Chapter 115

1.1K 90 41
                                    


Marahan kong itiniklop ang hawak kong libro. Napukaw ng aking atensyon ng aking katabi, si Ginoong Otis. Tulad ko, nagbabasa din siya ng libro na isinalin ko sa lengguwahe na alam ko. 'Yong hindi lang salita ng Jian Yu ang kaya kong basahin at isulat. Hindi ko alam pero limang lengguwahe ang alam kong bigkasin, kasama na doon ang Jian Yu. Kaya madali rin para sa akin na makausap si Ginoong Otis. Siguro ay nagtataka siya kung bakit nagagawa kong magsalita ng salita na tila kaming dalawa lang ang maaaring makakaitindi. Hindi bale, ang importante lang sa akin ngayon ay nagkakaitindihan kaming dalawa. Na mas maganda ang komunikasyon sa pagitan namin. 

Napukaw din ng aming atensyon sa pinto nang marinig ko ang boses ni Ju Fen sa labas ng sikretong silid na 'to. Ayos lang naman kung kaming tatlo lang ang nakakaalam ng silid na 'to. Dagdag pa na kailangan ko ang tulong nI Ju Fen upang alalayan ang lihim kong bisita.

Dahan-dahan at tila maingat na binuksan ang pinto ng silid. Tumambad sa amin si Ju Fen na talagang sumisilip pa, tinitingnan niya kung makakaistorbo ba siya sa aming dalawa kahit wala kaming ginagawa, maliban lang sa pagbabasa ni Ginoong Otis ng mga nobela, habang ako naman ay nag-aaral ng mga dapat ko pang pag-aralan.

"Tuloy ka, Ju Fen." malumanay kong utos.

Agad niyang sinunod 'yon. Nagbigay-pugay siya sa harap namin. "Kamahalang Imperyal, ipinapatawag po kayo ng mahal na emperador. Nais ka daw po niyang makasabay sa pagkain." magalang niyang sambit.

Bago man ako sumagot ay nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. "Pakisabi hindi ko muna matatanggap ang paanyaya niya ngayong tanghali, sabihin mo ay abala ako sa pag-aasikaso at pag-aaral sa mga dokyumento. Imbis, mamayang hapunan ko nalang siya kikitain, Ju Fen." mahinahon kong sagot.

"M-masusunod po, mahal na emperatris!" aligaga siyang lumabas sa silid na 'to.

Gulat na bumaling sa akin si Ginoong Otis. "Isa kang emperatris?" hindi makapaniwala niyang tanong.  "Bakit tila walang nakarating sa akin na balita na ikinasal na pala ang emperador?"

Kusa akong ngumiwi. "Emperatris lang ako sa papel, pero sa puso't diwa ko, isa akong malayang babae, Ginoo." kaswal kong pahayag. Inaayos ko na din ang mga nakarolyong papel sa aking harap. Isinantabi ko muna ang mga 'yon. "At saka, nangako ako sa 'yo na sabay tayong manananghalian, hindi ba?"

Hindi pa rin mabura ang pagkagulat sa kaniyang mga mata. "O-oo, pero..."

Ngumiti ako. "At ayoko munang kumain dito sa Palasyo. Naisip ko kung ano kaya kung subukan nating kumain sa labas? Sa bayan? Nasisiguro kong magugustuhan mo ang mga pagkain sa lugar na 'to. Gusto kong makita at maranasan kung papaano mo gamitin ang mahika na sinasabi mo."

Pakura-kurap siyang tumingin sa akin. "Subalit..."

"Sandali," pigil ko sa kaniya. Mabilis akong tumayo saka nilapitan ang isa sa mga ataul. May isang bagay akong inilabas doon saka humarap ako sa kaniya upang ipakita 'yon. Isang kapa na may balabal. Maaari niyang itago ang pagkakilalan niya sa pamamagitan nito. Tingin ko din ay hindi siya makikilala agad bilang isang dayuhan. Nilapitan ko siya. Mas inilapit ko pa ang sarili ko sa kaniya. Ramdam ko na medyo nawindang siya sa ikinilos ko. Napaatras siya nang kaunti. Nagtama ang aming mga mata.

Ako naman ang natigilan. Heto na naman, bakit ganito na naman ang nararamdaman ko? Bakit nagwawala na naman ang puso ko? Ang malala pa, bakit halos hindi na naman ako makahinga sa tuwing nasisilayan ko ang kulay berder at mala-mamahaling na hiyas niyang mga mata? Hindi siguro normal ito, kailangan ko na yata magpatingin sa manggagamot ng Palasyo kapag may oras ako.

"Binibining Rei?" rinig ko ang pagtatakang tawag niya sa akin.

Tila nanumbalik ang aking ulirat nang marinig ko ang kaniyang boses. "A-ah. Paumahin." saka minadali kong isinuot sa kaniya ang balabal. Muli na naman ako nagtigilan nang napagtanto ko na masyado na pala akong malapit sa kaniya. Pareho kaming natigilan nang nagtama ang aming mga mata.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now