Chapter 75

1.6K 110 7
                                    


"Ang kapangyarihan na magpoprotekta sa mga taong mahal mo."

Sa mga binitawang kataga mula kay Tehisa ay pakiramdam ko ay bumuhay ang aking dugo, kasabay na umahon ang galit na nararamdaman ko. Bumaba ang malamig kong tingin sa mga mamamayan ng Prerradith na masayang masaya na nagdiriwang ng kanilang pagkapanalo. Masaya silang natalo ni Prinsipe ng bansang ito si Calevi, ang isa sa mga importante kong kaibigan. Ang mas nakakainis pa ay parang ang dating sa akin ay labis ang ipinagsasalamat nila sa Diyos na 'yon.

Lumaki nang lumaki ang galit na pumapaloob sa aking sistema.

Dahan-dahan kong inangat ang isa kong kamay. May papakawalan akong isang kapangyarihan na sisiguraduhin kong hindi malaki ang magiging apekto nito sa aking katawan at mana. Ito ang magiging parusa na ipapataw ko sa kanilang lahat. The Prerradith's Imperial Family who dare to hurt my close friend, and so my father's. This family who dares to conquer my father and brothers in-law's and my husband's beloved country. Sa pamamagitan nito, ito ang magiging hatol ko sa kanila.

Sisiguraduhin ko na ni isa sa kanila ay walang makakaligtas sa galit ko!

Unti-unti nababalutan ng makakapal na hamog ang Kapitolyo kung saan dinadaos ang malaking pagdiriwang. Rinig ko rin na unti-unti din humuhupa ang ingay at masasayang tunog kanina. Nababalutan na ito ng pagtataka at ilang mga haka-haka

Ang hindi nila alam, ito din ang huling gabi nila sa mundong ito.

Kinopya ko sa aking imahinasyon ang mga kawal na nakikita ko sa Cyan at Thilawiel. Gumawa ako ng napakalaking hukbo sa pamamagitan ng aking mahika. Mas sigurado ang patibong na ito dahil pare-pareho ang mga uniporme ng mga ito, dahil kung ang mga prinsipe mula sa apat na Imperyo ang gagamitin ko, tiyak malalaman nilang kapangyarihan lang ito at hindi mismo tao. Ang mga status nila ay hinalintulad ko sa mga prinsipe mula sa apat na Imperyo para sigurado ang pagkapanalo ko.

"Hahanapin ko naman ang mag-ama." paalam ni Haldir. "Ililigtas ko sila para sa 'yo, mahal na prinsesa."

Hindi ko na siya napansin dahil kailangan ko pang maging concentrated sa ginagawa ko ngayon.

Sabay-sabay na nagsilabasan ang mga hukbo na ginawa ko sa iba't ibang parte ng Kapitolyo. Wala nang pasubali at inuumpisahan na nilang patayin ang mga mamamayan ng Prerradith. Mapabata man o matatanda. Wala na akong pakialam. Dahil pakiramdam ko ay pare-pareho silang lahat! Lahat sila ay masaya sa nakamit ng kanilang nirerespeto nilang Pamilyang Imperyal. Wala akong papalagpasin ni isa sa kanila! Ipapatikim ko ang galit ng isang Eryndor!

Dahil sa ginawa kong pagsugod ay naalarma ang mga kawal sa paligid. Napalaban sila nang wala sa oras pero pasensya sila dahil mabilis din nila hinarap ang kanilang kamatayan. Sa oras na haharapin nila ang aking mga ginawa kong tauhan, mas mapapadali ang kanilang buhay.

Hindi ko alam na masarap pala sa pandinig ang marinig ko ang tilian, sigawan, iyakan, pagmamakaawa na tulungan sila habang hinaharap nila ang aking galit.

"Anong gusto mong gawin, Prinsesa Styriniana?" nakangiting tanong sa akin ni Tehisa. Umaasa siya sa sunod kong hakbang.

"Uubusin ko ang mga Munir." malamig kong sagot. Tinalikuran ko na ang Kapitolyo at muli na naglakad. Nakasunod lang sa akin si Tehisa. Rinig ko ang kaniyang bungisngis, parang sinasabi niya na naeexcite siya sa gagawin ko sa oras na haharapin ko ang mga Munir, kasama ang aking poot.

"Transfer," mahina kong utos saka nagteleport ako, kasama si Tehisa.

Nagkakagulo na ang mga tao sa loob ng Palasyo. Mapa-maid pa man o mga bulter. Kahit din ang mga Opisyal at myembro ng lupon ay bakas sa mga mukha at ikikilos nila ang pagkataranta. Dahil sa cloak na suot ko, na gawa mismo ni Tehisa, hindi kami agad matutunugan dahil nagiging invisible kami sa pamamagitan nito.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon