(14)

48 4 0
                                    

Gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa sinabi ko! Pakiramdam ko ay sobrang pabida ako sa buhay niya hutangena.



Aasahan ko 'yan. Kapag wala kang text, hindi ako kakain.


Sabi ni Yvez ng sabihin ko 'yun. Kaya ko bang panindigan 'yung sinabi ko? Tamad akong magcellphone dahil puro libro ang hawak ko.



"Hoy bruha ka! Ang lalim ng iniisip mo!" Sabi ni Yhanna na sinabunutan pa ako ng medyo mahina lang naman.


Napasimangot naman ako sa kanila. Napatingin ako sa oras. 4PM. Mas mabuti na sigurong sinabi ko 'yun kaysa magpalipas siya ng pagkain. Minsan nga ay naawa din ako sa kaniya dahil wala man lang siyang kasama sa bahay nila. Hindi ko maimagine ang sarili kong mag isa lang. Sobrang busy ng magulang niya sa trabaho at parang napapabayaan si Yvez. Kahit man lang textan ito na kumain na ay hindi nila magawa kaya nagpapabaya ang anak nila sa pagkain.


Pagpatak ng 6pm ay nagtext ako sa kaniya.

To Ev;

Kumain ka na.


Ganu'n lang ang sinisend ko basta ang mahalaga ay napapaalalahanan ko siyang kumain.



From Ev;

Oww thanks. Muntikan ko nanamang makalimutan Hahaha.



Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nag abalang replayan pa siya. Bakit ba palagi niyang nakakalimutan 'yung pinakaimportanteng bagay na 'yun?




"Nakakaawa naman pala si Yvez sa bahay nila sabi ni Primo sa'kin. Mag isa lang daw 'yun doon at ayaw naman daw ng katulong. Nagiging abala daw 'yun sa libro tulad mo at makakalimutin daw sa pagkain." Kwento ni 'nay Sally habang kumakain kami.


"Bakit po ba kasi kailangan iwan siya ng magulang niya?" Kahit paano ay nag aalala ako sa kaniya lalo na't kahit paano ay napalapit na din ako sa Alvarez na 'yun.



"Masyadong abala ang magulang sa pagtatrabaho kaya hindi nila napapansin na napapabayaan na nila ang anak nila. Mabuti nga at hindi katulad ni Yvez ang mga binatang pareho niya ang sitwasyon na nagrerebelde sa pamilya." Nagbuntong hininga pa si 'nay Sally.




May punto nga si 'nay Sally. Buti at hindi nila naging katulad si Yvez na nagrerebelde. Hindi ko maitatanggi ang kabutihan ni Yvez. Sobrang bait niya at maaalahanin sa kaibigan. Naalala ko pa nga ng minsang ikwento niya sa'kin kung gaano siya naapektuhan sa problema ni Kuya Luxzell 'nung namatay ang pamilya nito.




Alam kaya nila na nagpapabaya ng pagkain si Yvez? Paano kung hindi at nalaman nila? Mag eeffort kaya sila para alagaan man lang ito?




Lumipas nanaman ang ilang araw at lalong naging abala ako sa pag aaral dahil malapit na ang last quarter examination. Halos hindi ko na mahawakan ang cellphone sa sobrang abala ko sa review. Ganito na talaga ako at hindi mabitawan ang libro at notebook ko na may lagay na note kapag alam kong malapit ma exam, nakasanayan.


"Aba'y kumain ka na Jiwell. 'Wag mong pinaghihintay ang pagkain."


Agad akong napatayo dahil ayaw kong magalit si 'nay Sally. Hindi ko pa man siya nakikitang magalit e ayaw ko pa ding makita 'yun. Ayaw kong magalit siya dahil sa'kin.





Habang kumakain ako ay pasilip silip ako sa Tv na pinapanood ni 'nay Sally. Pati sa pagkain ay nagkakabisado ako ng mga formula sa Mathematics para sa exam.





Sabay kaming napalingon ni 'nay Sally ng magvibrate ang phone ko. Nilingon muna ako ni 'nay Sally at tinanguan ko naman siya bilang senyales na pwede niyang pakealaman ang phone ko.



SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now