin namang bumalik sa past ko at ayaw kong maalala 'yon. Pero anong magagawa ko? Nahuhulog na ata ako kay Chaz. Hindi ko na 'to mapipigilan.

"And I appreciated that... pero, I like Chaz so much, Rics."

He let out a heavy sigh, hinawakan ang pisngi ko para iharap sa kaniya. Malamlam ang mga matang nakatingin sa akin. "As much as possible, Trix. Distance yourself from him, he's not good influence to you. Lagi ka niyang sinasabihan ng masasakit na salita, at hindi pwede sa'yo 'yon. He's not worth it to like, Trix. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na layuan mo siya?" He seriously exclaimed at me.

I appreciated his concern for me.

I give him a faked smile, "but, he said sorry. Nag-sorry naman siya, Rics. Ang Diyos nga nagpapatawad, ako pa kaya na tao lang?" Inalis niya ang kaniyang kamay sa mukha ko saka muling binalik ang pansin sa harapan. Nandito na naman kami sa point na kailangan namin magtalo nang dahil kay Chaz. 

Gusto ko lang naman makasama 'yung taong gusto ko. Bakit ba nahihirapan silang intindihin 'yon? I just want to be with him. Nasaktan man ako sa sinabi sa akin ni Chaz sa mga oras na iyon pero alam kong lahat ng bagay may dahilan.

***

Malapit niyo na ulit kainisan si Chaz. LALO🤣
Sorry, spoiler HAHAHA.

Huling Sandali Where stories live. Discover now