Chapter 33

2.8K 200 5
                                    


"Otis..."

Siya naman ang naglapit ng mukha sa akin. "May gusto ka bang ipagawa sa akin? Anong gusto mong parusa na ibibigay ko sa kaniya?"

Ngumiwi ako. "Alam ko namang hindi magagawa ni Calevi ang bagay na 'yon...." bumaling ako kay Calevi. Nagpatingkayad ako na nakaupo. Mula sa pagkadapa niya, pinahiga ko siya sa lupa kaya umatras nang kaunti si Otis. "Anong demonyo ang natagpuan niya?"

"Mabangis na sirena." seryoso niyang tugon. "Napaslang ko na ito kaya nagawa kong iligtas ang Prinsipe ng Severassi."

Tumingin ako kay Otis. Ibig sabihin, wala nang top five na malalakas na demonyo. Apat ang napatay namin, kabilang na ang banshee. Si Otis naman ay natalo niya ang mabangis na sirena. "Kuya," tawag ko kay Cederic.

"Rini,"

Tumayo ako saka humarap sa kaniya. "Kailangan na natin sila mahanap."

Seryoso siyang tumango.

"Huh? Anong hahanapin, Rini?" biglang sumingit si Otis. Oo nga pala, hindi niya pa pala alam tungkol dito.

Bago ko siya sinagot ay nag-isip ako. Bumaba ang tingin ko sa lupa. Kailangan ko mag-isip ng magandang desisyon. Dalawang mailap na halimaw na kasing lakas ng mga demonyo, na katapat ng puntos ng mga pinakamamalakas na demonyo sa isla na ito. Ilang oras na lang ang nalalabi, kinakailangan ay  mapaslang namin ang mga ito. Mas maganda kung sabay namin itong hanapin at talunin. Sa tingin ko, hindi kakayanin kung kaming lima lang. Hindi rin pantay kung tatlo kami sa isang halimaw o dalawa naman sa isa. Hindi maitanggi na malakas si Otis, hindi siya tatanghalin na magiging prinsipe na tagapagmana at ang titulo niya na mananakop na prinsipe sa wala. Bukod pa doon, pumapangalawa pa ang Thilawiel sa pinakamalakas na Imperyo dahil din sa mga malalaking kontribusyon niya. Tumalim ang tingin ko kay Otis habang patuloy ako nag-iisip. Napaitlag siya sa ginawa ko.

"May ginawa ba akong masama?" inosenteng tanong niya kay Cederic nang balingan niya ito.

"Wala akong nakikitang may ginawa kang masama. Sadyang ganyan lamang si Rini kapag malalim ang iniisip." blangkong ekspresyon sa mukha niya nang sagutin niya ito.

"Haaa...." anas ko. Tuluyan akong bumaling sa kanila. "Sa oras na ito, wala na akong magagawa pa."

"Anong ibig mong sabihin, Rini?" tanong ni Cederic. "Susukuan nalang ba natin ang mga 'yon? Pero..."

"Nagkakamali ka ng iniisip, kuya Cederic." mabilis kong sambit.

Natigilan siya. Medyo nawindang siya sa aking isinagot. Itinikom niya ang kaniyang bibig, tumingin siya nang diretso sa aking mga mata. Mataimtim siyang makikinig sa anuman ang sasabihin ko.

"Mukhang wala na tayong magagawa kungdi humingi na ng tulong mula sa kakompetensya, kuya." wika ko. "Dagdag puwersa upang tuluyan natin matalo ang dalawa na 'yon. Dahil iba ang pakiramdam ko sa mga ito."

Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Otis, nababasa ko na punung-puno ng katanungan ang kaniyang mukha.

"Otis," seryosong tawag ko sa kaniya. Halos matalon siya sa gulat nang marinig niya ang seryoso kong boses. Tumingin siya sa akin. Tulad ni Cederic, nag-aabang siya ng susunod kong sasabihin. Medyo kinuyom ko ang aking kamao, hindi ako nag-aalangan sa kakayahan niya, given na malakas siya but I need to take some risk this time. I need to swallow my pride as a citizen of Cyan. Kung patuloy kong gagawin 'yon, mababalewala lang ang mga pinaghirapan namin. Sa oras na haharapin namin ang dalawa pang halimaw, tiyak hindi lang kami matutulad sa grupo nina Dilston at Calevi, kungdi ang kinakatakutan ni Vencel. "Kailangan ko ang tulong mo."

Muli siyang natigilan sa sinabi ko. Umawang nang kaunti ang kaniyang bibig. Unti-unti ang nagliwanag ang mukha niya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa harap ko. Humakbang siya palapit sa akin inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Sa ganitong posisyon ay tila pinag-aralan niya ang aking ekspresyon. Subalit hindi ako nagpatinag. "Anong klaseng tulong ba ang hinihingi ng aking prinsesa?" he said softly.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now