Chapter 90

1.5K 98 7
                                    

# CHAPTER91

Tahimik akong nakahalukipkip habang nakatayo. Naririto na din ang lahat sa likod ng bahay-pahingahan, maliban lang kina Prinsesa Charisse at Prinsesa Eglantine upang makapagpahinga na dahil alam kong matinding takot ang inabot nila kanina dahil ito ang unang beses na dinukot sila. Pinauna ko na muna ang mga ladies-in-waiting ko sa kanilang silid at makapagpahinga na din. Kukunin namin ang pagkakataon na ito habang wala pa ang mga emperador dahil hanggang ngayon ay wala pa rin sila. Mukhang masaya pa sila sa kanilang pamamasyal. Nasa harap naman namin ngayon ang lalaking nangangalang Amhest. Nanatili siyang nakatayo sa harap namin at nakayuko.

Blangkong ekspresyon sa aking mukha habang pinagmamasdan namin siya. Kinalas ko ang mga braso ko mula sa pagkahalukipkip at naglakad ako palapit sa kaniya. "Ngayon, sabihin mo na sa amin kung ano ang mga nalalaman mo. Lalo na ang kay Prinsipe Arsalan at sa asawa nito." malamig kong sabi. Diretso ako nakatingin sa kaniya. "Ano ang plano nila?"

Kita ko kung papaano silang matinding lumunok. Kahit papaano ay may lakas siya ng loob upang kami'y tiningnan. "Ang tanging inutos lang nila sa akin ay dukutin ang prinsesa na tagapagmana, ang dalawang prinsesa at ang dukesa upang gawing bihag." sagot niya.

"Sa anong dahilan?" si Raegan ang sunod na nagtanong.

"Sa katunayan po ay 'yan lamang ang inutos nila sa akin. Wala nang iba pa."

"Nang nakarating kami sa kuweba sa ilalim ng bundok ay nakita namin na may mga bihag din kayo. Sila ba'y mga bihag ninyo na gagawing alipin?" si Caldwell. "Dahil nakita din namin ang mga paa nila ay nilagyan ninyo ng mga marka at numero."

"T-Tama po kayo... Ako at ang mga kagrupo ko po ang inutusan na kunin ang mga myembro ng dugong maharlika at Imperyal na tumatakas mula sa kaguluhan ng iba't ibang bansa at nanaisin na tumawid dito sa Azmar. Ganoon din po sa mga myembro ng aristokrata."

Napukaw ng aking atensyon nang biglang lumapit sa amin si Otis. Seryoso ang mukha nito. "My rose, ang totoo n'yan ay naiulat na sa akin ai Hayness tungkol sa bagay na ito." sabi niya.

Medyo mawindang kami.

"Ayon sa inulat niya sa akin, may nagtagpuan din daw silang merkado ng mga alipin sa Thilawiel. Dahil sa tago ito at tanging nakakalam lang ng lugar na 'yon ay pawang mga kabilang sa grupo ng mga dugong-bughaw at mga matataas ang katungkulan sa militar. Nag-umpisa ito nang tuluyan mong nasakop ang Prerradith, my rose." pahayag niya na seryoso pa rin ang kaniyang mukha. "Iyon din ang oras na naputol ang ugnayan ng mga bansa na may kinalaman sa Impyero na 'yon at doon din nagsimula ang mga digmaan sa pagitan nilang lahat. Ang mga mamamayan at mga myembero ng mga namumuno sa bawat bansa ay nagsilikas at pilit makatakas upang umiwas sa kaguluhan. Ngunit, habang naglalakbay sila at tatawid sa mga katabing bansa ay nilusob naman sila ng mga bandido. Walang awang pinaslang ang mga magulang ng mga prinsesa at mga binibini na siyang itinira ang mga ito sapagkat ay may pakinabang pa ang mga ito---iyon ay dadalhin sila sa mga merkado o hindi kaya sa mga bahay-subastahan."

"Ah!" biglang malakas na bulalas ni Nira.

Sabay kaming napatingin sa kaniya. Bakas sa mga mukha namin ang pagtataka dahil sa ikinilos niya. "Anong problema, Nira?" ako ang nagtanong.

Ngumiwi siya. "Ang totoo po niyan ay isa ako sa mga naging bihag nila. Ngunit dahil may kakayahan ako sa mahika ay nagawa ko pong makatakas mula sa bahay-subastahan na 'yon, mga kamahalan. Tama po ang Prinsipe Otis. Marami nga pong bihag ang mayroon din sa Thilawiel. Karamihan po sa kanila ay mga myembro ng aristokrata at mga dugong-bughaw. Sapilitan po silang ibinebenta..."

Nanigas ako sa nalaman ko. Bahagya akong yumuko. Kinuyom ko ang aking mga kamao. Kinagat ko ang aking labi. Bigla akong ginapangan ng guilty. Dahil pala sa ginawa ko ay malaki at masamang pala ang kalalabasan. Pero ginawa ko lang ang bagay na 'yon ay dahil sa nais kong matulungan at mailigtas ang malapit kong kaibigan.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now