Chapter 163

604 28 2
                                    


Seryoso ang tingin ko sa target board na nasa aking harap, ilang bala pa ang pinakawala ko. Malaking tulong na din ang headset na nakakabit sa akin para mabawasan ang malakas na tunog nito.

Sa totoo lang, medyo kabado ako nang sabihin sa amin ni Lilith na kinakailangan naming matuto kung papaano humawak ng mga baril. Aware naman ako dahil nasa mundo kami ng mga mortal. Uso din naman gumamit ng espada pero bibihira lang. Lalo na't sasabak kami sa sinasabing mafia war. Alam ko ang baril pero sa katunayan ay hindi ako marunong gumamit, ito palang ang unang beses, ganoon din ang mga kasama ko. Nalaman ko din na hindi naman talaga mafia ang pamlyang Black. They're just business tycoon at napasabak na din sila sa pangongolekta ng mga artifacts so they can easily access sa gaganaping auction. Hindi rin sila nagdalawang-isip na pumasok sa underwold business.

Thanks to Lilith, Rhys and Harlan. Dahil sa kanila ay binigyan kami ng pagkakataon na matuto. Hindi lang sa paggamit ng mga baril maski sa karagdagan na mixed martial arts. Thankful pa rin ako dahil madaling matuto ang mga kasama ko na binigyan ito ng papuri.

Sa ilang araw din namin na pag-eensayo, hindi rin maiwasan o mawala na pag-usapan namin ng mga prinsipe at ni Hyrus ang usapin tungkol sa kinaharap na malaking suliranin ng Thilawiel, maski ng ibang bansa at Imperyo, Hindi rin maitago ang pag-aalala na nararamdaman namin. Aaminin ko, natatakot ako kung anuman ang madadatnan namin sa oras na makabalik kami.

Kailangan naming magmadali. Because many lives are on the lines. Not only the Thilians, even my family. Ayokong magkatotoo ang pangitain na nakita ko noong bata palang ako Ayokong may sumunod sa dating Emperador Audrick.

"Nice shot." rinig kong pagpuri ni Lilith nang tanggalin ko ang headset. Nakahalukipkip siyang humakbang palapit sa akin.

Agad akong humarap sa kaniya.

"It seems like you're a pro when it comes in shooting." dagdag pa niya.

"Dahil nakalakihan kong pana at palaso ang hawak ko." seryoso kong sagot.

"So it explains..." sinulyapan naman niya ang mga kasama ko. "Kahit ang mga kasama mo, natuto na rin nilang hawakan ang mga baril... And they're improved when it comes in close combat."

Sinundan ko 'yon ng tingin. Abala pa ang mga kasama ko sa pag-eensayo. Nanonood naman sa kanilang likuran sina Rhys na nakasandal lang sa pader at Harlan na nakahalukipkip.

Ibinalik sa akin ni Lilith ang kaniyang tingin. "May mas naisip ako. I think this job suits you well."

Kusang kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"You're gonna be a hitter."

Medyo natigilan ako nang marinig ko ang suhesyon niya. A hitter? Kumsabagay, wala namang problema sa akin. Ganoon naman talaga ang nakasanayan ko noong nasa Cyan palang ako. Iyon din ang posisyon ko noong sumali kami sa pyesta ng pangangaso.

"Calevi and you are going to be hitters. I believe both of you can aim better than us." saka nagkibit-balikat siya.

"Kung iyan ang nakakabuti para makuha natin agad ang dalawang bato." malamig kong saad.

"Oh well, it's a deal, then."

Sumang-ayon ako. Ibinalik ko ang aking tingin sa mga kasama ko na patuloy parin sa kanilang ginagawa. Ngunit biglang may sumagi sa aking isipan. "Do you know Elio Mancini?" mahina kong tanong sa kaniya.

Sa gilid ng aking mata, kita kung pano tumingin sa akin si LIlith Black. Wala man siyang ipinakitang ekspresyon pero malakas ang pakiramdam ko na nawindang siya sa aking tanong. Ramdam ko din ang kuryusidad na tila kilala ko ang tao na 'yon.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon