Chapter 15

4.7K 303 10
                                    

# CHAPTER15

Nakabalik na kami sa Palasyo ng mga Albelin. Oras na para makapagpahinga dahil maya-maya din ay maghahanda na kami para sa magiging selebrasyon ng kaarawan ng tagapagmana ng korona at trono ng mga Albelin, si Prinsipe Dilston. Gaganapin daw 'yon mamayang gabi. By the way, simula noong dumating kami dito ay hindi ko pa siya naeencounter. Isang beses ko lang siya nakita which noong binyag ko. After n'on, wala na. Kahit ang pagsalubong sa amin ay wala siya. Tanging ang Emperatris lang ng Oloisean lang ang sumalubong sa amin pagdating. Siguro naman sa mismong kaarawan niya ay magpapakita na siya. Huwag siyang tumulad sa prinsipe ng Thilawiel na pa-mysterious effect.

May lakas pa naman ako kaya naisipan kong maggagala muna. Sa mga oras na ito ay inihanda na ni Nesta ang damit at mga alahas na gagamitin ko mamaya sa kasiyahan. Excited akong pumunta sa silid kung nasaan si Prinsipe Calevi para ayain at samahan niya akong mamasyal. Mabuti nalang ay pinaunlakan niya ako. Tamang-tama din na siya lang ang mag-isa sa silid at wala ang mga kapatid ko. Kapag nagkataon na naroon din ang kapatid ko, tiyak hindi sila papayag na ang makakasama ko lang ay ang prinsipe.

"Saan pala tayo pupunta, Prinsesa Rini?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami sa pasilyo.

Tumigil ako saglit. Tumigil din siya sa paglalakad. Idinikit ko ang aking hintuturong daliri sa aking baba saka tumingala. Nag-iisip. Biglang may sumagi sa aking isipan na dahilan upang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Tumingin ako sa kaniya. "May naisip akong dalawin, Prinsipe Calevi." sabay hawak ko sa kaniyang kamay at malakas ko siyang hinatak kung saan. Akala mo ay hindi na ako makapaghintay para bukas!

Malakas kong binuksan isa-isa ang mga silid pero wala ang hinahanap ko. Napakamot ako ng ulo. Nagtatakang tumingin sa akin si Prinsipe Calevi. "Ano ang hinahanap mo?" hindi niya mapigilang magtanong.

Nagpameywang akong tumingin sa kaniya. "Dalawang bata, parehong itim ang kanilang mga buhok. Sa tingin ko, kasing edad lang natin ang mga 'yon." pagdescribe ko. "Masyadong malawak ang Palasyo, mukhang imposible natin sila mahanap sa maiksing oras lang."

"D-dalawang bata? Itim ang mga buhok? M-mga multo?" umukit sa mukha niya ang pagkatakot.

Kumunot ang aking noo. Tinititigan ko ang natatakot na prinsipe sa harap ko. Nang may napagtanto ako ay iwinagayway ko ang aking kamay sa ere. "Ah, hindi sila mga multo. Mga bata talaga sila. Sa katunayan ay mga prinsipe at prinsesa sila."

Natigilan siya sa naging pahayag ko. "Prinsipe? Prinsesa?" ulit pa niya na hindi makapaniwala.

Tumango ako. "Kaya hinahanap ko sila dahil nakausap ko sila kagabi. Nasabi nila sa akin na dalawang araw na daw silang walang kain. Binigay ko sa kanila ang natirang lollipop na gawa ko. Hindi ko maitanggi na nag-aalala ako para sa kanila." pagkukwento ko.

Kumurap-kurap siya. "Prinsipe? Prinsesa?" ulit niya. "Pero ang alam ko, ang nag-iisang anak lang ng Emperador ng Oloisean. Iyon ay si Prinsipe Dilston. Ngayon ko lang nalaman na may iba pa palang prinsipe at prinsesa." wika niya.

Muli akong tumango. "Iyon din ang sabi sa akin ni Papa nang banggitin ko sa kaniya 'yon, nagulat din siya." lumabi ako. "Kailangan ko sila makita bago tayo bumalik ng Cyan sa mga susunod na araw."

"Ano pala ang sadya mo sa kanila?"

"Gusto ko sila makilala pa. Gusto ko rin sila bigyan ng pagkain." ngumiti ako.

Muli ko hinawakan ang kaniyang kamay saka hinila para ipagpatuloy ang paghahanap sa kanila. Paliko na sana kami nang bigla kaming may nabangga. Napaatras kami ni Prinsipe Calevi, muntik pa akong matumba dahil sa impact! Tumingin ako kung sino ang nabangga namin. Matik na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na naman ang binatilyo na pula ang buhok!

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz