🥀 Chapter 28

4K 245 31
                                    


Agad ko dinaluhan sina Vencel pati ang mga kapatid ko pagkatapos kong kitain ang tatlong prinsipe. Nakabuntot naman sa akin sina Ceola, Caldwell at Houstin. Talagang pinanindigan nila mga kawani ko o kateammate sila. Kakarating lang namin sa isa sa mga isla na parte ng Kaharian na tinatawag na Loray. Ayon sa nasagap kong impormasyon, dito daw madalas idinadaos ang pyesta ng pangangaso ilang taon nang nagdaan, hindi lang dahil naririto ang mga halimaw. Ito lang ang alam nilang isolated area. Meron din dalawang katabi na isla. Ang una, kung saan ang hunt lodge: kung saan manananatili o hindi kaya matutulog ang mga kalahok sa malaking paligsahan na ito dahil mangyayari sa event sa loob ng tatlong araw. Ang pangalawa naman ay kung nasaan ang mga manonood mula pa sa iba't ibang bansa o imperyo para i-cheer nila ang mga kababayan nila. Ang pangatlong isla naman ay nagsisilbing buong kagubatan. Dito idadaos ang paligsahan. Meron ding mga Travern at Inn sa pangalawang isla kung nasaan kami ngayon kaya maaari silang manatili doon hanggang sa magtapos ng pagdiriwang, syempre, sponsored 'yon ng bawat Imperial family ng kanilang bansa kasama na din sa amin. Wow, hindi ko lang maimagine kung gaano pala kayaman ang Cyan.

Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nagkalat dito ang mga kalahok mula sa iba't ibang bansa. Itinatak ko sa aking isipan ang mga mukha nila bawat isa.

"Rini," rinig kong tawag sa akin ni Cederic. Palapit siya sa akin, mayroon siyang dala na papel. "Nakakuha ko ng marami pang impormasyon para sa pangangaso." saka inabot niya 'yon sa akin.

Tinanggap ko 'yon saka binasa ko ang nilalaman. I touched my chin while reading the contents. Naniningkit ang mga mata ko nang mabasa at makita ko ang mga halimaw na dapat namin mahuli o mapátay. Bawat isa sa kanila ay may halaga o puntos. Hindi ko lang inaasahan na mas mababa pala ang puntos sa mundong ito kaysa sa dating mundo ko. Sa paligsahan sa mundong ito, kapag makakapatay kami ng mga small mythical creatures tulad ng dire wolf, corocotta, gremlin o snotlings, tatlong puntos lang ang katumbas nila bawat isa. Kapag medium-type mythical creatures, mga sampung puntos. If large creatures, it equivalent for fifty points. Agad ko hinahanap kung may boss type ba. Wala akong nakita, imbis ay demon-type ang nababasa ko. Laglag ang panga ko nang mabasa ko na malaki pala ang katumbas na nila. One thousand points?!

Oh, I just realized. Hindi kaya dahil ang mga kasali ay may mga kapangyarihan o may mga mana para makalikha ng magic offense and defense ? Good thing, may mage sa grupo namin. Malaking advantage sa amin ito. Hindi lang si Ceola, lahat kami ay may mana kaya makakaya naming tumagal. Pero bumabagabag lang sa akin ay bakit mga demon-type lang ang may malalaki ang puntos?

Ipinasa ko sa mga kasamahan namin ang papel. Ipinabasa ko din sa kanila ito para may ideya sila sa gayon ay hind kami malilito o hindi kaya mahihirapan kung may maeencounter man kami sa kanila kung sakali. Ipinaliwanag din nina Ceola at Caldwell kay Houstin kung ano pa ang mga dapat niyang malaman. Habang ginagawa nila 'yon ay bumaling ako Cederic na nanahimik. Oh no, don't tell me na ngayon ka pa aatras kung kailan naririto na tayo?

"Kuya?" nag-aalalang tawag ko sa kaniya. Tagumpay kong napukaw ang kaniyang atensyon. "Narito ako, kuya." ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. "Isipin mo nalang kuya, para sa pabuya na hukbo na ibibigay ni papa itong ginagawa natin."

Sa sinabi kong 'yon ay tila natauhan siya. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. Dumapo ang isang palad niya sa aking ulo. "Maraming salamat, Rini. Sa sinabi mong 'yan, pinagaan mo kahit papaano ang aking loob."

"Rini, Cederic." rinig naming boses ni Vencel. Bumaling kami sa kaniyang direksyon. Humarap kami sa kaniya. "Ngayong naririto na tayo, wala nang atrasan ito." pero may bahid pa rin na pag-aalala sa kaniyang boses.

Sabay kaming ngumiti ni Cederic sa kaniya. "Opo. Naririto po kami para i-uwi ang tagumpay ng Cyan, lalo na ang pangalan ng Eryndor." saad pa namin.

Bahagya siyang ngumiti sa amin. Tila nasiyahan siya sa positibo naming pag-iisip. Iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid. "Isa lang ang masasabi ko, hindi lang ang mga halimaw ang pagtutuunan ng inyong pansin. Pati na din ang mga kalaban ninyo mula sa ibang Imperyo." tumalim ang kaniyang tingin. "Lalo na ang Gwermma at Jian Yu."

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon