Chapter 15

97 7 3
                                    

"Hi, Trix!" Kairon interrupted us in the garden. Kumunot ang noo nito nang mapabaling ang kaniyang tingin kay Chaz. "Oh, Pal? Ang aga mo ata ngayon? Wala naman tayong practice ah?"

Chaz just nods his head, "I just want to be with Trixie."

Pareho na ulit kaming nakaupo sa bench, magkaharap.

Hindi ko pa rin binago ang attire ko dito sa School. I like this outfit. Loose shirt at skirt na hanggang makalagpas ng tuhod. I also wore my glasses. My hair was in a messy bun.

I don't want to change myself just to be like by others. I can love my self. May sobra pa nga pero napunta na kay Chaz. Syempre meron din para sa pamilya ko.

"Why? Na-realize mo na dapat hindi mo siya pinagsalitaan ng mga masasakit na salita?" Kairon said while standing in front of Chaz. Hindi rin siya tiningnan ni Chaz.

"Don't start a fight with me, Montañez." Nagbabantang sagot ni Chaz na nagpataas sa mga balahibo ko.

"I'm not. I just want to know if you realize your mistakes. If ever you want me to distance myself to Trixie, I won't do it, 'Pal." His serious voice caught my attention. This is the first time I saw that kind of attitude. Parang pumantay na ang pagkaseryoso niya kay Chaz.

"I won't ask you to distance yourself to her," Chaz replied.

Nakakunot na ang noo ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

"What is really happening?" Tanong ko sa kanila. Masyado silang seryoso.

Haler! Nandito pa kaya ako.

"Nothing," sabay na saad ng dalawa.

"Did you already eat breakfast?" Tanong ni Chaz sa akin. Malamlam ang mga mata.

Umiling ako, "not yet."

Tumayo siya sa kaniyang upuan saka lumapit sa akin. Kinuha nito ang kamay ko saka iginiya patayo mula sa pagkakaupo sa bench.

Nilagpasan niya si Kairon, at dahil hila-hila ako ni Chaz hindi ko nagawang yayain si Kai. Ngumiti lang ako sa kaniya saka nagpahila ng tuluyan kay Chaz.

Pagdating namin sa cafeteria, hindi pa masyadong maraming tao. This is the first time na pumunta ako sa cafeteria. Ngayon kasi hindi ako nag-breakfast at wala din akong baong pagkain. Buti na lang nandito si Chaz.

Chaz guided me in one of the chairs bago siya dumiretso sa counter.

I smiled when I smell the aroma of adobo nang papalapit na si Chaz. May bitbit itong tray na naglalaman ng mga inorder niya. I think bagong luto pa ang mga pagkain. Since maaga pa kasi. Magliliwanag pa lang.

"Hey, I ordered your favorite." Sambit nito saka inilapag sa harap ko ang plato na may kanin at bowl na may lamang adobo.

I smiled with the thought that he knows one of my favorite pero...
"How did you know that this is my favorite?" Curiosity is all over my body.

Nagkibit-balikat lamang siya sa tanong ko, "kumain ka na, importante ang breakfast." Utos nito sa akin.

Nakangiti akong tumango sa kaniya saka nagsimulang kainin ang inorder niya para sa akin. He ordered fried chicken and that is his favorite. He loves chicken so much. Kahit anong luto.

"Trix, I'm very sorry for what I did to you or what I said to you. I can't lose Kaye at that time, I thought she is the one whom I looking for. I'm very sorry, Trix. I'll promise babawi ako, pumayag ka man o hindi." Malamlam nitong sambit sa akin. His voice is determined to do anything for me.

Hinawakan niya muli ang kamay kong nasa mesa, ang tanging namamagitan sa aming mga dalawa.

I looked into his eyes, nagsusumamo. Iyon ang nakikita kong emosyon ngayon sa kaniyang mga mata. Hindi ko man alam ang dahilan pero alam ko namang may panahon para malaman ang lahat at kakayanin kong tanggapin iyon kahit na masama ang nakaraan ko.

 I just know na may trauma ako and that cause na wala ako masyadong maalala sa past ko, lalong-lalo na ang pagkabata ko. I keep asking my brothers but they kept telling me na may tamang panahon. I agreed. Baka nga hindi ko kakayanin kapag nalaman ko iyon. Kasi hindi naman ako magkaka-trauma kung kaya ko diba? Pero sana hindi involve si Chaz o kahit na sino mang malapit ang puso ko.

I'm not that strong kasi, kaya natatakot ang family ko para sa akin. Madali ako mag-breakdown. Ayoko ng ganoong feeling. 'Yung nasasaktan ka pero wala kang magawa. I want to be strong to improve myself but I don't know what to do. Para saan pa? May kakapitan naman ako. Lalo na si Chaz.

I think, ako ang nagpalabas ng soft side niya. I know from the very start na hindi ganoon kasama ang ugali niya. Lagi ko siyang pinagtatanggol dahil alam kong hindi ganoon ang ugali niya.

"How about Trixie Kaye Mendoza, Chaz?" I asked him. Natatakot kasi ako sa gagawin sa akin ni Trixie Kaye Mendoza.

Buti na lang talaga pinatanggal ni Kuya Cole ang second name ko na 'Kaye' kaysa naman naging kapangalan ko pa si Mendoza na iyon.

Anghel lang ang mukha nun, pero demonyo ang ugali.

"What about her?" Kumunot ang noo nito, bahagya niya ring pinisil ang kamay ko na lalong nagpalakas sa tibok ng puso ko.

"Nililigawan mo siya diba?"

He let out a small smile on his lips, "you're jealous? Don't worry, I already stop courting her when I know that she's not the one I am looking for. I don't want to waste my time on those people who aren't important."

Nakangiti akong tumango sa kaniya.
"Cool! Then promise me, you won't meet her again."

Gusto ko kapag ako na, ako lang talaga.

Ang kaninang maliit na ngiti ay lumawak and I like this Chaz even more, the Chaz whom in front of me, held my hand, and smiling ear to ear.

Hindi ko na ata mapipigilan pa ang puso kong mahalin siya. I think I am already falling in love with him. I don't think I can stop this feeling. Hindi ko na ata kayang mawala pa siya sa tabi ko lalo na ngayong napansin niya na ako.

Huling Sandali Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon