Chapter 165

227 15 2
                                    


Mas lumalalim ang dlilim sa Thilawiel. Mas lumalakas ang hangin, animo'y kulang na lang ay mabuo ang isang malaking ipo-ipo. Patuloy pa rin sa pagkidlat sa buong paligid. Kaunti na lang ay magkakaroon na ng malaking bagyo! Kasabay pa na bumabaha ang takot at pangamba ang mga Thilian nang mapansin nila ang paligid.

Dahil sa nangyayari ay napahinto ang mga prinsesa at anak mula sa kilalang pamilya na kabilang sa aristokrata sa kani-kanilang gawain. Hindi man nila alam kung ano ang nangyayari subalit, labis ang ipinag-aalala nila sa paligid. Iniisip din nila ang mga biktima, may mga malay man o wala. Nagdadalawang-isip sila kung aalis na ba sila o maghihintay pa sa ipag-uutos ng pinuno ng mismong bansa na ito. Kalangan nilang humingi ng saklolo sa lalong madaling panahon! Kailangan ay may magawa sila para sa bayan na ito. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman, ang kasalukuyang pinuno ng Imperyo ng mga Cairon, ang emperador ng Thilawiel ay nahaharap sa isang malaking suliranin at sa mga oras na ito, abala na itong nakikibaka sa isang kalaban!

Halos manigas si Rina habang siya'y nakadungaw sa bintana ng silid, kakatapos lang niyang linisin ang mga sugat ng mga pasyente niya. Napasapo siya sa kaniyang dibdib.

'Paparating na ba ang hari ng mga demonyo tulad ng narinig ko kina ama at ina? Sa mga kapatid ko at sa mga diyos at diyosa?' sa isip niya.

Sa hindi malaman na dahilan, pakiramdam niya ay tila may umudyok sa kaniya na puntahan ang lugar na 'yon, kahit na napakadelikado 'yon para sa kaniya!

Walang sabi na iniwan na niya ang natutulog na pasyente. Tinanggal na niya ang apron na nakasabit sa kaniyang bewang. Itinabi niya 'yon sa planggana hanggang sa tagumpay siyang nakalabas ng silid. Tumambad sa kaniya na maraming tao sa kaniyang paligid ngunit labis na abala ang mga ito kaya hindi siya agad napansin. Iyon din ang nakuha niyang tyansa na makaalis at marating ang lugar na kaniyang nakita - kung saan ginaganap ang laban ng mahal na emperador! Nag-aalala siya dahil ito ay ang nakakabatang kapatid ng kaniyang bayaw! Laking pasalamat na din niya dahil hindi siya masusundan ng kaniyang kabiyak na abala naman ito sa pagtulong sa paghahanap sa mga nawawala pang mga Thilian sa Kapitolyo.

Sa kabila ng haba ng kaniyang kasuotan ay hindi niya iniinda 'yon. Inangat pa niya nang kaunti ang kaniyang palda upang makakilos siya nang maayos. Halos patakbo na siya habang papalapit na siya sa naturang lugar na 'yon, sa likod ng gusali kung nasaan sila ngayon.

Napahinto lamang siya nang naabot niya ang isang malaking puno. Nagpasya siyang magtago doon. Sumilip siya nang kaunti para masaksihan niya kung ano ang nagaganap ngayon. Ngunit laking gulat niya isang matindng pagtutuos pala ang nangyayari sa oras na ito! Lumipat ang tingin niya sa isang tao na nakalubog ngayon lupa. Napasapo siya sa kaniyang bibig. Kung hindi siya nagkakamali, ang lalakig 'yon ay ang mismong kanang-kamay ng kasalukuyang batang emperador! Kita niya kung papaano desperado itong makawala mula sa pagkalubog.

Habang ginagawa iyon  napasulyap ito  sa kalangitan. Sinundan niya 'yon ng tingin dahil sa nabubuhay na kuryusidad. Doon ay nakikita niya na patuloy nangisngislap sa paligid, kasabay na may iilang pagsabog sa ere, abot 'yon hanggang sa kalangitan na dahilan upang mapatalon siya sa gulat. Doon ay nakita niya na hindi lang dalawa ang naglalaban, kungdi tatlo!

Muli nagpakawala si Haring Mival nang malakas na atake sa direksyon ng kalaban ngunit agad din 'yon umilag kaya nabalewala 'yon.

"Tsk." aniya, nagsisimula na itong mairita.

Sunod naman ay si Emperador Hadden ang nagpakawala ng malakas na mahikang pang-opensa ngunit hindi rin 'yon nagtagumpay. Nagawa rin ilagan 'yon. Maski ito ay hindi maitago ang inis.

Sabay lumapag sa lupa ang dalawa at tumingala. Tumigil din sa pagkilos ang kalaban sa ere. Yumuko ito upag tingnan sila. Hindi mabubura ang malapad nitong ngisi na may halong pang-aasar pa. Tama, mababa ang tingin nito sa magkapatid.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon