Chapter 112

1K 72 9
                                    


Pagkatapos kong marinig sa kaniya ang mga salita na 'yon, nanatili lang akong tahimik at nakatayo. Hindi ko alam kung bakit kusa ko naramdaman na biglang sumikdo ang aking puso. Bakit ganito ang mararamdaman ko eh isang estranghero lang naman ang nasa harap ko ngayon? Ngayon ko lang siya nakita. Haaa, Rei... Huwag mo muna isipin kung ano ang nararamdaman mo ngayon. Mas importante ay malaman mo kung ano ang dahilan kung papaano napadpad ang lalaking ito sa Jian Yu!

Mas lalo ko ibinaba ang aking paghawak ko sa espada hanggang sa ibinalik ko na ito sa sarili nitong lagayan. Muli ko itinuon ang tingin ko sa kaniya. "Maling lugar na narating mo, ginoo." seryoso kong sambit. Ipinatong ko sa isang tabi ang espada. "Dahil hindi pa tanggap ang mga mamamayan dito ang mga dayuhan."

Suminghap siya. Nangangapa pa siya kung ano ang sasabihin niya. Sa halip, "Kung ganoon ay maaari bang tulungan mo ako na makaalis dito? Kinakailangan kong umalis dito at bumalik kung saan ginaganap ang digmaan." may halong pakiusap niyang sambit.

"Paumanhin ngunit wala rin akong palagay kung papaano kita maialis sa lugar na 'to. Kahit ako ay nag-iisip din kung papaano rin makaalis dito. Sa ngayon ay tinanggap ko lang ang trabaho na mayroon ako ngayon para makalikom ng sapat na halaga." malamig kong pahayag. Humalukipkip ako sa harap niya. Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga. "Bakit ba kasi nawawala ang 'yong asawa? Bakit nagbitaw kayo ng digmaan eh hinahanap mo pala siya?" kaswal kong pagtatanong.

Biglang nanlisik ang kaniyang mga mata. Hindi ako nagpasindak. "Dahil ang bansa na 'yon ang may kasalanan kung bakit nawawala ang prinsesa na tagapagmana na siyang aking asawa, binibini." tumingkayad ito ng upo sa isang tabi. Napahilamos ito ng mukha, sa hitsura niyang 'yan ay problemang problemado na siya.

Lumabi ako. Ewan ko kung bakit nagawa ko pang lumapit sa kaniya. Tumingkayad din ako ng upo sa harap niya. "Hayaan mo, tutulungan kitang makaalis dito. Gagawan ko ng paraan, ayos lang ba sa 'yon?" malumanay kong wika. Muli ako nagbuntong-hininga. "Sa ngayon, dumito ka muna. Huwag kang mag-aalala, walang magtatangkang papasok sa sikretong silid na 'to."

"Subalit, binibini... Makakaabala ako sa 'yo."

"Hindi ka rin agad makakalabas dito dahil nasa loob ka ng Palasyo."

"Binibini, papaano kung sasabihin ko sa 'yo na may mahika ako? Na kaya kong gumawa ng portal para makalabas sa lugar na 'to, maniniwala ka kaya?"

Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Agad ko siyang binalingan na nanlalaki ang aking mga mata. "M-may mahika ka?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Ngumuso siya saka tumango. "O...o...?"

Hindi agad ako nakapagsalita. Napalunok ako. Bakit ganito na naman ang pakiramdam ko? Bakit pakiramdam ko ay may kinaiinggitan akong bagay kahit hindi naman dapat? Lalo na't nalaman ko na kayang gumawa ng mahika ang lalaking 'to? Bakit? Bakit nakakaramdam ako ng palulumo? Hindi naman ako 'yong tipong uhaw sa isang bagay pero... "Ibig sabihin, kaya mo akong dalhin kung saan sa pamamagitan ng portal na 'yan? Kahit sa ibang kontinente pa?" sunod kong tanong. Patuloy na umaahon ang kuryusidad sa aking sistema.

"Oo naman. Magagawa kong puntahan kung saan-saan kahit saang bansa pa. Pero may kilala akong tao na may kakayahan na makarating sa mga lugar kung nanaisin niya, kahit sa ibang bansa o kontinente pa."

Para akong nasabik na ewan sa kwento niya. "Talaga? Sino?" mas nagiging interisado pa ako!

Napansin ko ang mapait niyang ngiti. "Ang aking asawa."

Natigilan ako. "Ang 'yong... Asawa?" maingat kong sabi. Syempre, may konsiderasyon naman ako. Tulad ng sabi niya, kasalukuyan itong nawawala at nasa gitna siya sa paghahanap nito. "Paumanhin."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now