(35)

76 4 0
                                    

"You may kiss the bride."





Dahan dahang inalis ni Yvez ang telang nakaharang sa mukha ko. Hindi ko napigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang tuwang tuwa na reaksyon niya. Ito ang unang halik niya na ipinakita sa magulang namin.




"I love you." Bulong niya tsaka niyakap ako ng mahigpit.




Nang matapos ang kasal ay umuwi na kami para makakakain ang mga bisita.




23 years old ako ngayon at 25 years old naman siya. Hindi ko inaasahan na dadating kami sa puntong ito at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi kayang matumbasan ng salitang masaya ang nararamdaman ko ngayon.




Habang kumakain ang mga bisita at nakaupo kami ni Yvez sa unahan ay para bang nagfaflashback lahat sa akin. Simula ng nakita ko siya sa CIS, pinagtripan kami ng kaibigan niyang si Tristan at sinamahan ako papuntang office ni tito Primo. Nang unang beses niya akong isakay sa kotse niya at ilibre ng pagkain at bigyang ng paborito kong hopya.





'Yung unang beses siyang pumunta ng bahay at samahan ako sa Mall. 'Nung unang beses na itext niya ako at pinag iisipan ko pang replayan. 'Yung unang beses na pagkikita namin sa MIS at halos tumakbo ako sa hiya dahil iniwan ako ng kaibigan ko sa kaniya. 'Yung unang beses niyang hawakan ang kamay ko. 'Nung unang beses niya akong ilibre ng masusuot dahil sobrang iksi ng short ko. 'Nung unang beses kong mag alala sa kaniya dahil nahospital siya dahil nakalimutan kong naging busy ako kaya hindi ko na siya naitetext.





Naalala ko din 'yung araw na unang beses akong pumunta sa bahay nila. Unang beses kong tumambay sa bahay niya. Unang beses na nakapag usap kami ng mahaba. 'Yung unang beses na nilibre niya kaming magkakaibigan. 'Yung unang beses na magtampo siya at kailangan kong suyuin. 'Yung unang kaba dahil ipinakilala ko siya sa magulang ko at nakilala ko ang Mom niya. 'Yung nagdebut ako at siya 'yung hinahanap ko. Unang halik. Unang selos. Unang sex at unang pagsubok.



Lahat ng 'yun ay nagflashback habang hawak ko ang kamay niya at pinagmamasdan ang singsing namin. Narito din 'yung couple bracelet na suot namin. Napatingin ako sa kaniya, abala ang tingin niya sa mga bisita. Hindi ko inaasahan na sa ganito pala kagwapo ang future ko. Wala kasi akong ibang sinasabi noon na ayaw ko ng mayaman dahil nanliliit ako pero lahat nabago 'yun 'nung siya na ang nakilala ko.




I am Jiwell Achelle Yskaela Gonzaga Alvarez now, the wife of Yvez Alvarez.




"What the hell." Bulong ni Yvez habang hinahaplos ang likod ko.




Sumuka ako ng kumain ako ng hopya. Nakakapanibago dahil paborito ko 'yun at ngayon lang ako bumaliktad ang sikmura ko ng maamoy ko ito at matikman.



Nartio kami sa bahay namin. Bahay namin. Bahay na pinagawa ni Yvez habang nasa London siya para sa amin.




"A-Are you pregnant?" Nanlalaki ang mata ni Yvez.



Nanlaki din ang mata ko sa sinabi niya. H-Hindi kaya? Hala!



Napatakip ako sa bibig sa gulat habang napangiti naman si Yvez.



"Wait. I buy pregnancy test. Stay here okay? After taking pregnancy test, we need to go hospital for check up okay?" Tuwang tuwa na sabi ni Yvez na hinalikan pa ako bago tumakbo palabas ng bahay.



Naiwan akong tulala at napapaisip. Buntis ako! Hala may baby kami???


Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sobrang saya. Alam kong buntis ako dahil maraming bagay ang nararamdaman ko at napapansin kong kakaiba. Naupo ako sa sofa at nanood ng tv habang hinihintay si Yvez na makabalik. Napatingin tuloy ako sa tiyan ko. Babae ka ba o lalaki? Gusto ko sana babae pero kahit anong ibigay sa akin ay ayos lang.




SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now