Chapter 92

1.6K 92 14
                                    


Abala sa paghahalo ng mga halaman gamot ang isang manggamot sa maliit niyang klinika. Malayo ito sa kabisera ng Azmar. Matatagpuan lamang ito sa gitna ng kagubatan. Kahit na malayo man ito ay hindi pa rin maiwasan na may mga dumadayo dito na mamayan o hindi kaya may mga ligaw na manlalakbay na lubhang nasugutan dahil sa mga nakaengkwentrong mga hayop o maliliit na halimaw. Bukod pa doon ay mura ang singil niya sa mga ito. Maganda na rin na dito nagpatayo ang manggagamot na ito.

Siguro dahil na rin sa namana niya ang kakayahan niya sa panggagamot mula sa kaniyang mga yumaong magulang na naging kilala din sa larangan ng panggagamot. Ang kaniyang ina ay magaling sumuri ng mga halamang-gamot, habang ang kaniyang ama naman ay kilala bilang isa sa mga pinakamagaling na manggagamot, kaya nitong gamutin ang anumang sakit, maliban lang sa isang bagay---ang sumpa. Dahil pareho walang kakayahan ang mga magulang niya na gumamit ng mahika ay ibang paraan ang ginawa nila upang makatulong sa iba upang pagalingin ang mga karamdaman ng mga ito. Pero sa kasamaang-palad ay agad din siya iniwan ng pinakamamahal niyang mga magulang dahil sa isang insidente.

Ang totoo niyan ay hindi talaga sila mamamayan ng Azmar. Sila ay galing pa sa isa sa mga probinsiya ng Caenleighn. Dahil biglang sumiklab ang digmaan noong labing walong taon na nakalipas, lumikas silang mag-anak upang makatakas. Ngunit sa gitna ng digmaan at pagtakas ay tumambad sa kanila ang mga bangkay at sugatan na mga kababayan. Mas nangingibabaw ang pagiging maaawain ng kaniyang mga magulang ay hindi nagdalawang-isip ang mga ito na tulungan at pagalingin ang mga biktima ng naturang digmaan.

Bagamat paslit at wala pang kamuang-muang sa mundo ay ang tanging magagawa niya lang ay panoorin kung ano ang ginagawa ng kaniyang mga magulang. Minsan ay may oras na pinapanood at tinuturuan siya kung papano gumamot ng mga sugat at kung anong mga halamang gamot na irereseta sa mga ito. Hanggang sa natutuwa na siya at unti-unti na siya napapamahal sa ganitong larangan.

Subalit habang patakbo siya pabalik sa gusali kung nasaan ang kaniyang mga magulang ay nadatnan niyang gumuho ito. Kusang namatay ang mga magulang niya. Ang tanging iniwan lang sa kaniya ay ang mga kaalaman at kakayahan niya sa paggagamot. Hindi rin siya nagdalawang-isip na kunin niya ang mga kagamitan at mga libro na maaari pa niyang pag-aralan at gamitin pagkatapos ilibing ang mga magulang niya at nakipagsapalaran sa ibang lugar hanggang sa napadpad siya sa lugar na ito, ang gitna ng kagubatan.

Lumiyad siya saka pinunasan ng isang braso niya ang kaniyang pawisan na noo. Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Sinipat niya sa ibang direksyon ang kaniyang tingin. Nagpasya na siyang tumigil muna sa kaniyang ginagawa at lalabas muna upang lumanghap ng sariwang hangin.

Natigilan lang siya nang kusang nagbukas ang pinto, kasabay na tumunog ang bell na nakakabit sa pinto, sadya niyang nilagyan 'yon para malaman niya kung may dumating na pasyente. Suminghap siya nang makita niya sa kaniyang harap ang isang pamilyar na tao na nakatayo sa pintuan. Ang babaeng may isang pares na kulay lila na mga mata. Kung hindi siya nagkakamali ay isa itong alipin ng prinsesa ng Azmar dahil madalas itong nagawi sa kaniyang klinika para magpagamot para pagalingin ang mga sugat na natamo nito. Ngunit mas ikinabahala niya nang may kasama ito. Isang babae kulay ginto ang buhok at buntis pa ito! Kasalukuyan itong walang malay. Unti-unti nanlalaki ang mga mata niya na may dugo nang dumadaloy sa mga hita nito!

"Dinala ko siya dito dahil alam kong ikaw lang ang may kayayahan na magpaanak sa kaniya." seryosong wika ng babaeng nakatakip ng itim na balabal. Ang babaeng kulay lila ang mga mata. Si Theavia.

Tila nanumbalik ang ulirat niya. Mabilis niyag dinaluhan ito. Pinagtulungan nilang buhatin ang babaeng manganganak na. Nagmamadali silang daluhin ang higaan na para sa mga pasyente. Maingat nilang inihiga doon ang babae. Pagkatapos ay tinulungan siya ni Theavia sa pag-aayos ng mga gamit na kakailanganin niya para sa operasyon. Habang abala siya sa kaniyang ginagawa ay inilatag naman nito ang kurtina para takpan ang kama at para maging maayos ang operasyon na isasagawa niya.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now