Chapter 24

4.4K 245 17
                                    


Mahigit dalawang buwan nang nakalipas buhat ipinadiwang ang social debut ko. Ngayong nasa legal na edad na ako. Magagawa ko na ang gusto ko. Makakarating na ako kung saan-saan pero may limitasyon pa rin. Hanggang Kapitolyo lang ako at kailangan may kasama ako tulad ng usapan namin ni Vencel. Hindi na ako tumanggi, atleast nag-level up na. Hindi na ako mabobored sa loob ng Palasyo.

Kinagat ko ang cookies na gawa ni Nesta, nakatuon ang aking mga mata sa binabasa kong libro, may pagsusulit ako mamaya kaya todo review ako ngayon. Kasama ko dito sa Ceola na kasalukuyang abala sa mga experiment niya. Gumagawa siya ng mga magic potions na tulad ng nakaugalian niya. Hinahayaan ko lang siya, kung biglang may pagsabog man dahil sa failed experiment niya ay madali din rin namin maayos ito dahil din sa mahika ko. Para na din hindi kami mapagalitan ni Vencel o isa sa mga kapatid ko.

Naputol ang pagbabasa ko ng libro. Tumingala ako sa kisame ng ilang segundo. Nang nagsawa na ako ay lumapat ang tingin ko sa bintana. Dahil medyo kabisado ko na ang mga sagot para sa pagsusulit, itiniklop ko ang libro. Ipinatong ko 'yon sa mesa na nasa tabi ko lang. Pinagpag ko ang aking mga palad para matanggal ang mga nagkalat na cookie crust. Tumayo ako para daluhan ang bintana. Sumilip ako saglit saka binukan ko din ito. Lumapat ang mga palad ko sa window pane. Tumingin ako sa malayo.

Hindi ko mapigilang sumimangot nang sumagi sa isipan ko ang mga reaksyon ng tatlong prinsipe nang nalaman nila na sasali ako sa isa sa mga malaking paligsahan sa buong mundo: ang pyesta ng pangangaso. Isa sa mga inaasahan ko na makakasali ako. Ilang beses nila kinukwesyon ang aking kakayahan. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil itinuring akong nag-iisang prinsesa ng Kaharian na ito. Bukod pa doon, babae pa ako. Well, sa panahon na ito, hindi pa uso ang equality so ano pa bang aasahan ko? Well, let's see the other side, pinayagan na ako ni Vencel na makasali ako dito. Walang problema din sa akin na makakasama ko dito si Cederic. Kampante din ako na siya ang kasama ko. Mas lumakas ang magic powers and skills niya dahil na rin sa tulong ni Ceola, minsan pa nga ay nagsa-sparring pa kami. Hindi lang 'yon, even his combat war skills were getting sharp. Hindi na nakakapagtaka na may reward siya which is the knight order, na siya ang mamumuno doon. Tulad ni Raegan na may sarili din siyang knight order na siya mismo ang nagtatag. Nalaman ko kung sino ang mga kasali doon. Most of them are from well-off families and from royal family. Hindi na ako magtataka dahil crown prince si Raegan so he deserved it.

Nagpangalumbaba at lumabi ako. Wow, lang. Ang galing lang. Ano bang pakiramdam kung may sarili ka ring hukbo-militar? Ano bang pakiradam kapag pamumunuan mo ang mga ito?

Natigilan ako. Biglang may sumagi sa isipan ko. Teka, bakit hindi ko naisip 'yon?

Tumayo ako nang tuwid. Unti-unti gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang may ideya na pumasok sa aking isipan.

"Tama!" malakas kong bulalas.

"Kamahalan?" nagtataka na tawag sa akin ni Ceola. Bumaling ako sa kaniya, hindi pa rin maalis sa mukha ko ang kasiyahan. "Ano pong problema?"

"Wala, wala, Ceola. May naisip lang akong ideya." saka bumungisngis ako. Agad ko dinaluhan ang mga libro na nakapatong mesa. Kinuha ko ang mga ito saka niyakap. "Aalis na ako, pupunta na ako sa aking pagsusulit." dali-dali kong dinaluhan ang pinto. Hinatid niya ako ng nagkapagtataka na tingin pero hindi ko na pinansin pa 'yon. Imbis ay dire-diretso ako hanggang sa tagumpay akong nakalabas ng silid.

Mabilis akong naglakad sa pasilyo para matapos ko na ang pagsusulit ko. Nararamdaman ko na naman na bumubuhay ulit ang dugo ko kapag talaga may naiisip akong kakaiba tulad nito. Sa oras na matapos ko na ang pagsusulit, hihilingin kong makita at makausap si Vencel sa gayon ay mapag-usapan namin ang magandang ideya na naisip ko.

Sana payagan niya ako.

**

Lumiyad ako saka nag-unat. Sa wakas, natapos ko na din ang pagsusulit. Bukas o sa kinakabukasan ko pa malalaman kung ano ang grade ko. Sasabihin din ng mga teacher ko kay Vencel kung anong resulta. Medyo kampante ako kung ano ang magiging score ko dahil todo review ako. Hindi na ako pupwede pa-easy-easy nalang dahil hindi na ako bata, lalo na't mataas na din ang expectation sa akin ng mga lupon ng Cyan.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now