(19)

52 3 0
                                    

Gusto kong mahiya sa ginawa ni Yvez!



"Your lips is so soft." Nakangising sabi niya habang nakatingin sa labi ko.



Nailang naman akong salubungin ang tingin niya. Ganu'n pala 'yung pakiramdam kapag may nakadikit na labi sa labi mo. Masarap sa pakiramdam pero nakakakaba, nagpapabilis ng tibok ng puso!



Para bang isang droga ang halik, nakakadik. Hindi ko pwedeng kaadikan ang bagay na 'yun dahil hindi pa pwede. Sapat na yata 'yung naranasan ko kahit isang beses lang, kay Yvez pa.



"Come in." Nakangiting sabi ni Yvez sa amin ng makapasok kami ni 'nay Sally sa bahay niya.



"Congrats." Bati namin kay Yvez.



Ngumiti naman ito. "Salamat."



"Tutulungan ko ng magluto si Primo." Sabi ni 'nay Sally tsaka kami naiwan ni Yvez.



Kitang kita ko ang lungkot sa mata niya kahit nakangiti pa siya.



"Bakit parang malungkot ka? Dapat masaya ka ngayon kasi nakapagtapos ka na ng Grade 11." Nakangiting sabi ko, kinukumbinsi siya.



Nagbuntong hininga siya. "Wala nanaman sina Mom at Dad."



Parang nawala ang ngiti sa mukha ko dahil sa sinabi niya. "A-Ayos lang 'yan. Narito naman kami e." Sabi ko na hinahaplos pa ang braso niya.



Ngumiti naman siya tsaka tumango. "Yeah."



Niyakap ko naman siya. Hutangena ito na yata 'yung comfort zone ko. Nasanay na akong maramdaman ang presensiya niya magsimula nang makilala siya ng magulang ko. Nakauwi na si Mama at Papa at masarap sa pakiramdam na ipinagkatiwala nila 'ko kay Yvez.



"Hoy ano 'yan! Nakakainggit kayo! Maghiwalay kayo."



Awtomatikong naghiwalay kami ng yakap ni Yvez ng marinig namin ang boses ni Tristan, sabay kaming natawa ni Yvez.



Nagsalo salo nga kami sa pagkain. Napakasupportive talaga ni tito Primo, siya 'yung lalaking hindi ipaparamdam sa'yo na nag iisa ka pati ang kaibigan ni Yvez na si Tristan, madaldal man ito pero maasahan mo sa ganitong bagay.



Nanlaki ang mata ko ng makita si Kuya Luxzell. Dalawang Luxzell ang nakikita ko.



Natawa naman sila sa reaksyon.



"This is Seirho, robot ni Luxzell." Sabi ni tito Primo.



Nangunot ang noo ko habang nakatitig sa robot. Kamukhang kamukha!



"Hi Jichelle!" Sabi ni Kuya Luxzell ka kumaway pa tsaka umupo sa tabi ni Tristan.



Bale sa kabilang side ay ako ang naupo sa dulo, katabi ko si Yvez at katabi niya naman si Seirho tsaka si 'nay Sally. Sa kabila naman ay kaharap ko si Tito, katabi niya si Tristan tapos katabi naman ni Tristan si Kuya Luxzell.



"Hi tita Sally!" Bungad ni Kuya Luxzell at Seirho, ngumiti naman si 'nay at sumenyas na kumuha ng pagkain.



"Kamusta kayo ni Yvez Jichelle?" Nakangiting tanong ni Kuya Luxzell.



Para bang naiilang ako sa presensiya niya. Ang gwapo niya sa malapitan. Para bang napakaperpekto ng mukha, parehas silang magkakaibigan.



Napatingin naman ako kay Yvez, nag hihintay din siya ng sagot.



"A-Ayos naman po kami Kuya Luxzell." Sagot ko.



SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now