-027-

366 19 4
                                    

-oleya pov-

it was really a long ride, "sansrival" 'yun ang sabi sa akin ni tita kanina kung nasaan na kami ngayon.


after i-park yung sasakyan bumaba na din kami agad sa may harap na malaking gate. little angels orphanage.


"sister!" bati ni heeseung sa sumalubong sa amin na madre. they hugged each other tapos bumati din ang parents nya at si hara.



pati yung dalwa nyang kaibigan mukhang close din sila ni sister.



"tatawag ako ng tutulong para sa inyo"


"huwag na sister, kaya na namin 'to" pagpigil sa kanya ni heeseung, "oliver tara! ipapakilala kita sa friends ko!" pumayag ako kay hara at hinayaan sila ni oliver kasi sumenyas na si heeseung na tulungan ko sya sa mga boxes.



napairap ako, pero wala akong nagawa kundi ang tumulong na nga huhu



nakasunod lang ako sa kanila hanggang sa makapasok kami sa parang malawak na garden ng orphanage. madaming bata ang sumalubong sa amin.



i saw how everyone are smiling samantalang ako ay sobrang naninibago sa ganito kadaming tao.



"dito, oleya!" senyas sa akin ni lee heeseung kaya ibinaba ko ang mga box na dala ko sa table.



"tulungan mo na lang si mama na mag ayos dito, kesa mapagod ka magbuhat" tumango na lang ako at sinunod sya.



"what?" i asked him annoyingly dahil hindi pa din sya umaalis. "galit ka pa din ba?"



"no, umalis ka na nga" inirapan ko sya at inayos yung mga cookies sa table


"asar ka pa din?"



"i am always annoyed on you, stop acting like it's new" napatawa sya kaya napairap na naman ako. "may point ka naman" hindi ko na sya pinansin hanggang sa makaalis na sya.




after namin mag organize, the program started. nakaupo lang ako sa likod ng mga bata na nakaupo sa mono blocks at nasa may harapan naman sila heeseung. nagsasalita ang mommy ni heeseung noong dumating sila mommy at ate olivia.



"oh, right! kids, may bagong friends si kuya hee!" kumaway si mommy at tinawag sila ni ate.



naupo na lang ulit ako sa upuan ko at pinanood na magsalita si ate via sa microphone para magpakilala. ayun, naiwan na naman ako dito. parang wala na naman ako dito.

hindi na bago, bakit ba hindi pa din ako nasasanay.

"may games later, sasali ka?" pinatay ko 'yung faucet bago ako nagpunas ng tissue sa kamay




"ayoko," sinusundan ba ako nito?



"are you admitting your defeat right now, miss shin?" napataas ang kilay ko sa sinabi nya


"what?!"



"nakalimutan mo na ata 'yung ace game" oh shit, right. masyado na naman akong nadadala ng emosyon ko




"sinong may sabi sayo na magpapatalo ako, ano bang game?" he smiled at me.



bumalik na kami ni heeseung sa venue at kumakain na 'yung mga bata nung dala naming mga pagkain.



"sister!" sumenyas sa akin si heeseung na sundan ko sya kaya sumunod ako



"nakalimutan ko po ipakilala sa inyo si oleya" i smiled on her. "si sister trina" ngumiti din ako sa kanya



"nice too meet you po, sister"



"napakagandang bata, kailan mo naman naging nobyo itong si hee?" napakunot ang noo ko sa sinabi nya




"nako, sister.. hindi ko sya girlfriend, schoolmates lang kami tapos naging kapitbahay namin sila" tumango tango ako sa explanation ni heeseung




"ahhh, ganun ba? pasensya na. akala ko kasi nobyo mo itong si hee, wala pa kasi tong pinapakilala sa akin na nobya nya, mabait naman na bata tapos matalino, masipag, nasa kanya na ang lahat"




i looked at heeseung's bright smile with the compliments he recieved.



"nako sister naman! huwag nyo po ipagkalat!" pabirong saad nya.




"excuse me po ah," i excused myself because i can not stand their conversation anymore. i don't know if that was rude pero i felt a pang on chest with the compliments heeseung is getting since i am longing for it too.

napali ko na lang na maupo sa bench na malayo sa venue at pinanood sila habang kinakain ko 'yung mga cookies na kinuha ko.



"ate!" may teenager na babae na tumabi sa akin sa upuan kaya medyo napalayo ako sa gulat.



"sorry," she become hesitant bigla na lumapit.



"it's okay, may problema ba?"



"sabi ni kuya hee, sayo daw galing 'tong mga damit! ang gaganda po!" excited na saad nya




"uhh.. yeah.." i gave her a smile.





"thank you! hindi ko pa po nasusuot yung ganito na style!" looking how she smiled right now makes my heart warm.




"you are welcome, what is your name?"



"Seinna po, 14 years old na po ako" I nodded on her


"I am Oleya!"




"'yung crush ni kuya hee?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "huh? crush? hindi!"




"talaga po? akala ko crush ka nya! crush ko din si kuya hee eh" kinikilig na saad nya kaya natawa ako





"anong nagustuhan mo sa kuya hee mo? puro yabang lang naman ang meron sya" she looked like she was offended pero napanguso na lang sya noong tignan ko





"mabait kaya si kuya hee! palagi nya kami binibisita dito monthly, tapos kapag may free time sya tinuturuan nya din kami, hinahayaan nya kami maglaro sa cellphone nya tapos mag picture. minsan dinadalhan nya pa kami ng mga laruan tapos mga pagkain na gusto namin, hindi sya mayabang ate oleya" pagtatanggol nya sa kuya hee nya.





"sus, sa inyo lang yan mabait, sa akin hindi" naiiling na saad ko kay seinna





"mabait sya ate oleya, kilalanin mo kaya si kuya hee,"




lumingon ako kay heeseung na nakikipaglaro sa mga bata. well, yes, he looked like an angel with kids, very gentle, and very calm din. kaya siguro, madaming tao ang may gusto sa kanya.


nakakatakot sya kilalanin, sa mga sinasabi ko tungkol sa kanya ngayon, baka magkamali ako.

love to hateWhere stories live. Discover now