Chapter 19

34 1 1
                                    

"Ano, nag-review ka ba?" Bungad sa akin ni Rico nang makapasok ako sa room. Hindi rin kami nagkita sa garden ni Chaz kasi iba raw ang schedule nila ngayon. Mamaya pa ang pasok niya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Yep! Nireview ako ni Chaz."

Umirap ito sa akin. "Jusko, Chaz na naman..."

This is the day! Finals na namin sa pangalawang semester at sana maisalba ko ulit gaya last year. Hindi naman ako naghahangad ng pang dean lister na grade, ang mahalaga lang sa akin ay makapasa dahil 'yon lang naman ang kondisyon sa akin nila Kuya at nila Mommy.

Natapos kami at sa Monday na raw namin malalaman ang result. Nahirapan ako pero sigurado rin naman ako sa sagot ko.

Palabas na kami sa classroom nang makita namin si Kairon na nakasandal sa pader habang ang mga kamay ay nasa bulsa.

"Hi! Maglalunch na kayo?" Tanong nito na sa akin nakatingin.

"Oo sana, Kai. Sasabay ka ba?" Sambit ko na kinangiti naman niya.

"Yeah... pwede ba?"

Sabay-sabay kaming naglakad na tatlo papunta sa canteen. Si Rose ay masama na naman ang tingin sa akin.

"Nasaan pala si Chaz, Kai? Hindi ko pa siya nakikita eh." Tanong ko habang naglalakad.

He sighed. "May inaasikaso raw. Ang sabi niya ay hintayin mo siya mamayang uwian niyo... sasamahan ka raw niya. Saan ba ang punta niyo?"

I smiled. "Kukunin lang iyong gown para sa debut ko sa botique."

Tumango siya at nag-presenta na siya na ang mag-oorder ng makakain namin. Naghanap naman kami ng mauupuan at sa kasamaang palad ay katabi iyon ng table nila Rose.

"Kapag talaga ang malalandi kapag kumati ay hindi mo na mapipigilan pa..." may kalakasang sambit ni Rose na tila may pinaparinggan. Napatingin ako roon at nakatingin nga sila sa akin.

Tumingin ako kay Rico nang tumikhim ito. "Are you referring to yourself, Matigalgal? Alam naman ng lahat na pokpok ka."

Tumayo si Rose mula sa inuupuan niya at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko na ang hawak nitong juice ay binuhos niya sa ulo ko. Napatayo ako dahil sa lamig!

"What the hell are you doing?!" Pumalinlang sa canteen ang boses ni Kairon. Nang lingunin ko ito ay madilim ang mukha nito habang bitbit ang tray na may lamang pagkain.

"Wala naman, Kai. Baka sakaling matanggal ang kati niyan sa katawan kung sakaling mabuhusan ng juice!" Nakangising sagot nito. Nahihibang na siya!

"You're so immature, Matigalgal!" Inis na turan ni Rico. "Hindi ka lang kasi magustuhan ng gusto mo! Dahil kahit magparetoke ka ay hinding-hindi ka nila magugustuhan! Paano ba kasi... ang pangit na nga ng mukha mo ang pangit pa ng ugali mo!"

"May extra shirt ako sa locker... tara.." bulong sa akin ni Kairon saka ako nito inalalayan palabas ng canteen. Tinanguan na lamang niya si Rico na naiwan doon. Nilapag na rin ni Kairon ang tray na sa ay table namin.

We went to his locker. Iyon yung pinupuntahan nila after their game.

"Malaki lang 'to, Trixie. Pero kung ayaw mo, ihahatid na lang kita sa inyo... so you can change your clothes." Aniya.

I smiled. "It's okay, Kai... okay naman ang ganito." Sabi ko saka inabot ang t-shirt niya.

Sinamahan niya rin ako sa cr, hinintay niya lang ako sa labas hanggang sa matapos akong magpalit.

"May exam pa ba kayo, mamaya?" Tanong nito nang naglalakad na kami pabalik ng canteen. Hindi pa kasi kami kumakain. Ang suot kong t-shirt niya ay tinuck-in ko sa palda ko.

"Isa na lang, Kai..." sagot ko. "Lalabhan ko nalang itong damit mo bago ibalik sa'yo..." he just nodded.

Nang makabalik kami sa canteen ay wala na masyadong tao dahil karamihan ay nakakain na. Andon pa rin si Rico na hinihintay kami. Wala ng pagkain sa mesa.

Nakangisi ito nang makarating kami. "Sorry, Kai. Nagutom ako... naubos ko 'yung binili mo."

"Okay lang, Rica." Nakangiting sagot nito.

Tila kinilig naman ang kaibigan ko. Eh Rica ba naman ang tinawag sa kaniya... kahit ako ay hindi sanay na tatawagin siyang ganoon.

"Ako na ang mag-oorder para sa inyo, beshie..." suhestiyon nito. At ilang linggo na rin ako nito hindi tinatawag na beshie. Siguro ay masaya lang siya ngayon dahil kay Kai.

"Should I go with you, later?" Ani Kairon habang hinihintay naming makabalik si Rico.

"Saan?"

"Sa botique... okay lang ba?"

"Oo naman... ang kaso nakapagsabi na rin ako kay Chaz."

"Pwede mo naman kaming isamang dalawa."

Tumango ako bilang tugon.

Nang matapos kumain ay hinatid ako ni Kai. Isa nalang din ang exam namin and after we can go home.

After our exam, Kai and I decided to wait Chaz on the parking lot. Nauna na sa amin si Rico dahil inaantok na raw siya. Nagpuyat daw kasi siya kagabi para mag-review. Maingay din kasi sa bahay nila dahil marami siyang kapatid.

Mag-aalas tres na ng hapon nang tingnan ko ang cellphone ko. I already texted Chaz but he didn't reply. Magkaiba kasi sila ng course ni Kairon kaya hindi rin sila sabay ng Schedule. Ang pagkakaalam ko ay Educ ang kinukuha ni Kai. Si Justin at Vester lang ang kasama ni Chaz sa Architecture. Magkaka-team lang sila sa basketball pero magkakaiba sila ng kursong kinukuha. Excuse naman sila kapag may laro sila. Si Skye naman, misteryoso masyado 'yon kaya hindi ko pa alam kung anong course siya nabibilang...

"Let's go, Trix." Yaya ni Kai sa akin.

"Ha? Wala pa si Chaz."

He sighed. "He texted me... ang sabi niya ay hindi ka niya masasamahan dahil may importante raw siyang gagawin."

"Ha? Pero..."

Nakapagreply siya kay Kairon pero sa akin hindi? Sana sinabihan niya ako agad nang hindi ako naghintay ng matagal.

"Tara na," ulit nito.

Binuksan nito ang pinto sa passenger seat kaya pumasok na lamang ako. I waited for so long but he didn't show up. Ano nga bang aasahan ko sa'yo, Chaz? Ang akala ko ayos lang.

We bought the gown from the botique at parang lantang gulay lang akong sumusunod kay Kairon na siyang umiikot pa sa mga jewelry store.

"Trix?" Agaw nito sa atensiyon ko. Lumapit naman ako sa kaniya na kasalukuyang nakatingin sa mga jewelries. "Alin kaya ang maganda rito?"

Pinagmasdan ko ang mga kwintas. I'm not a fan of jewelries kaya basta nalang ako nagture. I pointed the silver necklace with a pendant of a moon. Siguro ay may pagbibigyan si Kairon na importante sa kaniya. Maganda naman iyon pero kahit anong pilit ko sa sarili hindi talaga ako mahilig sa jewelries. I prefer clothes.

"Thank you sa pagsama sa akin, Kai..." pagpapasalamat ko nang nasa gate na kami ng bahay namin.

"Anytime, Trix," aniya. "Paano ba 'yan? Una na ako."

I just nodded and waved my hand at him.

Nang makarating sa kwarto ay para akong pagod na pagod at tila ba ang bigat ng puso ko.

Papunta na sana ako sa closet ng marinig kong tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

"Where the hell are you? Ang sabi ko ay hintayin mo ako!" May diing sambit nito mula sa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko... "pero... ang sabi ni Kairon ay hindi ka makakapunta?"

Narinig ko ang pagmumura nito. "Damn you, Montañez!"

Huling Sandali Onde histórias criam vida. Descubra agora