Chapter 56

2.1K 152 3
                                    

Malalim na ang gabi ay nagambala ang mga tao sa loob ng Palasyo. Dumadagundong ang tunog mula sa mga suot na baluti ng mga kawal na mismong inutusan ni Emperador Audrick. Nagmartsa ang mga ito patungo sa silid ng tagapagsilbi. Walang sabi na tinadyakan nila nang malakas ang pinto na dahilan upang magkagulo ang mga tao sa silid. Dahil sa gulat ng mga babaeng tagapagsilbi ay agad nila tinakpan ang kanilang mga katawan ng kumot, napasapo sa kanilang mga bibig at nanlalaki ang mga mata. Ang iba din sa kanila ay nagising at hindi iniinda ang nawawalan sila ng ulirat.

Nagtitili ang mga kababaihan. Walang pakialam ang mga kawal kungdi iinisa-isa nila tingnan ang mukha ng mga tagapagsilbi na nambastos sa nag-iisang prinsesa ng Cyan. Kahit ang punong-mayordoma na naghatid kay Rini na ihatid sa magiging pansamantalang silid nito ay agad din nila hinahanap.

"Anong ibig sabihin nito?!" malakas na tanong ng punung-mayordoma sa mga kawal. "Anong ginawa naming kasalanan?!"

"Ipinag-uutos mismo ng mahal na emperador na dakpin kayo dahil sa mabigat na kasalanan na ginawa ninyo---'yon ay nagawa ninyong bastusin at insultuhin ang nag-iisang prinsesa ng Cyan!" malakas na sagot sa kaniya ng kawal.

Napasinghap ang limang tagapagsilbi na binanggit ng mayordomo na nag-ulat sa mga Cairon. Sa kanilang narinig ay namutla sila dahil sa nararamdamang takot at kaba. Hindi nila akalain na dadating na pala ang oras na kinakatakutan nila. Punung-puno ng pagsisisi sa kanilang mga mukha. Wala na rin silang lakas ng loob upang manlaban pa sapagkat, totoo nga na may kasalanan sila, lalo na ang punung-mayordoma. Siya ang unang nagpakita ng pambabastos at pang-iinsulto sa bunsong anak ng mga Eryndor.

Nagsi-iyakan na ang mga tagapagsilbi na nakasama niya sa paghahatid sa prinsesa na mapapangasawa ng kanilang unang prinsipe---ang susunod na magiging Emperador ng Thilawiel balang araw. Mariin siyang pumikit habang tinatali na ng mga kawal ang kanilang mga kamay. Kasabay na mas bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Nagwawala na ang kaniyang sistema. Labis ang kanilang pagsisisi sa napakalaking kasalanan na kaniyang ginawa. Dahil din sa kaniya ay nadamay ang apat na tagapasilbi.

Marahas hinila ng mga kawal ang tali. Halos masubsob sila. Kahit nasa labas na sila ng silid ng mga tagapagsilbi ay rinig pa rin nila ang malalakas na iyakan mula sa silid na kanilang pinanggalingan.

"Binibining Faila..." nagsusumao na tawag sa kaniya ng mga kasamahan.

"P-Patawarin ninyo ako..." hindi na rin niya mapigilan ang sarili niyang maiyak.

"Bilisan ninyo!" malakas na utos sa kanila ng kawal. Hindi pa nakuntento ang mga ito, nagawa pa siyang tadyakan kaya napasubsob siya sa lupa.

"Binibining Faila!" naiiyak na tawag sa kaniya ng iba pa niyang kasama na agad din siyang dinaluhan upang tulungan na makatayo.

"Huwag babagal-bagal at naghihintay ang mahal na Emperador!" sunod na sigaw ng isa pa sa mga kawal.

Kinagat niya ang kaniyang labi. Nagpakawala siya ng hakbang at umusad ulit sila. Ilang beses pa ulit sila pwersahan na kinakaladkad, ilang beses na din sila napapasubsob sa lupa hanggang sa madumihan na ang kanilang suot na damit pampatulog. Walang tigil ang pagtangis nila habang pinagmamalupitan sila ng mga kawal.

Ilang saglit pa ay napadpad sila sa madilim na silid. Pinabihis sila ng puti at manipis na tela tulad ng iniutos ng emperador. Nang matapos ay muli na naman sila pinalabas. Ramdam nila na naunuyo na ang kanilang mga luha sa kanilang mukha Lalo na ang kanilang mga lalamunan dahil sa tagal ng kanilang pag-iyak.

Dinala sila sa lugar na pagpaparusa. Walang sabi na para silang basura kung hinagis sa lupa. Dahil madilim dito, tanging nakasinding mga sulo (fire torch) ang nagsisilbing ilaw sa paligid. Napatingala sila. Tumambad sa kanila ang mahal nilang emperador. Mababa ang tingin nito sa kanila. Nakaukit sa mukha nito ang galit na isa sa mga kinakatakutan nila. Prente ito nakaupo habang nakahalukipkip. Hindi lang siya ang naririto. Gayundin ang mga prinsipe ng bansang ito. Napapalibutan din sila ng mga tao sa paligid, bilang saksi sa kanilang krimen na kanilang ginawa. Wala pa man ang pagpaparusa ay binigyan na sila ng mga matang mapanghusga.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now