Chapter 99

1.1K 74 2
                                    


Halos hindi na ako lumalabas ng silid na ipinahiram sa akin ng mag-asawang Yi. Hindi ko na rin namalayan na tambak na ng mga libro na ipinahiram nila sa akin. Sa sobrang abala ko ay mismong mga tagapagsilbi na ang naghahatid sa akin ng mga pagkain at inumin. May oras pa na sila na mismo ang humarang sa akin para magpahinga muna ako sa pag-aaral. Kaya lang ako nagpapasubsob dahil ang daming ko dapat matutunan dito. Lalo na ang mga libro na gawa ng mga sikat na manunulat at mga pantas ng bansang ito. Syempre sa una ay mismong si Ginang Yi ang nagturo sa akin ng mga pangunahing kaalaman pagdating sa kanilang lenggwahe pero laking gulat niya na kaya ko nang magsulat ng mga letra at mga salita ginawa niyang takdang-aralin para sa akin sa maiksing panahon lamang. Hindi lang 'yon ang itinuro niya sa akin. Dahil sa isa si Ginang Yi sa mga respetadong Binibini noon, tinuturuan niya ako ng mga pamamaraan ng pagbati, kilos at pananalita ng isang binibini, at kung anu-ano pa. Kasama na din d'yan ang pagtuturo niya sa akin ng paggamit ng mga instrumento dahil kinakailangan daw ito sa oras ng pagtitipon. Kaugalian kasi na dapat ay may talento ang isang babae kahit sa pagtugtog man lang.

Ehh. Nang nalaman ko 'yon, pakiramdam ko ay medyo bumigat ang loob ko. Nakaramdam ako ng pagkaayaw sa mga ganitong gawain pero dahil sa hiniling sa akin ni Henaral Feng ay wala na akong magagawa kungdi sundin ko nalang. Kumbaga, kondisyon at konsiderasyon nalang din dahil sa pagligtas sa akin ng mismong mahal na emperador.

Ipinakilala na din sa akin ng magiging personal ko na tapagsilbi. Ang pangalan niya'y Ju Fen. Napag-alam ko na labing-apat na taong gulang palang siya. Ang kwento din sa akin ay tauhan din ng mga Yi ang mga magulang ng dalagita na kasalukuyan na nagtatrabaho naman sa palayan na pagmamay-ari din ng mga Yi na ilang dekada na daw ang na ito nagsasaka sa kanila. Pakiramdaman ko ay halos alam ko na kung ano ang dapat kong iuutos sa dalagang ito kapag may kailangan ako sa kaniya. Kung papaano ko hawakan ang isang tagapagsilbi na tulad niya.

Dalawang linggo nang nakalipas buhat napadpad ako sa bansang ito na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako magawang turuan ng ama ni Heneral Feng na sinasabi na retirong heneral ng pinakamalaking hukbo ng Jian Yu. Ang paliwanag sa akin ni Ginang Yi, ay abala pa ang dating Heneral lalo na't may mga tinuturuan daw ito. Doon ko napag-alaman na nagtayo pala si dating Heneral Yi ng sarili niyang paaralan sa gayon ay maturuan niya ang mga kabataan ng tamang pakikipaglaban o depensahan ang sarili sa hinaharap. Dahil d'yan ay umahon ang kuryusidad sa aking sistema. Kaya kinabukasan din 'yon ay nagpaalam ako na pupunta ako sa sinasabing paaralan para mabisita ko na din sa siya, kasama ko din syempre si Ju Fen. Naisip ko din na magdala kami ng pagkain para sa kaniya sa gayon ay may palusot ako kung bakit ako napadpad doon.

Lumabas ako sa silid nang maayos ang pananamit. Sa pamamagitan ng suot ko ngayon ay mahahalata na anak ako ng isang mataas na tao sa lipunan. Hindi lang 'yon, maganda din ang ayos nila sa aking buhok. Mabuti nalang ay nar'yan si Ju Fen na hindi nagsasawa na ipaliwanag sa akin ang mga dapat kong malaman pagdating sa mga ganitong bagay. Lalo na ang ipit para sa buhok na yari sa ginto. Mas makikilala daw ako sa pamamagitan nito na hindi ako basta-bastang binibini, kungdi galing ako sa isang marangal at kilalang pamilya sa probinsiya.

May lumapit sa amin na isang babae, isa din siya sa mga tagapagsilbi ng pamilyang Yi. "Binibining Rei, nakahanda na po ang karwahe sa labas." pagbibigay-abiso niya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Maraming salamat." sambit ko.

Nahihiya siyang ngumiti sa akin. Nanatili siyang nakayuko. "Hindi po ako... Karapat-dapat upang pasalamatan, Binibining Rei." maski sa boses niya ay nahihimigan na nahihiya siya.

"Walang masama kung suklian ko ang pagtulong ninyo sa akin simula noong unang pagtapak ko palang dito." dagdag ko pa.

Pareho sila natigilan ni Ju Fen sa aking pahayag pero para sa akin na tila balewala lang. Binawi ko na ang aking tingin mula sa kaniya. Iniwan ko sila na napatulala. Nauna na akong naglakad. Mukhang nanumbalik na ang ulirat nila, lalo na si Ju Fen kaya binilisan niya ang kaniyang lakad upang maabutan niya ako. Bago man ako tuluyang makalabas ng bahay ay dumaan muna ako sa silid kung nasaan si Ginang Yi na abala naman sa pagbuburda.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now