CHASING THE MOON

235 5 0
                                    

PROLOGUE


"Happy 18th birthday Jiwell."


Ito na ang pinakahihintay kong araw! 18 na 'ko at hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman kong saya. Wala ako napapansing bago pero ayos na sa'kin na 18 ako. Nasa Mall kami at niyaya ako ng mga kaibigan ko na pumunta dito para ilibre ako dahil birthday ko raw.



"A-Ano ba kayo! Dapat ako ang nanlilibre kasi ako ang may birthday!" Maktol ko habang hila hila nila sa loob ng Mall.



Hapon ngayon pero napakaenergetic nila.



"Ano ba! Iba tayo kaya 'wag mo ng tanggihan dahil masama daw tanggihan ang biyaya." Hirit ni Yhanna, napanguso na lang ako at nagpahila sa kanila.



Gusto kasi nilang mamili ako ng hikaw at kwintas sa mamahaling store dito sa Mall, nakakahiya pa din kahit na kaibigan ko sila.


"Kahit ano na lang kasi!" Maktol ko.



"Abah walang lalabas dito hanggang 'di pumipili si Jiwell." Madaldal na sabi ni Heliexia.



Napabuntong hininga na lang ako bago namili ng kwintas at hikaw. Magaganda naman lahat. Nakangiti ang mga kaibigan ko  habang hinihintay akong makapili.



"M-Magkano ba ang mga 'to? Baka ang mamaha—"



"Just choose Jiwell, amg dami mo pang sinasabi." Natatawang sabi ni Yullyz.



Napanguso naman ako bago tumingin sa mga kwintas at hikaw. May umakit sa mata ko na pares ng hikaw at kwintas, parehas ng disenyo. Silver ito na hugis puso ang hikaw habang silver at may hugis puso ang pendant ng kwintas. Maganda.



"Ito." Sabi ko sabay turo sa pares na 'yun.



Napatingin din ang mga kaibigan ko doon. Sinundan ko naman ng tingin ang bagay na 'yun habang nilalabas ng babaeng nakaassign dito sa store. Nang mailabas nila 'yun ay doon ko nakita kung gaano kaganda 'yun.



"Pabalot po, bibilhin namin. Magkano po ba?" Tanong ni Heliexia na nilabas ang wallet niya.



"15 thousand po lahat." Sabi 'nung babae.




"H-Ha? Hala 'wag na 'yan baka maubusan kayo ng p—"


"Ito po. Pabalot po." Hindi ako pinansin ni Heliexia at nagbigay na lang ng bayad at inabot ang napili ko para balutin.



15, 000 pesos? Jusko! Hindi ko naman alam na ganu'n kamahal 'yun! Dapat pala e iba na lang pinili ko!

SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now