Chapter 164

290 15 1
                                    


Pumaparito at pumaparoon si Cederic sa harap ng mga kasama. Nakahalukipkip subalit nasa labi niya ang mga daliri. Hindi niya alam ay nahihilo na ang mga kasama niya sa kaniyang ginagawa. Si Hyrus naman ay prenteng nakahiga sa sahig. Ang mag-asawang Black naman ay nakaupo lang sa mga upuan ng dining table, nanonood lang din sa kanila.

Huminto sa ginagawa. Hinarap ang mga kasamahan. "Hindi talaga ako panatag! Saan naman dadalhin ng prinsipe ng Thilawiel ang kapatid ko?" naiinis na niyang tanong. Halos masabunutan na ang buhok.

"Kasama naman niya ang prinsipe na tagapagmana, Prinsipe Cederic kaya wala ka dapat ikabahala." nakangiting wika ni Calevi. Mag-isang nakaupo sa single couch.

"At isa pa, hindi naman sila mapapahamak." dagdag pa ni Prinsipe Ting Fei, naputol sa pinapanood na palabas sa telebisyon.

Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Kahit na! Kabisado ba talaga ni Rini ang lugar na ito? May palagay ba talaga siya kung anong direksyon ang tatahakin nila sa patutunguhan nila?"

Napatingin silang lahat nang biglang humahalakhak nang kalakas-lakas si Hyrus. Kusang kumunot ang kaniyang noo sa ipinakita ng dating Pinuno ng mga diyos at diyosa ng mundong-ibabaw. "Prinsipe Cederic, bakit ba masyado kang nag-aalala sa bunsong prinsesa? Malaki na siya at may asawa na, kaya na nila ang kani-kanilang sarili. Hahahaha! Ginagawa mo namang bata ang emperatris ng Thilawiel!"

"Hindi rin natin masisisi ang kamahalan, Panginoong Hyrus. Responsibilidad niya ang prinsesa." si Dilston, naka-dekuwatrong nakaupo, ninanamnam ang pag-inom ng tsaa na gawa ni Bethany sa kanila.

Walang sabi na lumapit si Prinsipe Cederic sa mag-asawang Black. "Maaari ninyo ba kaming samahan kung saan ag date na sinasabi nila?"

"Kamahalan, Prinsipe Cederic..." si Hyrus, akmang pipigilan siya sa anumang babalakin niya.

"His feelings is valid, Hyrus. We understand his feelings coming from." si Ramael Black ang nagsalita. "Marami na din ang nagbago dito kaya siguro may mga daan na hindi niya alam kung sakali. At isa pa, isang beses ay nawala siya."

Umaliwalas ang mukha ni Prinsipe Cederic sa sinabi ni Ramael. "Kung ganoon ay..."

"Maaari tayong sumunod sa kanila pero bawal kayo nila kayo makita." tila isang kondisyon 'yon.

Natigilan siya. Muli siyang humalukipkip at mariing pumikit. Tinapik ang paa niya ang sahig ng unit. Sa huli ay nakapagpasya siya. "Sige, payag ako sa kondisyon mo. Basta makita ko lang na nasa maayos na kalagayan siya."

"Sama kami!" biglang sabi nig iba sa kanila. Umamba na ding magsitayo. "Maiinip lamang kami kung mananatili kami dito at naghihintay." si Dilston. Iniwan nanag tsaa na iniinom kahit hindi pa nauubos.

"Gusto ko rin makita ang iba pang lugar na mayroon sa mundong ito." si Calevi, malapad ang ngiti.

"Gayon din ako." si Prinsipe Ting Fei na seryoso ang mukha.

Napatampal naman ng mukha si Hyrus at nag-iiling. Ngumiti na din si Bethany Black samantala ang asawa nito ay nagpakawala ng malalim na buntong-hininga, mukhang wala na siyang magagawa pa.

**

Malapad ang ngiti ko nang nasa harap na namin ang bilihan ng ticker. Hindi ko maitago na namiss ko nga ang lugar na ito bago ako nawala sa mundong ito. Sumulyap ako kay Otis na patuloy pa rin niyang iginagala ang kaniyang paningin sa paligid. Nababasa ko sa kaniyang mukha ang pagkamangha lalo na't ngayon palang siya nakarating sa ganitong lugar. Meron noon nasa Loray kami pero ibang-iba dito. Dito palang ay hindi maiwasan na mawiwindang siya sa tuwing may naririnig siyang nagtitili kung saan man.

Cute.

Maraha ko siyang hinila patungo sa gilid. Hinarap ko siya ay doon ko napukaw ang kaniyang atensyon. "Dumito ka muna, bibili lang ako ng ticket para sa ating dalawa. Huwag na huwag kang aalis, hmm?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now