Chapter 39

2.5K 200 9
                                    

#CHAPTER39

Tahimik akong nakaupo sa sofa. Nanatili lang nasa kandungan ang aking mga palad ko. Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong silid---Sa Opisina! Naririto din sina Vencel, Raegan, Eomund, Cederic... At Ceola. Nagnanakaw ako ng sulyap sa kanila. Simula kasi nang gabing 'yon ay nalaman ko na nagawang suklian ni Ceola ang pag-ibig na inaalay ni Cederic para sa kaniya. Masaya ako para sa kanila, sobrang saya. Dahil makikita ko kung gaano kasaya si Cederic, dahil d'yan ay hindi na siya nakapaghintay na ibalita sa mga Eryndor ang balita tungkol sa relasyon nila. Ngayon, ang problema lang tungkol sa kanila ay papasok na sila ng long distance relationship. Kinakailangan ni Coela na pumunta sa Ibilania para magturo. Si Cederic naman ay kinakailangan siya dito sa Palasyo dahil hindi siya maaaring maging residente ng Ibilania dahil isa siya sa mga prinsipe ng Cyan. Medyo mahirap ang kanilang sitwasyon ngayon. Medyo hindi ko lang inaasahan ito.

Nabasag ang katahimikan nang biglang tumikhim si Raegan. "Ano ang magiging plano ninyo kung ganoon?" pormal niyang tanong sa couple na nasa harap namin ngayon.

Hindi sila agad makasagot. Sumulyap ako kay Vencel na ngayon ay nakadekuwarto, abala sa iniinom niyang tsaa. Akala mo ay hindi siya interisado sa usapin na ito pero nakikinig lang siya. Gusto niya din marinig kung ano ang magiging desisyon ng dalawa Binawi ko ang aking tingin, tumingin ako kina Cederic at Ceola. Kahit ako na may kinalaman at nagtulak sa kanila, ay wala akong maisip na paraan.

"Mahirap man para sa akin na bitawan siya, pero mas masaya ako kung susundin din niya kung ano ang pinapangarap niya, ang isa sa mga pinakamagaling na salamangkero, mga kamahalan." seryosong tugon ni Cederic sa amin.

"Pero gusto mo din maging magaling na kabalyero ng Cyan, tama?" si Eomund, may hawak din siyang tasa. Humigop siya ng kaunti doon.

Tahimik pero malungkot na tumango si Cederic. Napangiwi ako. Ano ba 'yan, Rini! Masyado ka kasing nanghihimasok sa love life ng dalawa, now, face the consequence! Kasalanan mo ito!

Napaitlag kami nang rinig namin ang tunog tasa mula kay Vencel. Tahimik siya nang inilapag niya ito sa mababang mesa. Sumandal siya sa sofa. Dahil nakadekuwatro pa siya ng upo, ipinatong niya ang mga palad niya sa isa niyang tuhod. Seryoso siyang tumingin sa amin. Napalunok ako. Ramdam ko din ang pananayo ng mga balahibo ko. Iba talaga ang awra niya kapag ganito siya kaseryoso.

"Hindi ko kayo pipigilan kung nagmamahalan talaga kayo. Pero..." kumento niya. Nakatitig kami sa kaniya. Inaabangan namin ang susunod niyang sasabihin. "Kailangan, isa man sa inyo ay magsasakripisyo." sa

Natigilan kami sa sinabi niya. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Alam ko na alam mo ang batas, Cederic." dagdag pa niya. "Sa oras na susunod ka sa Ibilania, kinakailangan mong bumitaw sa posisyon mo bilang isa sa mga Prinsipe at hahatulan ka ng pagpapalayas sa Cyan at maninirahan ka doon nang payapa kasama si Binibining Ceola o bibitawan ni Binibining Ceola ang alok ng Ibilania upang magturo."

Bumaling ulit ako kina Cederic at Ceola. Kita ko kung papaano humigpit ang pagkahawak niya sa kamay ni Ceola na akala mo ay natatakot siyang iwan nito. Masyadong mahirap. Masyadong mabigat para mamili. Alam ko na nais maging magaling na kabalyero ni Cederic at paglingkuran ang Cyan, his motherland. Si Ceola naman ay mas gusto niyang maging pinakamagaling na salamangkera at mas makikilala pa siya sa buong mundo. Sunod ko naman binalingan ang mga kapatid ko at si Vencel. Nakatitig din sila sa dalawa. Tulad ko, inaabangan nila kung ano ang magiging desisyon nila para sa kanilang relasyon.

"Kailangan ninyo nang magdesisyon bago ka bumalik sa Ibilania ang Binibining Ceola." muling saad ni Vencel.

"K-kamahalan..." nanginginig ang boses ni Ceola. Hind niya magawang dugtungan ang kaniyang sasabihin. Pumikit siya nang mariin.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon