Chapter 31

3.2K 220 9
                                    

# CHAPTER31

Kinuyom ko ang mga kamao nang tumigil na kami sa paglalakad. Halo-halong emosyon na ang nangingibabaw sa aking sistema ngayon. Pero ang higit sa lahat, hindi mabura ang malapad na ngiti sa aking mga labi habang nakatingala ako sa malaking arko na sa aming harapan. Nasa tabi ko sina Cederic at Caldwell, nasa bandang likuran naman namin sina Ceola at Houstin. Ngayon ito na ang araw na pinakahinihintay namin. Ang araw ng Pyesta ng Pangangaso, for real.

Humakbang si Cederic at lumipat sa harap namin. Nakatuon ang buo naming atensyon sa kaniya. "Ngayo'y dumating na ang araw na pinkahinihintay natin," panimula niya. Tumingin siya ng diretso sa amin. "Hindi ako naririto sa harap ninyo bilang kapitan o isa man sa mga prinsipe ng Cyan. Naririto ako bilang isa sa mga kasamahan ninyo. Ilang saglit pa ay magsisimula na ang laban, sisikapin natin na iuuwi natin ang ating tagumpay, hindi lang para sa atin. Para sa bawat mamamayan ng Cyan."

Napangiti kami sa kaniyang pahayag. Hindi na nakakapagtaka na pinanindigan talaga niya ang posisyon na magiging kapitan namin na binigay ni Vencel. Hindi na ako makapaghintay kung ano pa ang maipapamalas niya mamaya sa oras ng paligsahan. Pero bago 'yan, sumulyap ako sa aking kanan. Tanaw ko mula dito ang ibang manlalaro na naririto ngayon sa gilid ng isla. Ang iba sa kanila ay kakarating lang. Hinahanap din ng aking paningin kung nasaan ang mga inaasahan kong mga tao dito. Muli ako napangiti nang makita ko sina Otis, Dilston at Calevi, kasama na ang mga pangkat nila. Abala ang mga ito na makausap nila ang mga ito. Siguro ay pinag-uusapan nila kung ano ang gagamitin nilang taktika. May nabuo na din kaming plano para sa buong laro, kasama na din doon na hahanapin amin ang mga pinakamalakas na demonyo at dalawang malipa na halimaw na tinutukoy ni Vencel sa amin. Kung hindi niya kami binigyan ng ideya, hindi mabubuo ang plano. May isa pa akong napapansin...

Bakit parang ako lang ang babaeng marksman dito?! At kami lang ni Ceola ang mga babae sa lahat ng manlalaro?!

"Kamahalan," mahinang tawag sa akin ni Ceola mula sa aking likuran. Agad ko siya hinarap. I knew it, she looks intimidated at this moment. Mariin akong pumikit, ilang saglit pa ay dumilat ako. Agad ko tinapik ang magkabilang balikat niya. Napaitlag siya sa ginawa ko. Binigyan niya ako ng isang pagtatakang tingin. "M-mahal na prinsesa?"

"Huwag kang matakot, Ceola. Narito kami. Hinding hindi ka namin pababayaan. Alalahanin mo ang mga pinag-aralan at pinag-ensayo natin noong nasa Cyan tayo." pagpapalakas ko sa kaniyang loob. "Hindi kita isinali dito para sa wala, Ceola. Isinali kita dahil nakikita ko ang kagalingan mo."

Natigilan siya sa sinabi ko. Tumitig siya sa aking mukha, parang mag-uumpisa siyang maiyak na ewan. Walang sabi na idinapo ko ang aking palad sa kaniyang ulo. Ngumisi ako. "Masyado pang maaga para maiyak, Ceola." saka bumungisngis ako.

Sa huli ay nagawa na din niyang mapangiti at tumawa nang mahina. Sabay kaming tumingin sa iba pa naming kasamahan. Ngumiti din sila sa aming direksyon.

"Aasahan ko kayo, kuya Cederic, Caldwell, Hosutin." wika ko. Sabay silang tumango na may ngiti sa kanilang mukha. Bumaling ako sa mga tao na makakaharap namin. "Hindi natin bibiguin sina papa pati ang Cyan." ngumisi ako nang mala-demonyo. "At hinding hindi mapupunta sa wala ang pangalan na dala-dala ko."

"Ipapakita natin kung ano talaga ang Eryndor." sang-ayon ni Cederic na nabubuhay na din ang kaiyang dugo.

"Rini, Cederic." rinig kong tawag ni Vencel sa hindi kalayuan sa amin. Tumingin kami sa kaniyang direksyon. Seryoso ang kaniyang mukha habang papalapit siya sa amin. Nakasunod naman sa kaniya sina Raegan at Eomund. "Nakahanda na ang mga kagamitan at mga baluti. Maaari ninyo nang itong isuot at gamitin."

"Salamat po, papa." pormal kong wika.

Huminga siya nang malalim at muli niya kaming tiningnan. Bakas sa mukha niya ang kinakabahan siya para sa amin. Marahan niyang idinapo ang kaniyang mga palad sa ulo namin ni Cederic. Medyo nawindang kami sa kaniyang ginawa. "Patunabayan sana kayo. Pero sa oras na hindi ninyo na kaya, hinding hindi ako magdadalawang-isip na tumapak sa linya upang tulungan kayo." huminto siya saglit. Tumingala kami sa kaniya. Binigyan niya kami ng isang marahan na ngiti. "Malaki ang tiwala ko sa inyo, dahil mga anak ko kayo."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now