Chapter 128

1.2K 93 5
                                    


Nakahalukipkip ako habang nakaluhod sa aming harap ang dalawang tao. Isang matandang lalaki at ang isang dalaga na tinatawag niyang masonesa. Labis ang paghingi nila ng tawad, lalo na ang matandang lalaki nang tinututukan niya kami ng espada kanina. Si Caldwell ang kumilos upang umawat at ipinakilala na kami ang Pamilyang Imperyal mula Cyan at Thilawiel. Nasabi din kasama namin ang hinahanap na nawawala at natitirang anak ng yumaong duke, si Houstin. Sabay ang reaksyon ng dalawa sa naging pahayag namin. Hindi maitago sa matandang lalaki ang kagalakan na umabot pa sa pagluha niya. Naiitindihan ko siya kung bakit siya ganoon. Sa haba ng panahon ang ginugol niya upang mahanap natitira nilang pag-asa ay sa wakas ay nasa harap na niya. Natupad na niya ang kaniyang tungkulin at pangako niya sa dating duke.

Tahimik na inilapag ang dalaga ang mga tasa ng tsaa sa harap namin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumitig na tinutukoy na masones. Hindi ko rin maipagkaila sa isang ito na halos magkamukha sila ni Eglantine kahit na sabihing magkapatid sila sa ama. Pero may mga katanungan ang gumugulo sa aking isipan, alam din kaya ng binibini na ito na may kapatid pa siya? Kung may kamalayan siya, alam niya ba kung sino ang kapatid niya?

"Mga kamahalan, prinsipe at prinsesa, labis po akong humihingi ng kapatawaran dahil sa pagiging lapastangan. Subalit, nais ko rin pong magpasalamat dahil dinala ninyo po dito sa Rachdale ang susunod na duke ng mamumuno sa lupain na ito." wika ng matandang lalaki.

Bumaling ako sa nagsalita. Iwinagayway ko ang aking palad sa ere. "Huwag mo nang isipin pa 'yon, ginoo. Naiitindihan ko kung bakit mo nagawa ang bagay na 'yon. Sadyang may parte din sa amin na dapat ay humingi din kami ng kapatawaran sapagkat basta-basta na lamang kami pumasok sa tahanan na ito nang walang pasabi." pormal kong saad. "Siya nga pala, ibig sabihin... Tagumpay mo na pala nahanap ang mga nawawalang anak ng magkapatid na Bennet. Ngayon, anong susunod na hakbang ang gagawin mo sa kanilang dalawa?"

"Ah, dahil narito na rin po ang susunod na duke at ang masones, nais ko po sana silang ipakilala sa publiko at buhayin ulit ang bumagsak na pangalan ng mga Bennet sa talaan ng mga Maharlika dito sa Cyan. Sa ganoong paraan, mabubuhayan din ng loob ang mga tao na kanilang nasasakupan, pati na din sa mga iba pang lalawigan na kanilang basalyo. Iyan palang po ang unang hakbang na aking gagawin sa ngayon, mga kamahalan." tugon niya, ramdam ko ang buong determinasyon sa kaniyang boses.

Tumango ako saka humalukipkip. "Kung tungkol sa bagay na 'yan, ako na mismo ang magsasabi n'yan sa mismong mahal na emperador at sa prinsipe na tagapagmana."

"Kamahalan," biglang tawag sa akin ni Caldwell.

Sabay kaming tumingin sa kaniya. "May nais ka bang sabihin, Caldwell?"

"Hayaan ninyo po sanang ako mismo ang magtuturo kay Houstin kung ano ang mga dapat niyang malaman at gawin sa pamamalakad bilang isang duke." suhesyon niya. "Malaki din po ang paniniwala ko na hinding hindi ka rin po niya bibiguin tungkol sa bagay na ito. Sa tulong din po ng mga Bordel, magbibigay din po kami ng tulong sa kanila upang mabawi at buhayin ulit ang mga importanteng ari-arian ng mga Bennet at maibabalik na po ito sa dating pagtatakbo nito."

Tumalikwas ang isang kilay ko. Sunud-sunod na tango ang ginawa ko. Ang totoo, hindi rin masama ang suheyson na 'yon. Malaking bagay nga ang maitutulong ni Caldwell kay Houstin. Kung tutuusin, tagapagmana si Caldwell ng Duke Bordel kaya alam na alam nito ang kalakaran pagdating sa bagay na ito. Ang nakakatuwa lang, hindi lang sila parehong myembro ng organisasyon, kungdi madalas na din sila magkakasama sa oras na ipapatawag sila mismo ni Vencel sa Palasyo. Pero isang bagay lang ang bumabagabag sa akin. Binigyan ko ng seryosong tingin si Caldwell, "Hindi kaya mas mahihirapan ka? May panibago ka na namang trabaho bukod sa pagiging tagapagmana mo at sa organisasyon."

Sinsero siyang ngumiti sa amin. "Wala pong problema, Prinsesa Rini. Balewala ang tulong na 'to, kumpara sa mga operasyon na nahahawakan namin."

Sa sinabi niyang 'yan ay napangiti ako. "Kung ganoon man, wala na akong karapatan na tumutol pa, Ginoong Caldwell Bordel." bumaling ako kay Houstin. "Ngayon palang ay binabati na kita, Houstin. Nawa'y gabayan ka ng Leon sa bawat desisyon na 'yong bibitawan sa pamamalakad mo ng Rachdale, balang araw."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon