(01)

118 5 0
                                    

This chapter is dedicated to Yullyz25

*****

3rd year high school.



Sinalubong agad ako ni Heliexia ng masigabong lakas ng bunganga niya.



"HOYYYY IMISSYOUUU!" sabi niya kasabay ng pagsalubong niya yakap niya sakin.



Natawa din ako at niyakap siya. Nagsilapitan din ang iba ko pang kaibigan. Squad kasi kami.



"Watsup?" tanong ni Yullyz



"Ayos lang. Kayo?" nakangiting tanong ko.



"Same." sabi naman ni Yhanna



Quadro kami kung ituring. Si Heliexia Geonzon ang pinakamaliit pero pinakamaingay. Si Yullyz Torralba ang pinakamatangkad at pinakatahimik sa amin,cold kung tignan lalo na kapag hindi mo pa close. Si Yhanna Flores ang sakto lang ang tangkad at pinakamahilig sa away, walang kinakatakutan ang kaibigan kong 'to. Ako naman ay matangkad pero mas matangkad nga lang si Yullyz. Ako ang pinakamatalino at pinakamahilig sa libro. Quadro na kami simula pa lang first year highschool.



Nang magsimula ang klase ay puro pakilala sa bawat isa ang ginawa. Wala pa masyadong lesson sa araw na 'to. Nang magbreaktime ay punong puno ang Canteen. May isang sikat na lalaki ang tintilian ng mga babae dito, kahit ang kaquadro ko ay sobra kung magtilian.



Hindi ako mahilig sa lalaki kaya para sa akin ay wala lang ang presensiya niya. Well, nagkakagusto din naman ako sa lalaki pero sa mga character lang na nababasa ko sa libro. Marami na 'kong nabasa na kwento at alam kong malabong mangyari ang mga nababasa ko sa tunay na buhay.



"Hutangena mare ang gwapo shet" sabi ni Heliexia habang nakaawang pa ang labi at sinisundan ng tingin ang lalaki.



Napatingin naman ako sa lalaking pinagtitilian nila. Well, gwapo naman talaga ang lalaking 'yun. He is Kell Dryson Verioso. 16 years old. Grade 10 siya habang Grade 9 kami pero kung makapaglandi ang mga kasama ko ay parang kaedad lang tsh.



"Kailan kaya ako makakapangasawa ng ganiyan kagwapo?" tanong ni Yhanna habang sumusubo ng noodles at sinusundan din ng tingin si Kell.



Napasinghal naman ako kaya sabay sa sabay silang napalingon sa akin. Tinaasan nila 'ko ng kilay. Natawa naman si Yhanna pero napasinghal din habang si Heliexia at sinamaan ako ng tingin.



"Imposibleng hindi mo nagustuhan si bebe Kell. See him naman oh" sabi ni Heliexia na tinuro pa si Kell. "He's handsome, sweet, gentleman, smart and another one is..." putol nito na nilingon pa sina Yullyz at Yhanna.



"SINGLE" sabay sabay na sabi nila, napangiwi naman ako.



Napatingin naman ako kay Kell. Totoo naman ang sinasabi nila at hindi ko 'yun itatanggi. Para nga siyang character na nababasa ko sa mga libro. Pocket books ang karaniwan kong binabasa at karaniwan na character doon ay tulad ni Kell. Marami ang nagkakagusto sa kaniya, halos lahat ng babae sa Campus pero hindi ako.



Mahirap man paniwalaan pero hindi pa ako, wala akong nagugustuhan na lalaki dito sa Campus, kahit sa labas na campus o kahit saan man. Tsh.



"Look him ohh. He's not my crush, he's bestfriend is my ideal type" sabi naman ni Yhanna na nasa pwesto ni Kell ang tingin.



Napalingon naman ulit ako sa pwesto nina Kell. Kasama niya na si Minux Ramirez, kaibigan niya.Magkaklase sila at parehas silang gwapo, mayaman din sila pero siguro ang kaibahan lang nila ay mas matalino at talentado lang talaga si Kell kaysa kay Minux tsaka medyo cold si Minux at...



SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now