Chapter 36

3.1K 207 13
                                    

Nang nakabalik na kami ng Cyan ay sinalubong kami ng hiyawan na may halong kagalakan. Para bang nanalo kami sa isang napakalaking digmaan. Masaya din ako dahil nadala ko ang tagumpay na inaasam ko hindi lang para sa pamilyang Eryndor, para na din sa mga Cyanian. Isa sila sa mga dahilan kung bakit nagsusumikap kami upang manalo. Para patunayan na kaya ko din makipaglaban. Iba't ibang pagbati ang naririnig namin mula sa mga Cyanian. Bukod pa doon ay may baon din kaming magandang balita mula sa bansang Loray. Mismo ang hari ng naturang bansa na 'yon ay nagdesisyon na umanib sa aming Imperyo bilang kabayaran sa pagsagip namin sa kanilang bansa. Kahit ako ay hindi makapaniwala na magagawa nila ang desisyon na 'yan. Tulad ko ay hindi rin makapaniwala sina Vencel pati na din ang mga kapatid ko.

Tahimik lang ako nakaupo. Abala naman inaayos nina Nesta pati ng mga maid ang aking buhok sa harap ng salamin. Sinabi ko kasi sa kanila na simpleng braid lang ang gusto ko. Sa ngayon kasi pahinga muna ako sa pagsasanay, iyon ag bilin sa akin ni Vencel, para na din daw makabawi ako ng lakas mula ng pyesta ng pangangaso. Pero hindi pa rin mawawala na kailangan ko pa rin mag-aral kahit na binigyan ako ng pabuya ng mga guro ko na magpahinga muna ako. Pero wala ako sa mood para magpahinga. Gusto ko may gawin ako para hindi sayang ang araw ko ngayon.

Nang matapos nilang ayusan ng aking buhok at damit ay may kumatok sa aking kuwarto. Ang isa sa mga maid ang nagbukas n'on. Ilang saglit pa ay may pumasok na isa sa mg butler na may hawak na hawla, hindi malaki, hindi rin kaliitan. Sakto lang. Nang makita ko 'yon ay agad ako tumayo mula sa kinauupuan ko upang daluhan ang bagong dating na butler. Yumuko ako nang kaunti sa harap ng hawla upang makita ko kung ano ang nasa loob nito. Hindi ko mapigilang mamangha nang makita ko ang isang ibon sa loob. Isang domestic canary. Kulay pula ito. Kahit na nasa loob siya ng hawla ay hindi pa rin siya pinipigilan para humuni sa harap ko. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Nang makuntento ako ay tumayo ako ng tuwid saka tumingin saka humarap sa butler. "Kanino pala galing?" marahan kong tanong.

Bago niya ako sagutin ay tumikhim siya. "Ipinadala po ng prinsipe na tagapagmana ng Thilawiel, mahal na prinsesa." pormal niyang tugon.

Umawang nang kaunti ang aking bibig nang marunig ko ang kaniyang sagot. Galing kay Otis? Bakit naman niya ako papadalhan ng ibon? Sa dating buhay ko, isang beses palang ako nagkaroon ng alaga at aso 'yon kaya wala akong ideya kung papaano mag-alaga ng ibon. "Ganoon ba?" ang tanging nasabi ko. "Sige, pakilagay nalang doon." sabay turo ko sa bakanteng mesa, walang nakapatong na kung ano sa ibabaw nito.

Sinunod ng butler ang aking utos. Nagpasalamat ako sa kaniya. Nagbow muna siya sa akin bago siya umalis sa kuwarto ko. Nilapitan ko pa ang ibon na ipinadala sa akin. Muli ako yumuko nang kaunti saka tinititigan ko ito. Pinagmamasdan ko nang mabuti na para bang ngayon lang ako nakakita nito. Muli ako napangiti, hindi ko talaga malaman kung bakit papadalhan niya ako ng ganitong regalo, hindi ko naman kaarawan o wala namang okasyon. Medyo natigilan nga lang ako nang may napansin ako sa leeg nito. Nakasuot siya ng collar na may bato, its like a jewel stone or what. Wala akong ideya pero pinili ko nalang na hindi pansinin 'yon. Napaisip tuloy ako na sulatan siya para magsabi ng pasasalamat na kaniyang inihandog na regalo.

At ganoon nga ang ginawa ko. Agad ko ito ipinahatid sa royal messenger, sana ay matanggap ni Otis ang liham ko, hindi na ako mag-expect kung sasagutin niya 'yon agad dahil tiyak abala 'yon. Bigla ko naalala kung papaano siya busy sa pagbabasa ng mga papel nang araw na binisita ko siya sa kaniyang kuwarto habang nakaconfine kami sa Ospital. Sa tingin ko ay tambak na din ang mga dapat niyang gawin sa Thilawiel sa oras na nakabalik na sila doon. For now, maghahanap talaga muna ako ng gagawin. Wait, bakit hindi ko kaya bisitahin si Ceola sa kaniyang silid para manggulo... O magtanong tungkol sa bagay na 'yon? Kailangan ko din malaman kung anong side niya.

Bigla ako may naisip na ideya.

Agad akong lumingon sa mga maid. Inutusan ko sila na maghanda ng mga masasarap na tsaa at mga iba't ibang panghimagas. Inutos ko din na idiretso nalang nila ang mga pagkain sa hardin ng Palasyo na agad din nilang sinunod, walang labis at walang kulang. Now, I need to talk to her.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now