Chapter 100

1.2K 85 2
                                    


Maligayang hiyawan ang sinalubong ng mga mamayan ng Jian Yun sa pagbabalik ni Prinsipe Ting Fei, kasama din nito ang mga mandirigma na dinala nito at ang kanang-kamay niyang si Du Yi. sa malaking paligsahan mula Azmar. Nakasakay sila sa kani-kanilang kabayo habang tinatahak nila ang daan na pinapagitnaan ng mga tao. Hinagisan sila ng mga talulot ng mga bulaklak na kasama sa kanilang tradisyon kapag sasalubungin na isang bayani o importanteng tao o pagpapasalamat dahil nakabalik sila ng matiwasay. Matamis na ngiti lang si Prinsipe Ting Fei habang patuloy pa rin ang pag-usad ang sakay niyang kabayo. Nakasunod lamang sa kaniya si Du Yi na seryoso ang mukha, tila walang pakialam ang isang ito sa paligid.

Aminado si Prinsipe Ting Fei na sabik na siya makabalik sa lupang sinilangan. Subalit kahit na nakakaramdam na siya ng pagod buhat sa mahabang byahe at paligsahan ay kailangan niya muna ito tiisin dahil alam niyang magkakaroon ng malaking pagdiriwang pagtapak niya sa Palasyo. Natitiyak din niya na naghihintay na din sa kaniyang pagdating ang nakakatanda niyang kapatid na si Emperador Shan. Medyo nadismaya siya dahil hindi nakarating ang kaniyang kapatid upang panoorin siya sa pakikipaglaban pero naiitindihan din naman niya ito dahil sadyang mabigat naman talaga ang responsibilidad na nakapatong sa magkabilang balikat nito. Hindi rin mawawala ang tensyon na nararamamdan nito sa tuwing kaharap nito ang mga opisyal, lupon at mga pantas.

Unti-unti na niyang natatanaw malaki at mataas na pader, ang pasukan ng Palasyo. May dalawang kawal doon na nagbabantay. Nang makita ng mga ito ang kanilang pagdating ay malakas na sumigaw ang dalawang kawal na 'yon upang magbigay anunsyo sa mga kawal na nasa loob. Wala pa man ay hindi nagdalawang-isip ang iba pang mga kawal na buksan ang malaking pinto na nakadikit sa pader na 'yon. Mas yumuko siya at mas pinabilis niya ang pagtakbo sa kaniyang kabayo. Gayundin ang mga kasamahan nila. Mas lumapad ang kaniyang ngiti dahil maaabot na niya ang kaniyang tahanan.

Sa kanilang pagpasok ay tumambad sa kanila ang mga tao, kabilang na din ang mga tagapagsilbi sa Palasyo, mga opisyal, mga lupon at pantas na nakatayo sa malawak na harapan ng Palasyo. Mga pawang naghihintay sa kanilang pagdating. Agad niyang itinigil ang kabayo saka bumaba. Hindi mabura sa kaniyang mukha ang kasiyahan. Iginala niya ang kaniyang paningin, hinahanap niya ang emperador ng bansa na ito na siya din ang kaniyang kapatid subalit hindi niya nakita ito, kahit ni anino man lang, wala. Pinili niyang maging positibo, iniisip niya na baka naghahanda pa ang kaniyang kapatid kaya matatagal pa bago man lang siyang salubungin. Sa halip, ang mga tao sa kaniyang harap ay sabay-sabay lumuhod sa lupa't itiniklop ang katawan bilang pagbigay-pugay sa kaniya.

"Maligayang pagbabalik, kamahalan, Prinsipe Ting Fei!" malakas at walang mintis na pagbati sa kaniya ng mga ito.

Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likuran. Umukit ang masayang ngiti sa kaniyang mukha. Bahagya siyang tumango, tanda na malugod niyang tinatanggap ang pagbati ng mga ito sa kaniya. Marahas siyang nagbuntong-hininga sa mga ito. Lumapit sa kaniya ang isa sa mga bating, ang personal niyang tagapagsilbi, ang kapatid ni Lan na si Yan.

"Kamahalan, maaari na po kayong dumiretso sa bulwagan, sa likod ng Palasyo. Ilang saglit nalang po ay mag-uumpisa na po ang seremonyas ng pagpapasalamat sa inyong pagbabalik." pormal nitong wika sa kaniya, nanatiling nakayuko. Hindi kasi maaaring makipagtitigan ang mga tagapagsilbi sa mga matataas na tao. Kaya hangga't maaari ay kinakailangan nilang umiwas ng tingin dahil nakakabastos ito para sa mga dugong-bughaw.

Muli siyang tumango at kumilos na. Alam naman niya ang daan patungo sa sinasabing bulwagan, kung saan gaganapin ang malaking seremonyas na inihanda para sa kanila. Nakasunod lamang sa kaniya sina Du Yi, ang mga mangdirigma at ang kaniyang personal na tagapagsilbi.

Ang mga opisyal, mga lupon at mga pantas naman ay nagsimula na ding kumilos para pumunta na din sa bulwagan. Nakahanda na din ang mga regalo na ihahandog nila sa minamahal nilang prinsipe. Hindi lang 'yon, sinadya din nilang magdalaa ng mga mamahaling alak na talagang binili pa sa ibang lugar at mga bansa na isa sa mga susi upang mas gumanda ang kasiyahan na magaganap mamaya.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon