(05)

57 3 0
                                    

"Patay na ang magulang ni Luxzell" bungad sa akin ni tito Primo na namumula pa ang mata na halatang umiyak ito.



Nanlaki ang mata ko ng sabihin niya 'yun. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Naghahalong lungkot, sakit, awa, pagkabigla at pagkalito ang nararamdaman ko ngayon. Naging malapit sa amin si tito Lucas lalo na kay Kuya. Tinuring ni Kuya si tito Lucas bilang Papa nito.



"A-alam po ba ni Kuya?" naguguluhang tanong ko, umiling naman agad si tito.



Napakunot ang noo ko at hindi maipaliwanag ang reaksyon. Sobrang bilis ng kalabog ng puso ko at para bang kumikirot ang utak at puso ko.



"Hindi pa alam ng pamilya mo at ikaw pa lang ang nakakaalam sa inyo kaya pakiusap 'wag mo munang sasabihin sa pamilya mo. Maliwanag ba?" napatango na lang ako dahil hindi ko rin naman kayang magsalita ng ganu'ng bagay. "Aasikasuhin muna namin si Luxzell dahil hinang hina ang batang 'yun" sabi ni tito.



Kawawa naman si Kuya Luxzell. Kahit ako ang nasa posisyon niya ay paniguradong manghihina din ako. Gusto kong maluha dahil sa sitwasyon ni Kuya Luxzell ngayon. Hindi ko man siya close pero alam ko ang hirap niya lalo na't napalapit din sa amin si tito Lucas.



"A-ano bang nangyari? Naku nagtatayuan ang balahibo ko dahil sa balita mo Primo" sabi ni 'nay Sally dahilan para matuon ang atensyon ko sa kanila.



"Car accident. May bumutas ng gulong ng kotseng sinasakyan nina Lucas, kasama niya ang anak at asawa niya" panimula ni tito Primo. "Bumunggo 'yung kotse nila sa malaking poste tsaka sumabog ang harapang bahagi ng kotse ni Lucas" sabi ni tito na nagbuntong hininga pa. "Sasama sana ako kaso pinaiwan ako ni Lucas dahil may meeting nga. Nagrequest si Lexzia na kumain sa labas e syempre hindi naman matanggihan 'yun ng mga magulang kaya ayun nga" saad ni tito. "Si Lexzia, kapatid ni Luxzell." Sabi nito na nilingon pa ako. "Nagpi 50/50 pa siya sa hospital pero ang sabi ng doctor ay delikado na daw 'yun dahil naubos ang dugo nito sa ulo na nabagok sa kotse. Hindi ko alam ang gagawin ko" sabi ni tito Primo na nangingilid na ang luha. "Alam mo kung gaano ako kalapit kay Lucas Sally" sabi nito kay 'nay Sally. "Magkaibigan kami simula first year high school at napalapit na 'ko sa pamilya niya. Ngayon ay nanghihina ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nahimatay si Luxzell kanina ng pumunta ng hospital galing school" sabi ni tito na ikinalingon ko. "Masakit sa akin na makita na sa ganu'ng sitwasyon 'yun dahil naging anak ko na din si Luxzell" sabi niya na nagbuntong hininga nanaman. "Babalik na ako do'n. Kailangan ako ng batang 'yun. Bantayan mo ng maigi si Jiwell" sabi nito.



Aligaga namang tumango si 'nay Sally. "Mag iingat ka Primo" sabi nito na sinamahan pa si tito Primo sa labas.



Naiwan ako sa loob at tulala sa kung saan. Para bang nawala ang isip ko dahil sa balitang 'yun. Biglaan. Hindi ko inaasahan na mahahantong sa ganu'ng sitwasyon si Kuya Luxzell. Nagpi 50/50 ang kapatid niya. Sobrang lungkot na malaman na ganu'n ang nangyari. Naisip ko tuloy kung anong magiging reaksyon ni Kuya kapag nalaman niya ang nangyari. Kung ako nga ay nalulungkot lalo na siya na sobrang close niya si tito Lucas.



"Hoy!" gulat sa akin ni Heliexia pero hindi ako nakaramdam ng gulat, pinagkunutan ko lang siya ng noo. "Anong nangyayari sayo? Kanina ka pa tulala diyan" sabi nito na ngumiwi pa.

SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now