Chapter 35

3K 187 7
                                    

Nakatingala ako sa kisame habang nakasandal at nakababad ang aking katawan sa bathtub. Medyo malalim ang inisip ko. Nag-iisip ako kung saan ko kaya maaaring dalhin si Otis kapag may mga maluwag na oras na kami? Sa oras na wala na kami dito sa Loray, tiyak didiretso na din sila pauwi ng Thilawiel habang ako ay babalik na ng Cyan, kasama sina Vencel pati na din ang mga kapatid ko, maski din sina Ceola, Caldwell at Houstin. Ganoon din sina Dilston at Calevi ay babalik na sa kanilang bansa. Magiging busy na naman kami nito. Babalik na naman sa normal ang mga buhay namin pagkatapos ng gabi na ito. Hindi bale, baka mamaya ay may maisip na ako. Sa ngayon, iisipin ko muna tungkol sa gaganaping victory ball sa Kastilyo ng Loray mamaya.

Nang makontento na ako ay napagpasyahan na akong umahon. Nilapitan ako ni Nesta na may dalang malapad at makapal na tuwalya. Ibinalot niya ito sa akin. Lumabas na kami ng banyo. Naririto din sa kuwarto si Ceola na kanina pa namimilipit sa pagbibihis sa kaniya ng iba pang maid. Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero pinipigilan ko lang ang aking sarili dahil baka mapikon siya at aksidente kong masira ang kaniyang gabi.

Isa-isa na din lumapit ang mga maid sa akin na hawak ang mga tela na ipapasuot sa akin. Tahimik akong binibihisan na para bang sanay na ako sa palaging ginagawa sa akin kapag may ganitong okasyon o hindi kaya kapag may balak akong lumabas ng palasyo para mamasyal o hindi rin kaya may dadaluhan kaming birthday party na isa sa mga opisyal. Sunod nilang inayos ay ang aking buhok. Ang bilin ko lang sa kanila ay simple lang dahil masyado nang elegante ang ball gown na binili sa akin ni Vencel na siya na mismo ang pumili. Kaya pala panay alis niya, para lang pala dito. Sunod ay inaalalayan nila akong isuot ang isang pares ng sapatos na halos doll shoes na ang histura.

Pagkatapos kaming bihisan ay nag-anunsyo na si Nesta kina Vencel na nakahanda na kami ni Ceola. Bumalik sa silid si Nesta upang iparating na naghihintay na sila sa amin. Inaalalayan kaming makalabas ng silid hanggang sa pagbaba namin sa hagdan ng bahay-pahingahan. Tumambad sa amin ang Eryndor family. Tulad ng inaasahan ay kumikinang sila sa aking paningin. Naroon din sina Caldwell at Houstin na pormal na pormal ang kanilang bihis, nakakatuwa silang tingnan, mukhang pinaghandaan din nila ang gabing ito.

Sinalubong nila kami ng ngiti nang nasa harap na namin sila. Ilang saglit pa ay nagpasya na kaming sumakay sa karwahe na ipinahanda pa talaga daw ng Hari ng Loray. Pero dahil medyo marami kami, dalawang karwahe ang ipinadala sa amin. Ang kasama ko ay ang mga Eryndor. Nasa kabila naman sina Ceola, Caldwell at Houstin. Lihim ako napangiti dahil tiyak makakikita ko ulit ang tatlong prinsipe sa Kastilyo mamaya na personal din silang inimbitahan ng hari ng Loray.

Habang nasa byahe kami patungo sa aming destinasyon ay tahimik akong nakasulyap kay Cederic na ilang araw ko nang napapansin na tahimik. Gustuhin ko man siyang tanungin ay pinipigilan ko lang dahil kasama pa namin ang ibang Eryndor. Hindi na kasi normal ang pagiging tahimik niya. Nasanay ako sa pagiging maingay at malambing niya sa akin. Or maybe this is part of his growing up?

Medyo kumbinsido sa aking naisip ko. Mas maiging nang matanong ko siya nang diretsahan na kaming dalawa lang. Kailangan ko malaman kung ano ang bumabagabag sa kaniya sa paglipas ng ilang araw.

Napatingin lang ako sa bintana nang may sinabi ni Vencel na dumating na kami sa Kastilyo ng Loray ilang sandali lang. Hindi ko rin maipagkaila na maganda pala ang Kastilyo ng Loray. Sa tingin ko ay matitibay talaga ang mga ginamit na materyales sa paggawa nito. Lalo na't baka anumang oras ay sasaklayin sila ng mga halimaw at mga demonyo kung kaya mas pinatibay nila ang kanilang depensa. Because their lives is in the line---bago 'yon. Hindi na ngayon. Dahil tuluyan nang nawala ang mga banta sa kani-kanilang buhay, pati na din sa kanilang Kaharian.

Tuluyan na kaming nakababa mula sa karwahe ay humawak ako sa isa sa mga braso ni Vencel nang sinimulan na naming maglakad papasok sa mismong loob. Kahit patuloy kaming naglalakad ay pasimple akong sumusulyap sa paligid. Sa mga nakikita ko ay hindi pamilyar sa akin ang mga bisita dito. Hindi ko rin nakikita ang tatlong prinsipe na inaasahan ko. Mayroon din humagip ng aking paningin, mga pamilyar na mukha. Na tingin ko ay mga dugong-bughaw din na galing pa sa iba't ibang Imperyo, na kapwa-manlalaro din ng araw ng pangangaso. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang gabing ito dahil sa kanilang pananamit. They trying their best to present themselves as a royal one. Napansin ko din na nasa amin din ang kanilang tingin. Well, hindi na rin bago sa akin 'yon.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now