Alternative Ending -02-

220 8 14
                                    

HEESEUNG. 








"Heeseung.. anak, gising.. gumising ka.." I am catching my breathe so fast after trying so hard to open my eyes. Napabangon ako at ramdam ang lamig ng katawan kahit na pinagpapawisan ako. Sumalubong sa akin si Sister Diamond na buhat si Hana sa braso habang natutulog. 






"Sister.." Bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata kaya nagtaka ako. "Nanaginip ka. Hindi ba maganda?" Muling bumalik sa ala-ala ako ang panaginip na iyon. Si Oleya, naaksidente kasama si Bryce, pagkatapos ng ilang buwan.. iniwan n'ya ako. Damn. 







Tumango ako kay Sister Diamond. "Buti na lang umiyak si Hana kaya nakita kita," Mahinanong saad n'ya bago sumenyas sa akin na uminom ako ng tubig. Sinunod ko naman agad si Sister. Tumalikod na muli s'ya sa akin para mailagay sa crib si Hana, si Ethan naman ay mahimbing na natutulog. 






I grabbed my phone to text Oleya na pupuntahan ko s'ya. I just can not let her go away like that, that dream-- no, that nightmare really scared me to death. Hindi ko kaya, hindi ko kayang hindi ko s'ya pupuntahan at yakapin ng mahigpit bago s'ya umalis. Ngayong gabi pa naman ang lipad nila papuntang London. 






Nandito nga ako ngayon sa orphanage dahil hindi ko s'ya kayang ihatid sa airport, kaya naisipan ko na lang bantayan si Ethan at Hana para malibang ako.. but that dream, fuck. Universe, huwag n'yo po s'ya sa akin kukunin. I will really lose my shit. 





"Paano ka makakapunta doon?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Sister Trina.  Nagpaalam kasi ako sa kanya. "Ako na po ang bahala, sister.. huwag na po kayong mag-alala" ang sabi naman sa akin ni Oleya ay may isang oras pa sila. Malayo ang airport mula dito sa Sansrival pero, gusto ko lang naman s'yang mayakap. O kaya kapag hindi ako natahimik dahil hindi ko naabutan.. susundan ko s'ya sa London. 






"Kuya Heeseung! May naghihintay po sa inyo sa labas!" Hinihingal si Seinna noong sinabi n'ya iyon. Nangunot ang noo ko at nagtaka pero agad din na lumabas para makita kung sino ang tinutukoy ni Seinna. Nagulat ako noong makita si Bryce na nakasandal sa motor n'ya habang inaayos ang helmet n'ya sa kamay. 







"Ano? Hindi mo talaga pupuntahan si Two? Ako ang pupunta doon kung ayaw mo" maangas na sabi n'ya sa akin. Tinignan ko s'ya ng mabuti at saka ko nilingon ang tingin sa motorbike n'ya. My dream flashbacked, making me scared again. 







"Pupuntahan ko," maiksing sagot ko sa kanya. "Ganun? Tara na, baka hindi mo s'ya maabutan" He got a new helmet bago ito ini-arrow sa akin. Matagal ko iyong tinitigan, nag aalangan kung sasama ba ako sa kanya o hindi. 






"What are you waiting pa One?" he sounds irritated now. "Ayoko, magba-byahe na lang ako" hindi ko kasi nadala ang sasakyan ko eh. "Traffic pihado sa Lenox, One. Sumakay ka na" 





Umiling ako ng madiin. "I can't" 






"Why? Hindi naman ito ang unang beses ka na sumakay sa motorbike ko.." naguguluhang ani n'ya. I sighed loud. "I dreamed of you and Oleya.. sumakay kayo d'yan pagkatapos n'yang magbago ng isip paalis.. and then.. you two caught in an accident.. you recovered and Oleya.." I felt something stucked in my throat. I can not finish the story. 





"Died?" pagpapatuloy n'ya atsaka ako tumango.  "Gago ka! Ano ba Lee Heeseung!" Binitawan n'ya ang hawak na helmet atsaka lumapit doon sa may kahoy at kumatok doon ng tatlong beses. Nagpapanic na din ang gago. 






"Gago.. gago ka.. kaya ka ba pupunta?" tumango ako sa kanya. "Huwag kang mag-alala.. mag-iingat ako, tara na. Hindi 'yun mangyayari One. Hindi ko hahayaan kahit sino sa inyo ni Dana ang mapahamak at mawala.." sinalubong ko ang tingin n'ya. Noong makapag-isip ay tumango ako. 






love to hateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon